Mayor Ferrer Nanghikayat ng Suporta para sa Jobstart Philippines Project

Mayor Ferrer Nanghikayat ng Suporta para sa Jobstart Philippines Project

 

 

by the Local Communications Group-Gen. Trias

 Tagaytay City (Abril 10, 2014) – Sa pangunguna ng Asian Development Bank (ADB), Government of Canada, Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Lokal na Pamahalaan ng General Trias sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO), nagsagawa ng consultation meeting sa mga human resources managers at opisyal ng tatlong industrial parks sa Cavite para sa implementasyon ng Jobstart Philippines Project. Ang nasabing proyekto na pinangangasiwaan ng ADB at pinondohan ng Canadian Government ay naglalayong bigyan ng mas magandang tyansang makapagtrabaho ang 1,600 “at risk youth”  mula sa apat na pilot LGUs’ na nakapagtapos ng high school at may edad 18-24 gulang sa pamamagitan ng career guidance and coaching, pagbibigay ng karampatang impormasyon tungkol sa labor market at on-the-job training sa mga pribadong kompanya. Sa nasabing pagpupulong, hinimok ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang mga kinatawan ng mga manufacturing companies na makiisa sa nasabing proyekto at maging isa sa mga partner employers na tatanggap at magbibigay ng training sa mga mapipiling youth beneficiaries ng Jobstart Philippines. Aniya, ang ikakatagumpay ng nasabing proyekto ay nakasalalay sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor. Ito rin daw ay isang magandang oportunidad para sa mga kompanya sa General Trias na makatulong sa mga kabataan. Dumalo rin upang magbigay ng mensahe at briefing tungkol sa Jobstart Philippines sina Bb. Narcisa Rivera-Senior Program Officer ng Embahada ng Canada, Bb. Ruth Rodriguez-Chief of Labor Market Information, Research and Career Guidance Advocacy Division ng DOLE Bureau of Local Employment, G. Kelly Bird-Principal Economist ng ADB at Engr. Ignacio Sanqui, Jr. – Provincial Director ng DOLE Cavite. Nagbigay naman ng kani-kanilang reaksyon, suwestyon at pagsuporta sina G. Arnel Sta. Ana ng Association of Human Resources Practitioners ng Gateway Business Park, Atty. Norma B. Cajulis-Zone Administrator ng Cavite Economic Zone at G. Raffy Malanyaon-Estate Manager ng First Cavite Industrial Estate.

Napili ang Bayan ng General Trias bilang isa sa apat na pilot LGUs at natatanging munisipalidad para sa implementasyon ng Jobstart Philippines Project. Ito’y dahil narin sa ipinamalas ng dedikasyon at husay ng General Trias PESO na hinirang noong nakaraang taon bilang National Best PESO, Hall of Famer Awardee ng DOLE.

instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy