by the Local Communications Group-Gen. Trias
October 28, 2014 (General Trias, Cavite) – Mahigit 700 na college students ang tumanggap ng tulong pinansyal mula kay Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer sa distribution na isinagawa nitong Martes, October 28, 2014 sa General Trias Sports Complex, Brgy. San Juan I. Katuwang ang mga kawani ng Office of the Mayor, ang kanyang may-bahay na si Mrs. Anne A. Ferrer at anak na si Therese A. Ferrer, personal na inabot ni Mayor Ony ang educational assistance na nagkakahalaga ng P3,000 sa mga mag-aaral.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng alkalde na ang tulong na ito’y para sa 1st semester lamang, at may matatanggap pa ang mga beneficiary students para sa kanilang gastusin sa 2nd semester. Hinikayat niya rin ang mga scholars na pagbutihin ang kanilang pag-aaral nang sa gayon ay makatulong sa kanilang pamilya at maging sa komunidad.
Ang edukasyon ang isa sa pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng administrasyon ni Mayor Ony. Bukod sa educational assistance, may scholarship grant din na ibinibigay ang alkalde sa pakikipagtulungan ng Lyceum of the Philippines University – Cavite, AMA Computer University, National College of Science and Technology at Datacom Institute of Computer Technology.
Photographer: Grace Solis