by Local Communications Group-Gen.Trias
Agosto 13, 2012. – Pinangunahan ni Mayor Luis “Jon-Jon” Ferrer IV ang paglulunsad sa dalawang programang pangkabuhayan ng lokal na pamahalaan sa dalawang magkahiwalay na okasyon. Ang una sa mga programang ito ay ang pamamahagi ng limangpung “Nego-Food Kart” sa mga beneficiaries mula sa iba’t-ibang barangay ng General Trias katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Region IV-A. Dumalo rin sa nasabing seremonya na ginanap sa Ferrer Farm sa Barangay Pinagtipunan sina Cong. Antonio A. Ferrer ng ika-6 na Distrito ng Cavite, mga Sangguniang Bayan Members, Usec. Danilo Cruz ng DOLE, Director Alex Avila ng DOLE Region IV-A, Director Enrico Sagmit at Leo Edwin Hernandez ng DOLE Cavite at si Mr. Ariel Mugol, PESO Manager ng General Trias.
Samantala, pinasinayaan din ni Mayor Ferrer kasama ang mga Sangguniang Bayan Members ang “mini-store” ng Rural Improvement Club (RIC) sa blessing na ginanap sa munisipyo. Ang RIC ay kinabibilangan ng mga miyembro mula sa ibat-ibang barangay. Sila’y gumagawa ng mga food, household products at handicrafts na kanilang ibinebenta sa RIC mini-store. Pinangangasiwaan ng Municipal Agriculture Office ang pagbibigay ng technical training assistance sa nasabing grupo. Ang RIC mini-store ay matatagpuan sa unang palapag ng munisipyo.
Ayon kay Mayor Ferrer, layon ng mga programang ito na mabigyan ng magandang oportunidad ang mga Gentriseño sa pamamagitan ng pagkakaroon nila ng sariling negosyo at suporta’t gabay mula sa lokal na pamahalaan.