by the Local Communications Group-Gen. Trias
Upang mailapit ang isa sa mga pinaka-kinakailangan serbisyo ng mga mamamayan, lalo na sa mga magsisimulang maghanap-buhay, muling nakipag-ugnayan at nakipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magkaroon ng NBI Clearance Issuance Center sa General Trias.
Ang NBI Clearance on wheels ay nagtagal ng tatlong araw sa munisipyo noong September 18 – 20, kung saan mabilis, epektibo at sistematikong nakapagbigay ng clearances sa 472 mga kliyente. Halos limang daang mga GenTriseño ang hindi na kinailangang mamasahe at gumastos nang malaki upang makakuha ng clearance. Ang convenient na serbisyong ito ay ika-anim na taon nang inihahatid ng NBI at ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer para sa benepisyo hindi lamang ng mga taga-General Trias kundi maging ng ilang mga mamamayan mula sa mga kalapit na bayan.