by the Local Communications Group-Gen.Trias
Setyembre 1, 2014 (General Trias, Cavite) – Pinangunahan ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang kick-off ng mass immunization drive ng Department of Health katuwang ang Lokal na Pamahalaan upang labanan ang sakit na polio at tigdas. Sa nasabing proyekto, magsasagawa ng libreng pagbabakuna ang mga kawani ng Rural Health Unit (RHU) sa 33 barangays ngayong buong buwan ng Setyembre. Hanggad nitong mabigyan ng Oral Polio Vaccine (OPV) ang mga sanggol at batang may edad 0-59 months at Measles Rubella Vaccine (MR) para sa may edad 9 months to 59 months. Pinapaalala rin ng RHU na kailangan pa rin na pabakunahan ang mga batang may bakuna na laban sa polio at tigdas.
Dumalo rin sa pagpapasinaya na ginanap sa liwasang bayan sina Vice Mayor Maurito C. Sison, Dr. Abe Escario – Rural Health Officer at mga health workers ng local na pamahalaan.