by the Local Communications Group-Gen. Trias
December 1, 2014 (General Trias, Cavite) – Bilang pakikiisa ng Bayan ng General Trias sa 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW), nagsagawa ng pagsasanay sa self-defense at women’s rights ang Lokal na Pamahalaan sa pakikipagtulungan ng General Trias Municipal Police Station. Mahigit 100 na kababaihan na miyembro ng Nagkakaisang Kababaihan ng General Trias at mga Barangay Women and Children’s Desk Officers,ang dumalo sa nasabing training na ginanap noong November 25, 4PM sa town plaza. Pinangunahan nila PO1 Jovel Espiritu at PO1 Marlene Tejada ang pagtuturo ng arnis at basic hand combat na magagamit ng mga kababaihan sa emergency situations. Pinaalala naman ni SPO2 Charry Atas sa mga nagsidalo ang kanilang karapatan sa ilalim ng batas bilang mga babae. Hinimok din niya ang mga ito na ireport sa pulisya o kaya sa barangay ang mga insidente ng pang-aabuso.
Patuloy naman ang binibigay na suporta ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer sa sektor ng kababaihan sa General Trias. Bukod sa mga programang magsisiguro at magtatanggol sa kanilang karapatan, nagpapatupad din si Mayor Ferrer ng mga proyektong magbibigay ng pangkabuhayan at mangangalaga sa kalusugan ng ating mga kababaihan.
Ang 18-day Campaign to End VAW at nagsimula noong ding November 25 at magtatapos sa December 10 ng taong ito. Ito’y may temang “End VAW Now! It’s Our Duty!”
Photographer: Grace S. Solis