by the Local Communications Group-Gen. Trias
GENERAL TRIAS, Cavite, Pebrero 28, 2014 β Sa pagtatapos ng unang buwan ng taong 2014, may kabuuang 3,339 na negosyo ang nag-apply ng business permit sa ginawang Business One-Stop-Shop (BOSS) ng local na pamahalaan ng General Trias. Sa nasabing bilang, 336 ang mga bagong negosyo samantalang 3,003 naman ang renewed businesses. Mas mataas ito ng 4.88% kumpara sa naitala noong nakaraang taon. Ayon sa Punong Alkalde na si Antonio βOnyβ A. Ferrer, patunay lamang ito ng patuloy na kompiyansa ng mga mamumuhunan sa bayan ng General Trias at sa mga reporma at programang ipinapatupad sa ilalim ng kanyang pamamahala.
Sa taong ito, binigyan din ng VIP treatment ang mga taxpayers na nagpoproseso ng kanilang business permit bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa patuloy na pag-unlad ng bayan. Libreng kape, tsokolate, kendi at biskwit ang handog ng BOSS sa mga kliyente. Mas komportable na rin ang taxpayers lounge sa pagdaragdag ng mga upuan, lamesa, air cooler at flat screen TV na may cable program.
Kamakailan ay kinilala ang bayan ng General Trias bilang 5th Most Competitive Municipality in the Philippines ng National Competitiveness Council.