by the Local Communications Group-Gen. Trias
May 25, 2015 (General Trias, Cavite) – Muling ipinamalas ng mga Gentriseño ang pagkakaisa at malasakit sa komunidad nang sama-samang nagtulong-tulong ang iba’t-ibang sektor sa ginanap na Brigada Eswkela nitong May 18-23, 2015. Sa temang “Tayo para sa Kalinisan, Kaligtasan at Kahandaan ng ating mga Paaralan”, layunin ng programa na ihanda ang mga paraalan hindi lamang para sa darating na pasukan kundi maging sa mga kalamidad. Bilang ama ng bayan, pinangunahan ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer noong May 18 ang kick-off walkathon mula South Square Village sa Barangay Pasong Kawayan I, hanggang Governor Ferrer Memorial National High School sa Barangay Pinagtipunan. Kasama niyang dumalo si Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison at mga Sangguniang Bayan Members. Tulad rin ng mga guro at ibang volunteers na nagtungo sa mga pampublikong paaralan, naglaan din sila Mayor Ferrer ng oras upang tumulong sa paglilinis, pagpipinta at pagsasaayos ng mga silid aralan. Namahagi rin ang alkalde ng mga pintura upang magamit sa pagpapaganda ng mga eskwelahan. Sa kasalukuyan, may 35 public elementary at high schools sa buong bayan ng General Trias.
Photo by: Dennis Abrina