by the Local Communications Group- Gen. Trias
Hulyo 31, 2014 (General Trias, Cavite) – Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng General Trias ng libreng school supplies sa mga mag-aaral sa pre-school at elementarya sa mga pampublikong paaralan bilang parte ng programang pang-edukasyon na isinusulong ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer. Ayon sa alkalde, mahalagang magkaroon ng sapat na gamit ang ating mga mag-aaral upang lalo nilang mahasa ang kanilang kaisipan. Malaking bagay din aniya ito sa mga magulang upang mabawasan ang kanilang gastusin sa eskwela.
Katuwang sa pamamahagi ng alkalde ang kanyang butihing may bahay na si Ginang Anne A. Ferrer na personal na nagtungo sa iba’t-ibang public schools sa General Trias. Sa kabuuan, mahigit 30,000 kabataan mula kinder hanggang Grade 6 ang tumanggap ng mga bagong lapis, ballpen, papel, notebook, scissors, ruler, eraser at crayons.
Buong pasasalamat namang tingggap ng mga estudyante, magulang gayundin ng mga guro ang tulong na ito mula kay Mayor Ony.