Abril 21, 2012 – Nagkaisa at nagtulong-tulong ang mga kawani ng Lokal na Pamahalan ng General Trias, mga opisyal ng Barangay, mga volunteers at mga residente sa isinagawang Municipal Wide Clean-Up Drive na bahagi ng pagsuporta sa Earth Day. Ang nasabing programa na pinangasiwaan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ay naglalayon ,ding palawakin ang kaalaman ng mga mamamayan sa ibat-ibang environmental issues at kung papaano sila makakatulong sa pagtugon dito.
Bahagi rin ng ginawang Earth Day celebration ang pamamahagi ng libreng “eco bags” sa mga mamimili ng Pamilihang Bayan ng General Trias bilang paghahanda sa nalalapit na implementasyon ng ipinasang Municipal Ordinance No. 12 – 03 sa August 14, 2012 kung saan ipinagbabawal at ireregulate na ang pag-gamit ng ibat-ibang uri ng plastic at hinihikayat ang pag-gamit ng mga alternatibong “eco-friendly” na sisidlan.
Sa pangunguna ni Mayor Jon-Jon Ferrer at ng Sangguniang Bayan, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay halaga at pangangalaga sa ating Inang Kalikasan.