Mga Miyembro ng People’s Law Enforcement Board (PLEB), Itinalaga

Mga Miyembro ng People’s Law Enforcement Board (PLEB), Itinalaga

by the Local Communications Group- Gen. Trias

Ang ating kapulisan ang pinagkakatiwalaan nating magtatanggol sa atin at magpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng ating bayan, ngunit paano kung sila ay lumampas sa kanilang limitasyon o di kaya’y hindi maayos na nagagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin?

Na ayon sa Republic Act 6975 o DILG Act of 1990, ang bawat bayan ay dapat bumuo ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) na siyang magiging tagapagbantay ng mga mamamayan mula sa mga abusadong pulis.  Noong unang araw ng Agosto ay nanumpa na ang mga bagong opisyal ng PLEB ng Bayan ng General Trias sa Tanggapan ng Punong Bayan, Mayor Ony Ferrer.

Ang kasalukuyang PLEB ay binubuo nila Kon. Lamberto Carampot, Kgg. Gary Grepo (Pangulo ng Liga ng mga Barangay), Atty. Eufracio Fortuno, at Atty. Fernando Viniegra IV, sa pamumuno ni Atty. Francesca R. Custodio.  Itinalaga din bilang kalihim si G. Alex Fernando at bilang Process Server naman si G. Roberto Samartino.  Silang lahat ay manunungkulan sa kanilang mga naturang posisyon sa loob ng dalawang taon.

Ang PLEB ay naatasang magbigay ng desisyon sa mga kasong ihahain sa kanila ng sinumang indibidwal na magsasampa ng reklamo laban sa mga hindi kaaya-ayang ginagawa ng mga miyembro ng kapulisan.  Gayundin, sila ay maaring magpataw ng kaampatang parusa sa mga mapapatunayang nagkasala at umabuso sa kanilang mga tungkulin.

Bukod sa PLEB ay maari din nating ilapit ang ating mga hinaing sa hepe ng pulisya at sa ating Punong Bayan.  Umaasa ang mga miyembro ng PLEB na magiging mapagmatyag ang mga GenTriseño upang tulong-tulong nating panatilihin ang epektibo, malinis at tapat na pamamahala sa ating bayan.

instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy