
by the Local Communications group – Gen. Trias
Ika-28 ng Mayo 2021 — Bilang pagkilala sa kanilang serbisyo at upang lalong mapagbuti ang kanilang kakayahang makapagbigay ng serbisyong medikal sa mga Gentriseños, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng General Trias ng medical kits sa mahigit 400 mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars at Barangay Service Point Officers (BSPO). Tumanggap din ang mga BSPO ng mga bisikleta para makatulong sa kanilang pagiikot sa komunidad. Sa kanyang mensahe, ipinarating ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang taos-pusong pasasalamat sa serbisyo ng mga nasabing kawani. Nagpahayag din siya ng patuloy na suporta sa kanila sa paniniwalang ang pandemya ay malalampasan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan. Ang naturang programa ay dinaluhan din nina Vice Mayor Maurito “Morit” Sison at mga konsehal ng Sangguniang Panlalawigan.