by the Local Communications Group-Gen.Trias
Hunyo 16, 2014 (General Trias, Cavite) – Mahigit 400 na aplikanteng Gentriseño ang nabigyang serbisyo nang muling isinagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Mobile Passport Service sa Bayan ng General Trias noong ika-14 ng Hunyo, 2014 sa General Trias Cultural and Convention Center. Ang nasabing proyekto ay bahagi ng layunin ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer na ilapit ang serbisyo ng mga National Government Agencies sa mamamayang kanyang nasasakupan. Ani ni Mayor Ferrer malaking ginhawa ang mga proyektong tulad nito dahil bukod sa iwas-pagod ay makakatipid pa ang mga aplikante dahil hindi na nila kinakailangan na lumuwas ng Maynila upang kumuha ng mahahalagang dokumento tulad ng pasaporte. Nakatakda naming i-release ang mga pasaporte ng approved applicants sa darating na Hulyo 19, 2014 sa Munisipyo ng General Trias.
Walong-taon nang isinasagawa ang Mobile Passport Service sa Bayan ng General Trias kung saan maaaring i-proseso ang mga applications para sa new at renewal ng passport.