News

News



Project Details:

Project Title: Construction of Fifty (50) units 100 Watts 25ft. Single Arm LED Street Lights along Felix Y. Manalo Road

Project Ref No.: INFR-22-062

Proj Location: Along Felix Y. Manalo Road, Barangay Navarro, City of General Trias

Proj. Amount: P4,999,989.22Proj. Schedule: December 31, 2022 – January 31, 2023

Status: Completed






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Isa ang dialysis sa mga serbisyong pangkalusugan na kinakailangan ng marami ngunit dahil may kamahalan ito, nahihirapan ang ilan sa ating mga kababayan na makapagpagamot.  Ito ang layuning tugunan ng proyektong inilunsad ng Pamahalaang Lungsod, sa pakikipagtulungan sa tanggapan ng Kinatawan sa Kongreso ng Ika-Anim na Distrito ng Cavite.  Kaya’t nitong ika-29 ng Abril 2022, pinasinayaan ang City of General Trias Dialysis and Renal Therapy Center sa General Trias Health Complex, Barangay Pinagtipunan.   Sa pamamagitan nito, makapaghahatid ang Pamahalaang Lungsod ng abot-kayang dialysis services sa mga Gentriseño.

Ang programa ay pinangunahan nina Mayor Ony Ferrer, Congressman Jon-Jon Ferrer, at mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod.

Ang nasabing pasilidad ay pangangasiwaan ng Renal One Dialysis Clinic at inaasahang magbubukas sa publiko matapos makamit ang pinal na permiso mula sa Kagawaran ng Kalusugan.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-3 ng Enero 2022 – Muling binuksan ang satellite Business One-Stop Shop (BOSS) sa Robinsons Place General Trias para sa pagpoproseso ng mga business permit ng mga negosyo sa GenTri, maging new applications at renewals. Para siguradong maipatutupad ang minimum health standards, kinakailangan munang mag rehistro online sa https://generaltrias.gov.ph/bplo dahil nasa 200 lamang ang ipoproseso kada araw. Makakatulong din ito para mas mapabilis ang proseso dahil ang ilan sa mga requirements ay maari nang iupload.  Ang satellite BOSS ay tumaggap ng mga aplikasyon mula Enero 3 hanggang Marso 30, 2022, at nakapagproseso ng may 6,196 na business permits.

Bilang tulong naman sa mga micro businesses ngayong pandemya, partikular sa mga sari-sari stores, inaprubahan ni Mayor Ony Ferrer ang City Ordinance No. 22-06 nitong ika-7 ng Marso 2022 na nagtatalaga ng exemption para sa pagkuha at pagbabayad nila ng business permit para sa taong 2022.  Tinatayang nasa mahigit dalawang libong sari-sari store owners ang inaasahang makikinabang sa hakbang na ito ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias.

Bagamat exempted sa business permit, kinakailangang may DTI Business Name Registration at Barangay Business Clearance upang maging qualified sa nasabing exemption.  Para naman sa mga nauna nang makakuha ng business permit, maaari nilang ma-avail ang exemption sa susunod na taon.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-24 ng Marso 2022 — Muling tumanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng General Trias, sa pamumuno si Mayor Ony A. Ferrer, para sa City Anti-Drug Abuse Council (CADAC).  Kinilalang may Progressive Functionality ang GenTri CADAC dahil sa aktibo nitong pagganap at pagsasagawa ng mga hakbang para masugpo ang droga sa Lungsod. Kabilang dito ang pagkakaroon ng Anti-Drug Abuse Councils sa mga barangay na nasasakupan, pagsasagawa o pagsuporta para sa matagumpay na drug clearing operations, at paglulunsad ng mga aktibidad para mapigilan ang paglaganap pa ng droga sa mag komunidad.  

Ang ADAC performance audit ay isinagawa ng DILG at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, sa pamamagitan ng Provincial Anti-Drug Abuse Council.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-4 ng Pebrero 2022 — Sa pangunguna ni Department of Trade and Industry (DTI) Cavite Provincial Director, Ms. Revelyn Cortez, ay naghatid ang DTI ng mga livelihood kits para sa dalawampung (20) micro, small, and medium enterprises (MSMEs) mula sa apat na barangay sa Lungsod ng General Trias.  Ang mga beneficiaries ay tumanggap ng mga iba’t ibang primary commodities and supplies na pangbenta na makakatulong para lalo pa nilang mapaunlad ang kanilang pagnenegosyo.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay ng DTI na naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na maging mas produktibo sa pamamagitan ng pagnenegosyo at mas maitaas pa ang lokal na ekonomiya.  Dumalo sa turnover sina Konsehal Jonas Labuguen bilang kinatawan ni Congressman Jon-Jon Ferrer, Konsehal Kristine Perdito bilang kinatawan ni Mayor Ony Ferrer, Punong Barangay Francisca Alcantara ng Pasong Kawayan II, Punong Barangay Ricky Deseo ng Tapia at Punong Barangay Joel Prudente ng Pinagtipunan.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Muling tumanggap ang pamahalaang lungsod ng General Trias ng pagkilala mua sa Department of Interior and Local Government (DILG) nitong ika-17 ng Disyembre para 2021 Regional LGU Compliance Assessment on Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Progam (MBCRPP). Dumalo sa virtual awarding ceremony sina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Vice Mayor Morit Sison, Chair of SP Committee on Environment Councilor Kristine Perdito, at ang mga miyembro ng General Trias Save Manila Bay Task Force. Matatandaan nitong nakaraang Hunyo ay tumanggap din ng parehong pagkilala sa lungsod mula sa DILG para sa performance nito sa naturang programa. Umani ang GenTri ng score na 98.3% at hinirang na 3rd Place sa Compliance Assessment.

Bukod sa mga regular na mga proyektong pangkalikasan, ang MBCRPP ay isa sa mga programang masusing sinusuportahan ng GenTri dahil sa malaking impact nito sa estado ng kapaligiran, hindi lamang sa lungsod kundi maging sa buong bansa. Kilala ang Manila Bay sa buong mundo dahil sa ganda nito at maraming mamamayang umaasa dito para sa kanilang kabuhayan. Batid ng mga namumuno sa ating lungsod, sa panguguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga bayang nakapaligid sa Manila Bay sa rehabilitasyon at pagpapanatili ng ganda at buhay ng likas na yamang ito; kaya naman maasahang magpapatuloy ang GenTri sa pakikiisa at pagsasagawa ng mga aktibidad na tiyak na makakatulong sa adhikaing ito.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Iniranko kamakailan ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) ang lahat ng mga lalawigan, lungsod, at munisipalidad sa buong bansa ayon sa performance ng mga ito sa paglikha o pagkalap ng pondo mula sa mga lokal na mapagkukunan. Base sa datos ng BLGF, Top 8 ang General Trias sa Year-on-Year Growth in Locally-Sourced Revenue for Fiscal Year 2019-2020 at isa sa mga best performing LGUs sa larangan ng revenue generation.

Ang mga tinatawag na locally-sourced revenues ay mga pondong nakokolekta ng isang lokal na pamahalaan mula sa iba’t ibang mga aktibidad, kabilang na ang masiglang pagnenegosyo sa loob ng nasasakupan nito. Dahil sa naturang report, masasabi nating patuloy na sumusigla ang lokal na ekonomiya ng GenTri na nangangahulugan din ng maayos na pamamalakad ng lokal na pamahalaan at umuunlad na komersyo. Ang karagdagang pondong nakakalap ng ating city government, sa pamumuno ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, ay malaki ang pakinabang para sa mahusay na implementasyon ng iba’t ibang programa at proyekto para sa mamamayan. Dagdag pa rito, kung mataas ang locally generated revenues, mas mababa ang tinatawag na dependency ng lokal na pamahalaan sa Internal Revenue Allotment (IRA) mula sa national government na nagbibigay daan upang mas maraming proyekto at serbisyo ang magawa ng pamahalaang lungsod para sa lalong pag-unlad ng ating One and Only GenTri.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Isa na namang pagkilala ang tinanggap ng GenTri, mula naman sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng Region 4A para sa pulido nitong Comprehensive Land Use Plan at Zoning Ordinance (CLUP-ZO). Ginawaran ng DHSUD ang GenTri ng plake ng Gawad Husay sa Pagpaplano sa isang simpleng awarding ceremony na idinaos noong ika-10 ng Disyembre 2021 sa Calamba City.

“Para po sa amin na nagsusumikap magampanan nang maaayos ang aming mga tungkulin, isa pong malaking karangalan na mapabilang sa mga tatanggap ng pagkilalang ito mula sa Department of Human Settlements and Urban Development. Nagsisilbi po itong sensyales na kami ay nasa tamang direksyon at magsisilbi din po bilang inspirasyon para lalo pa naming pagbutihan ang aming mga gampanin.” ani Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer sa kanyang mensahe ng pagtanggap. Ang CLUP-ZO ang nagsisilbing gabay ng pamahalaang lungsod sa paggamit ng land resources ayon sa pangkalahatang tema o programang pangkaunlaran nang may konsiderasyon sa mga future developments; kaya naman ang pagkakaroon ng compliant na CLUP-ZO ay magandang panuntunan na ang isang local government unit (LGU) ay masusing nagpaplano para sa kinabukasan ng isang lungsod.






by the Local Communications Group – Gen. Trias

Bilang pakikiisa sa National Vaccination Days kontra COVID-19, isinagawa ng pamahalaang lungsod ng General Trias, sa pamamagitan ng City Health Office, ang malawakang pagbabakuna mula noong ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-1 ng Disyembre 2021. Nakiisa rin sa ikawalang araw ng bakunahan si Assistant Secretary Enrique “Eric” Tayag at DOH representative Ms. Ludette Lontoc, bilang pagpapahayag ng suporta ng Department of Health sa naturang programa para sa lungsod ng GenTri.

Sa loob ng tatlong araw na bakunahan, nasa 26,490 COVID-19 vaccines ang naibigay sa mga GenTriseño kabilang na ang 7,827 kabataan na nasa 12-17 taong gulang. Katuwang ng CHO ang mga volunteers mula sa iba’t ibang organisasyon at sektor kabilang na ang Barangay, PNP,BFP at mga pribadong nurses at doktor. Sa huling tala ay nasa 392,922 na ang kabuuang bilang ng mga doses ng bakuna na naibigay ng pamahalaang lungsod. Inaasahan na sa pamamagitan ng malawakang pagbabakuna ay tuluyan nang mapapababa at makokontrol ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa kaya naman masigasig din ang pakikiisa dito ng ating lokal na pamahalaan.






by the Local Communications Group – Gen. Trias

Ika-1 ng Disyembre 2021 – Nag-courtesy call at nakipagpulong ang newly-appointed Provincial Director ng Department of Trade and Industry (DTI) – Cavite na si Ms. Revelyn Cortez, kasama ang ilang opisyal ng DTI Cavite. Si Ms. Cortez ay dating hepe ng Business Development Division ng DTI-Cavite at pumalit sa nagretirong Provincial Director na si Mr. Noly. Guevara.

Isa ang General Trias sa mga lungsod sa Cavite kung saan patuloy na yumayabong ang pagnenegosyo at malaki ang maitutulong ng DTI para lalo pang magabayan ang mga GenTri entrepreneurs. Isa sa mga tinalakay nila ay ang implementasyon ng Negosyo Serbisyo sa Barangay, na naglalayong ipaabot ang mga iba’t ibang programa ng nasabing ahensya sa mga micro businesses ng lungsod.






by the Local Communications Group – Gen. Trias

Hinirang na 4th Runner-up sa ginanap na Ms. Tourism Philippines 2021 pageant noong ika-31 ng Oktubre sa Rosario, Batangas si Binibining Asharey Klyde Palompo na tubong Bagmbayan, General Trias. Kinatawan ni Asharey ang lalawigan ng Cavite sa prestilyosong patimpalak na naglalayong maisulong ang turismo ng iba’t ibang lalawigan sa bansa at sa buong mundo. Bagama’t unang sabak pa lamang ni Bb. Palompo sa larangan ng national beauty pageants, kinakitaan siya ng kumpiyansa at tiwala sa kanyang kakayahan. Sa kanyang tourism video kung saan itinampok ang iba’t ibang tourist spots, hinikayat ni Asharey ang mga manonood na bisitahin ang lalawigan. “Cavite, a gift of nature, and pride of our Mother Land: make it your next destination!” aniya. Tunay na ipinamalas ni Asharey ang galing GenTri, gâling GenTri, kaya naman tunay ka naming ipinagmamalaki.






by the Local Communications Group – Gen. Trias

Magkasunod na isinagawa ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa mga natapos na multi-purpose hall at covered court sa Barangay Manggahan at multi-purpose hall ng Barangay Pasong Camachile nitong ika-17 ng Oktubre 2021.

Ganun din naman, binasbasan at pinasinayaan ang bagong gawang mga gusali (Martina S. Ferrer and Teofilo G. Grepo buildings) ng Cavite State University (CvSU) General Trias Campus sa Barangay Vibora noong ika-29 ng Oktubre 2021. Ang isinigawang renovation ay naglalayong mas maayos na makapaghatid ng serbisyong pang edukasyon sa ating mga mamamayan na tutulong makapagbukas para sa kanila ng mas magagandang oportunidad tungo sa pag-unlad. Noon pa man ay isa na sa mga priority areas ng lokal na pamahalaan ang edukasyon at asahang magpapatuloy ito sa mga darating pang administrasyon.

Kasunod nito ay pinasinayaan din ang Dulong Bayan Barangay Hall extension building, kasama si LNB President Alfred Ching.

Noong ika-29 ng Oktubre 2021 ay magkasunod ding pinasinayaan ang barangay hall ng Buenavista I at ang bagong tayong covered court sa Il Giardino subdivision na magsisilbing safe common area para sa mga residente nito, kung saan ligtas na maisasagawa ng mga homeowners ang kanilang mga programa at aktibidad.

Ang mga nasabing proyekto ay bunga ng pagtutulungan ng pamahalaang lungsod ng General Trias sa pamumuno ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, at ng tanggapan ng Kinatawan ng Ika-Anim na Distrito ng Cavite sa kongreso, Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer, IV. Ang mga ito ay inaasahang magbibigay-daan sa mas epektibong paghahatid ng mga pangunahing serbisyo ng mga barangay sa mga mamamayan, lalo na sa kasalukuyang panahon kung saan ang mga mas maayos na pasilidad ay nakakatulong para mapanatili ang health and safety protocols para sa lahat. Layunin din ng mga proyektong ito na magsilbing suportang pang-imprastraktura para sa iba’t ibang mga sektor sa ating mga pamayanan, patungo sa tuloy-tuloy pang pag-unlad ng ating One and Only GenTri.






by the Local Communications Group – Gen. Trias

Nitong Hunyo 2021 ay naghatid ang Pamahalaang Lungsod ng mga thermal scanners, hand sanitizer dispensers at facemasks sa DepEd Schools Division of General Trias City  na nakalaan upang ipamahagi sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod.  Bagama’t hindi pa pinapayagan ang face-to-face classes, regular pa ring nagrereport sa paaralan ang mga guro at kawani para ihanda ang mga kagamitan para sa iba’t ibang learning modalities ng mga mag-aaral, kagaya ng synchronous online classes at asynchronous learning modules.

Bilang kinatawan ng mga kaguruan at kawani ng DepEd GenTri, nagpahayag ng pasasalamat si Dr. Doris DJ. Estalilla , City Schools Division Superintendent, para sa suportang ito ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer.  Ang mga kagamitang ito ay makakatulong para mapanatili ang kaligtasan ng Team DepEd GenTri sa gitna ng pandemya habang patuloy na naghahatid ng serbisyong pang-edukasyon para sa ating mga kabataan.






by the Local Communications Group – Gen. Trias

Hunyo 3, 2021 — Kasama ang ilang kawani ng Department of Interior and Local Government – Cavite Provincial Office ay nagsadya si DILG Cavite Provincial Director Lionel L. Dalope sa tanggapan ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer para igawad ang Silver Award sa Pamahalaang Lungsod ng General Trias mula sa DILG at sa Pamahalaang Lalawigan ng Cavite.  Ang pagkilalang ito sa Lungsod ng GenTri na nagkamit ng Rank 3 para sa City Category ay para sa natatanging performance nito sa Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP) 2020 LGU Compliance Assessment.  Tumanggap din ang lungsod ng Certificate of Recognition para sa 100% LGU – Initiated Weekly Clean-up Drive mula June 2019 hanggang February 2020. Isa ang mga ito sa mga pangunahing inisyatibong pangkapaligiran ng Pamahalaang Lungsod na patuloy na nagiging matagumpay sa supporta at kooperasyon ng mga barangay.  Dahil sa ganitong mga proyekto, malaki ang naitutulong ng GenTri upang mabawasan ang polusyon at unti-unting maibalik ang buhay at sigla ng Manila Bay.






by the Local Communications Group – Gen. Trias

Ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ang itinuturing ng ating pamahalaan na pangunahing solusyon sa kinakaharap nating pandemya kaya naman agad na nakipagugnayan ang Pamahalaang Lungsod ng General Trias sa mga kinauukulan para mabilis na mailunsad ang programang ResBakuna sa GenTri.  Binuksan ang online registration sa official website ng City Government (https://generaltrias.gov.ph/covax) para sa mas mabilis at ligtas na paraan ng pagpapalista.  Matapos ang masusing paghahanda, katuwang ang Department of Health ay matagumpay na nasimulan ito noong Abril sa General Trias Cultural and Convention Center.

AstraZeneca at Sinovac ang unang dalawang brand ng covax na natanggap ng GenTri.  Alinsunod sa priority group system, unang binakunahan ang mga healthcare workers, senior citizens, persons with comorbidities, frontline personnel in the essential sector, at ang mga nabibilang sa indigent population. Sa mga unang araw pa lamang ng programa ay kinakitaan na ito magandang turn-out at mataas na registration rate, patunay ng magandang pagtanggap dito ng mga GenTriseño.  Dahil sa lumalaking bilang ng mga nagpaparehistro para sa bakunahan, sa pakikipatulungan ng Robinsons Malls ay binuksan noong ika-28 ng Mayo 2021 ang ikalawang vaccination site sa Robinsons Place General Trias sa Barangay Tejero.  Hindi nagtagal ay nagbukas pa ng ikatlong site, sa pakikipagtulungan ng Property Company of Friends, Lancaster Estate Homeowners Association, St. Edward School at Pamahalaang Barangay ng Navarro, sa  St Edward School sa Lancaster New City, Brgy. Navarro noong ika-16 ng Hunyo 2021.  Malaon ay nadagdag na rin bilang vaccination sites ang Vista Mall General Trias at Divine Grace Medical Center.  Sa pakikiisa ng pribadong sektor, mas nagiging mabilis at maayos ang implementasyon ng Resbakuna.  






by the Local Communications group – Gen. Trias

Ika-28 ng Mayo 2021 — Bilang pagkilala sa kanilang serbisyo at upang lalong mapagbuti ang kanilang kakayahang makapagbigay ng serbisyong medikal sa mga Gentriseños, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng General Trias ng medical kits sa mahigit 400 mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars at Barangay Service Point Officers (BSPO). Tumanggap din ang mga BSPO ng mga bisikleta para makatulong sa kanilang pagiikot sa komunidad.   Sa kanyang mensahe, ipinarating ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang taos-pusong pasasalamat sa serbisyo ng mga nasabing kawani.  Nagpahayag din siya ng patuloy na suporta sa kanila sa paniniwalang ang pandemya ay malalampasan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan. Ang naturang programa ay dinaluhan din nina Vice Mayor Maurito “Morit” Sison at mga konsehal ng Sangguniang Panlalawigan.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-27 ng Mayo 2021 — 500 sets ng laptop computers ang nai-turnover sa DepEd Schools Division of General Trias City sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer bilang bahagi ng pinaigting na suporta ng Pamahalaang Panlungsod sa mga programang pang-edukasyon.  Ang mga ito ay ipamamahagi ng Schools Division Office sa lahat ng tatlumpu’t anim (36) na pampublikong paaralan sa lungsod.  Malugod na tinaggap at pinasalamatan ng mga guro at kawani ng SDO na pinamumunuan ni Dr. Doris DJ. Estalilla ang tulong na ito na lubos nilang magagamit para sa paghahatid ng online learning sa kanilang mga mag-aaral.  






by the Local Communications Group – Gen. Trias

Ika-27 ng Mayo 2021 — Dinaluhan ni Myor Antonio “Ony” A. Ferrer ang turn-over ceremony para sa pagpapalit ng liderato ng General Trias Component City Police Station na ginanap sa Cavite Police Provincial Officer sa Imus.  Ang nasabing programa ay pinangunahan ni PNP Cavite Provincial Director PCOL Marlon Santos sa pagitan ng outgoing officer-in-charge ng GenTri CCPS na si PMAJ Fernand Venancio Segundo at ng bagong magiging hepe ng istasyon na si PLTCOL Norman Tablado Rañon.  Si PMAJ Segundo ay nagsilbi ng may halos isang buwan sa GenTri at naging pangunahing katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.  Ang bagong OIC na si PLTCOL Rañon naman ay nagserbisyo sa mga lalawigan ng Quezon at Rizal bago ito madestino sa GenTri.  Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Mayor Ony sa paglilingkod ng ni PMAJ Segundo sa lungsod at ipinarating din ang kanyang malugod na pagtanggap sa magiging bagong hepe ng local police. 






by the Local Communications Group – Gen. Trias

Ang Social Amelioration Program (SAP) ay isa sa mga pangunahing naging tugon ng pamahalaan para matustusan ang mga pangangailangan ng mga kababayan nating lubos na naapektuhan ng lockdowns bunsod ng COVID-19 pandemic.  Dahil sa mga kinakailangang community quarantine, nalimitahan ang galaw ng mga mamamayan kaya’t malaki ang naging epekto nito sa paghahanap-buhay lalo na para sa mga nabibilang sa tinatawag na informal economy kagaya ng mga tsuper, manininda, pahinante, at iba pa, gayundin para sa mga kababayan nating mas nangangailangan gaya ng mga senior citizens, may kapansanan, mga buntis, at solo parents. Para maihatid ang tulong na ito mula sa DSWD, katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa pamimigay nito sa mga tukoy na beneficiaries sa ating mga komunidad.  

Dahil dito, ilang araw na naglibot ang ating mga kasamahang kawani ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias para maihatid ang ayudang SAP sa ating mga mamamayan.

Sa pakikipagugnayan at tulungan ng mga pamunuan ng mga nasabing barangay, siniguradong naipapatupad ang mga minimum health and safety protocols sa lahat ng pagkakataon sa mga isinagawang aktibidad.  Inaasahang sa pamamagitan ng ayudang ito ay maiitatawid kahit paano ang mga pangangailangan ng bawat pamilya, katuwang ang tugon din ng lokal na pamahalaan na namahagi din tulong sa pamamagitan ng pondong mula sa Pamahalaang Lungsod.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Sa pakikipagtulungan ng Information Technology Business Solutions (ITBS), isinagawa nitong nakaraang March 5, 2021 ang pagsasanay ng may mahigit 200 Authorized Registration Officers bilang paghahanda sa nalalapit na paglulunsad ng General Trias Smart City Mobile Application. Ang nasabing mobile app ay magbibigay daan sa mga E-Government services at makakatulong din nang malaki para sa mas mabilis at sistematikong contact tracing at sa COVID-19 vaccination program ng lungsod.

Matatandaang nitong nakaraang taong 2020 ay naisagawa ang mga unang hakbang ng paghahanda para sa technology upgrade ng GenTri. Nasimulan na ang online appointment and application bilang tugon sa pangangailangan para sa maayos na operasyon ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan habang may banta pa rin ng pandemya. Noong Nobyembre naman ay tinanggap ng ating mga opisyal ang donasyon mula sa ITBS para sa Smart City Ecosystems. Sa ating kasalukuyang sitwasyon, napakahalagang hakbang ang mapanatiling maayos ang paghahatid ng serbisyo publiko gamit ang teknolihiya. Hindi magtatagal at ang mga serbisyong ito ay mas mapapadali sa pamamagitan ng GenTri Smart City mobile app at magiging abot-kamay ng bawat GenTriseño.

Ang proyektong ito ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias ay isinulong nila Mayor Ony Ferrer, Cong. Jon-Jon Ferrer, Vice-Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Panlungsod Members.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Kagaya ng nakagawian, ang business permit application and renewal ay isinagawa sa unang buwan ng taon. Ngunit dahil sa banta ng pandemya, kinailangan ang ilang adjustments para masiguro ang ligtas at maayos na transakyon ng ating mga mamamayan. Para maipatupad ang rekomendadong physical distancing at iba pang health protocols, ang pagpoproseso ngayong taon ay isinagawa sa Satellite BOSS sa 3rd Floor Cinema Area ng Robinsons Place General Trias mula noong ika-4 ng Enero hanggang ika-5 ng Pebrero. Nilimitahan lamang sa 180 aplikante kada araw ang tinanggap at mahigpit na ipinatupad ang pagsusuot ng face mask at face shield, gayundin ang pagdadala ng sariling ballpen.
Ngayong taon ay naging posible na rin ang online application kung saan maaari nang magsumite ng forms at requirements para mas mapabilis ang proseso. Matapos maisumite ang mga dokumento ay maari nang magsadya sa Satellite BOSS para makapagbayad at makuha ang Integrated Business Permit. May kabuuang bilang na 1,201 ng mga bagong negosyo at 5,573 renewal ang naiproseso at naserbisyuhan ng BOSS 2021.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Sa gitna man ng pandemya, patuloy pa rin ang pagtapos sa mga priority infrastructure projects ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias. Ito ay dahil kinikilala ng ating mga lingkod-bayan ang malaking kahalagahan ng iba’t ibang mga pasilidad para sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at maayos na serbisyo para sa bawat GenTriseño. Kabilang sa mga napasinayaan at binasbasan nitong Pebrero ay ang mga sumusunod:

Ika-28 ng Pebrero 2021 – Police Community Precinct at Fire Sub-Station sa Sitio Elang, Barangay San Francisco at turnover ng mga bagong fire trucks sa Bureau of Fire Protection; kasama ang mga opisyal ng PNP at BFP
Ika-27 ng Pebrero 2021 – Ligtas COVID Isolation Facility Extension Building sa General Trias Sports Park
Ika-26 ng Pebrero 2021 – Multi-Purpose Covered Court ng Castillon Homes, Barangay Pasong Kawayan II
Ika-25 ng Pebrero 2021 – Bagong 4-storey School Building ng Juliano C. Brosas Elementary School sa Barangay Pasong Kawayan I, kasama ang City Schools Division of General Trias at mga opisyal ng Barangay
Ika-20 ng Prebrero 2021 – Heneral Uno East Multi-Purpose Covered Court sa Barangay Pasong Kawayan II
Ika-17 ng Pebrero 2021 – dalawang bagong tulay at reconstructed concrete road at drainage project sa Bagong Kalsada, Barangay Pasong Kawayan II

Ang mga nabanggit na proyekto ay naging matagumpay sa pamamagitan ng pagtututlungan ng ating butihing Congressman Luis Ferrer IV, Mayor Ony Ferrer, Vice Mayor Morit Sison, mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod at mga opisyal ng iba’t ibang sektor kabilang na ang mga barangay.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-16 ng Pebrero 2021 – Bilang pagkalinga at pagpapahalaga sa mga public Special Education (SPED) Students, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng General Trias sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer, Cong. Jon-Jon Ferrer, Vice-Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Panlungsod Members ng munting regalo sa mahigit 200 SPED students ng Manggahan Elementary School na tinanggap ng kanilang mga magulang.

Simple man, ang regalong dala ng ating mga lingkod-bayan ay naghatid ng ngiti sa mga magulang ng ating mga SPED students. Layunin ng programang ito na ipadama sa mga kapamilya ng GenTriseños with special developmental needs na katuwang nila ang Pamahalaang Lungsod sa pangangalaga at pagkalinga sa ating mga kabataan, kabilang na dito ang pagbuo ng komunidad na walang diskriminasyon at palagiang nakasuporta sa kanilang mga pangangailangan.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Enero 2021 – Muling nagsagawa ng Aggressive Community Testing ang Pamahalaang Lungsod ng General Trias sa pangunguna ng City Health Office sa Barangay Santiago. Nong ika-23 ng Enero. Sumailalim sa libreng RT-PCR Swab Test ang ilan nating mga kababayan doon. Ito ay sinundan ng isa pang batch ng community swab testing sa Barangay Navarro kung saan 113 naman ang sumailalim sa swabbing. Sa kabuuan ay may (total number) na ng mga kababayan natin ang nabigyan ng libreng RT-PCR swab test na lubhang nakakatulong sa pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19 sa atingmga komunidad.

Para sa mga katanungan tungkol sa RT-PCR swab test, maaring makipagugnayan sa inyong Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) o sa COVID-19 Hotlines 0919-066-4324 at 0919-066-4325.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Mahigit 800 guro na nagtatrabaho sa iba’t ibang pribadong paaralan ay pinagkalooban ng financial assistance ng Pamahalaang Panlungsod ng Gen. Trias.  Ang mga tumanggap ay mga gurong bonafide residents ng lungsod na nagtuturo sa mga pribadong paaralan sa loob at labas ng Gen. Trias City, gayundin ang mga gurong hindi naninirahan sa lungsod subalit nagtuturo sa mga pribadong paaralan sa loob ng Gen. Trias City. Bawat isa sa kanila ay tumanggap ng Php 4,000 bilang tulong pinansyal.

Ito ay bahagi parin ng suportang ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod sa sektor ng edukasyon na isa sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya. Sa pammamagitan nito, naipapadama sa kanila na sila ay mahalagang  bahagi ng komunidad upang maitaguyod ang pagkatuto ng mga batang Gentriseño.

Bukod sa financial assistance, tumanggap din ang mga guro ng grocery pack mula Maxim Integrated at Lola Remedios food supplement mula sa Kino Consumer Philippines, Inc.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Sa kabila ng pandemyang nakaapekto sa maraming sektor ng lipunan, ang Kagawaran ng Edukaysyon ang isa sa mga nagsulong upang patuloy na maitaguyod ang pagpapaunlad ng kaisipan at paglinang ng mga kasanayan ng mga mag-aaral na Pilipino.

Bilang pagtugon sa adhikaing ito, ang Pamahalaang Panlungsod ng Gen. Trias ay patuloy din sa pagbibigay ng suporta sa mga mag-aaral na Gentriseño sa pamamagitan ng pamamahagi ng edicational assistance. Mahigit 2,000 na bonafide residents Gen. Trias City na nag-aaral sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad ay tumanggap ng Php 3,000 upang magamit nila sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral.

Ito ay isa lamang sa mga proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias na kumakalinga sa kapakanan ng mga kabataan sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer, Cong. Jon-Jon Ferrer, Vice-Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Panlungsod Members.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ang kalusugan ay isa mga pinangangalagaan ngayong panahon ng pandemiya. Katuwang ng City Health Office sa pagbibigay ng serbisyong medical ang mga kawani Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) upang higit na matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga mamayayan.

Bilang pagkilala at pagbibigay insentibo sa kanilang patuloy naserbisyo sa mga mamamayang Gentriseño, sila ay pinagkalooban ng cash incentive. Mahigit na 200 na miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) na non-elected at non-regular employee ang tumanggap ng Php 4,000 sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer, Cong. Jon-Jon Ferrer, Vice-Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Panlungsod Members.

Ang mga kawani ng BHERT ang  nag-momonitor ng mga COVID-19 patients, suspected cases, at probable case sa bawat barangay na malaki ang naitutulong upang maagapan ang pagkalat ng virsus at pagdami ng taong naaapektuhan nito.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Binigyan ng pagkilala at parangal ang mga guro at kawani ng Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Lungsod ng General Trias, na naglaan ng 20-taong serbisyo o higit pa sa ginanap na Gawad Galing GenTri Service Awards Ceremony noong December 15, 2020.

Ito ay ginanap sa Gov. Ferrer Memorial NHS – Main Campus kung saan, 68 guro at kawani ng DepEd Gen. Trias City ang dumalo sa seremonya. Sila ay pinagkalooban ng Sertipiko ng Pagkilala at cash incentive mula sa Pamahalaang Panlungsod. Sa bilang na 68, 22 ang nakapaglaan ng 20 taong serbisyo sa DepEd at tumanggap ng Php 3000; 23 ang may 25 taong serbisyo at tumanggap ng PHp 3,500; 11 ang may 30 taong serbisyo at tumanggap g Php 4,000; sampu ang may 35 taong serbisyo at tumanggap ng Php 4,500; at dalawa ang nagkapagbigay ng 40 taong serbisyo at tumanggap ng Php 5,000.

Ang programa ay dinaluhan nila Mayor Ony Ferrer, Schools Division Superintendent Dr. Doris Estalilla, at iba pang opisyal ng Pamahalaang Lungsod.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-12 ng Disyembre 2020 — Kasabay ng pagdiriwang ng 5th Cityhood Anniversary ay pinasinayaan ang kauna-unahang COVID-19 Molecular Laboratory sa ating lungsod na pinangangasiwaan ng General Trias Medical Centre and Hospital sa Barangay Manggahan na isang private Level 2 hospital.

Kasamang dumalo sa nasabing programa sina Deputy Chief Implementer of the Philippines’ National Policy Against COVID-19 Vince Dizon, General Trias City Mayor Ony Ferrer, Gentri Medical Center and Hospital President & CEO Dr. Jerrimo Genuino, Vice-Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Panlungsod members.

Ang nasabing pasilidad ay magiging malaking tulong sa kampanya ng Pamahalaang Lungsod laban sa COVID-19, kung saan maaring iproseso ang iba’t ibang uri ng COVID-19 diagnostic tests at mga kaugnay na pag-aaral tungkol dito.

______________________________________________________________________________
*applied minor edits only from the original post on Facebook
https://www.facebook.com/GenTriOfficial/posts/5088693057815240, credits to the writer po






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-14 ng Disyembre 2020 – Sa pangunguna nina Mayor Ony Ferrer, Cong. Jon-Jon Ferrer, Vice-Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Panlungsod members ay pinasinayaan ang bagong City Main Health Center na matatagpuan sa Barangay Pinagtipunan. Bilang isa sa mga priority projects ng Pamahalaang Lungsod, siniguro ng pamunuan na ang proyektong ito ay naipatupad at natapos sa itinakdang panahon, lalo na ang malaki ang pangangailangan ng mga mamamayan ng karagdagang pasilidad pangkalusugan sa panahon ng pandemya. Ihahatid ng bagong City Health Center ang mga nakagawian nang serbisyong pangkalusugan gaya ng Animal Bite Treatment, Family Planning, TB-DOTS, routine immunization, at iba pa. Maituturing itong bagong biyaya para sa mga GenTriseño na bukod sa mas maaliwalas at maluwag ang lugar ay kalapit lamang ng General Trias Medicare Hospital sa parehong barangay.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Disyembre 2020 – Naging napakalaking hamon para sa lahat ang kasalukuyang pandemya ng COVID-19. Sa paglalayong kahit paano ay maibsan ito at maghatid ng pag-asa sa bawat sambahayan, ang Pamahalaang Lungsod ng General Trias ay namahagi ng mga grocery packages para sa tinatayang nasa 140,000 pamilya sa Lungsod. Malaking tulong ito lalo na sa mga Gentriseñong naapektuhan ng pandemya.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-28 ng Nobyembre, 2020 – Para sa ating mga senior citizens edad 80 pataas, naghanda ng espesyal na handog ang Pamahalaang Lungsod bilang tulong sa pagpapanatili ng kanilang kalusugan. Ang mga lolo at lola ay pinaglaanan ng one-time cash incentive sa halagang Php 5000 para sa may edad 80 hanggang 89, samantalang Php 10,000 naman sa mga may edad 90 to 99. Ang proyektong ito ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer, Cong. Jon-Jon Ferrer, Vice-Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Panlungsod Members, ay naglalayong mapasaya ang ating mga nakatatanda at magbigay suporta para sa kanilang mga pangangailangan kagaya ng maintenance medicines at iba pang serbisyong medikal.

Sinigurado namang ligtas ang ginanap na distribusyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng minimum health and safety standards kagaya ng pagsusuot ng mask at face at pagpapanatili ng physical distancing. Sa panahong ito, inaasahang magiging kapakipakinabang ang suportang nabanggit para sa ating mga mahal na senior citizens.






by the Local Communications Group-Gentri

Nagsisilbi ring frontliners ang ating mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Population Officers (BPO), lalo pa ngayong panahon ng pandemya kung kalian napakahalaga ng serbisyong pang-nutrisyon at ng tamang datos mula sa ating mga komunidad.   Kaya nitong ika-23 ng Nobyembre ay sumailalim ang ilang BNS at BPO ng ating lungsod sa Rapid Diagnostic Testing sa pamamagitan ng mga rapid test kits na mula sa Metrobank Foundation at Project Ark.  Para mas mapalakas pa ang kanilang resistensya para sa kanilang muling pagsabak sa trabaho, binigyan din sila ng vitamins mula sa Pamahalaang Lungsod at Lola Remedies food supplement mula sa Kino Consumer Philippines.






by the Local Communications Group-Gentri

Hindi biro ang adjustments na kinailangang gawin ng sektor ng edukasyon dahil sa pandemya upang magpatuloy ang pag-aaral ng ating mga kabataan.  Gayun din naman, ang ating mga estudyante ay ibayong pagsusumikap din para malampasan ang mga karagdagang hamon sa kanilang mga leksyon.  Upang masuportahan sila, patikular ang 1,000 mga mag-aaral sa kolehiyo ng Cavite State University (CvSU) General Trias Campus, naglaan ang Pamahalaang Lungsod ng pondo upang maabutan sila ng educational assistance sa halagang Php 3000 bawat estudyante. 

Ang pamamahagi ay ginanap noong ika-22 ng Nobyembre 2020 sa Gen. Trias Memorial Elem. School, kung saan mahigpit na ipinatupad ang mga safety protocols kagaya ng temperature check at physical distancing.  Ang programa ay pinangunahan ni 6th District Representative Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Vice Mayor Maurito “Morit” Sison, at mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ang Bagyong Ulysses, na ika-21 bagyong tumama sa Pilipinas nitong 2020, ay itinuturing ding pinakamalakas sa klasipikasyon nitong Category 4.  Ang taglay nitong hangin ay umabot sa bilis na 215 kilometro kada oras at nagdala ng malawakang pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa.  Bago pa man mag-landfall ang bagyo, sa tulong ng mga forecast ng PAG-ASA, ay nabibigyan ng pagkakataong makapaghanda ang mga maaring daanan ng masamang panahon. 

Hindi nagatubili ang ating Pamahalaang Lungsod na gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa bagyo.  Noong ika-11 ng Nobyembre, nagsagawa ng coordination meeting si Mayor Ony Ferrer kasama sina Vice-Mayor Morit Sison, mga Sangguniang Panlungsod Members, CDRRMO, Bureau of Fire, PNP at Philippine Coast Guard, para sa mga hakbang na dapat isagawa para mapanatiling ligtas ang mga GenTriseño.  Bumisita din sila sa ilang evacuation sites upang masiguro ang kahandaan nitong tumanggap ng mga residente na pansamantalang lilikas.  Nagsasagawa naman ng pre-emptive evacuation sa mga flood at land slide prone areas ang CDRRMO, CSWD at Barangay, alinsunod sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense ng CALABARZON.

Binisita din ng ng mga kawani ng City Health Office ang mga evacuation centers noong ika-12 ng Nobyembre upang maghatid ng serbisyong medikal sa mga kababayan nating lumikas dahil sa Bagyong Ulysses at matiyak na ang mga evacuees ay nasa mabuting kalusugan.  Kinabukasan naman, paghupa ng bagyo, ay nagsagawa ng clearing and flushing operations ang Bureau of Fire Protection – General Trias sa mga lugar sa Barangay Bacao II na naapektuhan at binaha dahil sa bagyo.

Walang napaulat na nasawi o nasaktan sa Lungsod.






by the Local Communications Group-Gentri

Upang aksyunan ang suliraning ito, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ang Aggressive Community Testing (ACT) nitong ika-10 ng Nobyembre 2020.  Sa pagtutulungan ng City Health Office (CHO) ng at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nakapagsagawa ng ACT gamit ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) na mas kilala sa tawag na swab test

Malaki ang nagagawa ng ACT sa patuloy na pagtukoy ng mga active cases upang agad silang mabigyan ng karampatang attensyong medikal at maihiwalay upang maiwasan ang pagkahawa.  Ang mga sumailalim sa ACT ay ang mga close contact ng suspected at confimed cases.  Maaring muling tumaas ang bilang ng mga active cases dahil natutukoy na ang mga ito sa pamamagitan ng ACT, ngunit sa kabilang banda naman ay mas magiging akma ang mga hakbang na isasagawa ng Pamahalaang Lungsod para pigilan ang pagkalat ng sakit sa pamamagitan na rin ng trend na maaring lumabas sa mga resulta ng ACT.

Sa kasalukuyan ay may mahigit 1,400 nang kabuuang bilang ng sumailalim sa RT-PCR test sa ACT program. 






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Bilang pagpapahayag ng pagpapasalamat sa suportang ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod sa Bureau of Fire Protection ay binigyan ni City Fire Marshall, Chief Inspector Lynelle M. Marbella, si Mayor Ony Ferrer ng tanda ng pagpapahalaga nitong November 11, 2020.  Matatandaang noong Hunyo noong nakaraang taon ay ininagura ang dalawang palapag na bagong General Trias Fire Department Building sa South Square, Pasong Kawayan II na naging bagong headquarters ng BFP sa Lungsod.  Dahil dito ay may tatlong fire stations na sa General Trias: ang GTFD Building, ang nasa  at ang nasa Barangay Manggahan.

Sa suporta ng Pamahalaang Lungsod, mas epektibong nagagampanan ng ating mga fire marshalls ang kanilang mga tungkulin.  Gayun din naman, ang BFP ay itinuturing na matatag na katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga mamamayan lalo na sa panahon ng pangangailangan at sakuna.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

November 5, 2020 – Sa patuloy na pakikilaban ng bansa sa pandemya ng COVID-19, nananatili ang pangangailangan para sa mga personal protective equipment (PPE).  Kabilang dito ay ang faceshields na araw-araw ginagamit ng lahat para maiwasan ang droplets na maaring magdala ng virus.  Kaya naman malaking tulong ang 14,000 faceshields na donasyon ng tanggapan ni Senator Win Gatchalian para sa mga GenTriseño.  Ang mga ito ay ipinamahagi sa iba’t ibang sektor at kasalukuyang napapakinabangan ng mamamayan.  Bukod sa pagsusuot ng PPEs, pinakamabisa pa ring paraan para umiwas sa pagkahawa ang limitahan ang face-to-face interactions sa ibang mga tao, at laging panatilihin ang physical distancing.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-4 ng Nobyembre 2020 – Nilagdaan ng mga kinatawan ng Information Technology Business Solutions Corporation (ITBS) na sina G. John Paul Miranda, ITBS Founder & CEO, at G. Paul Michael Estrada ang Deed of Donation ng Smart Country Ecosystem para sa Pamahalaang Lungsod ng General Trias. Ang donasyon ay malugod na tinanggap nina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer, IV sa isang simpleng seremonya kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na pinamumunuan ni Vice Mayor Morit Sison.

Ang nasabing donasyon ay malaki ang maitutulong para sa pag-a-upgrade ng sistema ng paghahatid ng serbisyo ng Pamahalaang Lungsod. Sa kasalukuyang panahon kung saan limitado ang physical interactions, isang napakagandang hakbang ang digitalization of transactions para maiwasan ang pagkalat ng sakit at mas mapabilis pa ang iba’t ibang serbisyong kinakailangan ng mga mamamayan. Kabilang sa mga components ng Smart Country Ecosystem ang mga sumusunod: Citizens Registration, Disaster Management, e-Gov Applications, Contact Tracing and Telemedicine, Digital Education, Online Marketplace, Business Portals, Payment Gateway, and Social Services Distribution.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-4 ng Nobyembre 2020 – Pinangunahan nina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer, IV, kasama ang mga Sangguniang Panlungsod members ang turn-over ng dalawang bagong ambulansya para sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO). Ang mga karagdagang sasakyang ito ay malaking tulong sa pagdadala ng mga pasyente sa mga tertiary hospitals kung kinakailangan, gayundin sa pagresponde sa mga emergency situations ng Lungsod.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-3 ng Nobyembre 2020 – Bilang pag-suporta sa sektor ng edukasyon lalo na ngayong panahon ng pandemya, nai-turnover na ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias sa Schools Division of Gen. Trias City ang iba’t ibang kagamitang makatutulong upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mahigit-kumulang 73,000 na mag-aaral na pumapasok sa mga pampublikong paaralang emelentarya at sekondarya sa lungsod.

Kabilang dito ang tatlong (3) units ng Riso Comcolor with offset stapling (1 unit) high speed inkjet printer na may kakayahang mag-imprenta ng 120 pages per minute. Ang makinaryang ito ay may 24/7 printing operations capability, sorting function, at built-in standard hard disk na magagamit sa pag-iimprenta ng mga modules, activity sheets/worksheets na gingamit ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral sa bahay. Bukod dito ay nagbigay rin ang Pamahalaang Lungsod ng mahigit tatlong daang desktop computers na may kasamang computer tables. Gayundin, patuloy ang pamamahagi ng mga bond papers at printer inks sa mga paaralan upang magamit ng mga guro sa kanilang paggawa ng Weekly Home Learning Plan (WHLP) at iba pang mga kagamitang pampagkatuto na kanilang isinasaayos para masubaybayan ang pag-aaral ng mga estudyante sa iba’t ibang learning modalities.

Ayon kay Mayor Ony Ferrer, layunin ng LGU na patuloy na itaas ang antas ng edukasyon sa kabila ng pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa ngayon. Ang pamamahagi ng mga kagamitang ito ay isa lamang sa mga hakbang ng Pamahalaang Panlungsod upang patatagin ang pundasyon ng pagkatuto ng mga batang Gentriseño.
_____________________________________________________________________________
*applied minor edits only from the original post on Facebook
https://www.facebook.com/GenTriOfficial/posts/4902886169729264 , credits to the writer






by the Local Communications Group-Gen. Trias

October 30, 2020 – Ang Pamahalaang Lungsod ng General Trias sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer, Vice-Mayor Morit Sison, mga Sangguniang Panlungsod Members, at sa suporta ni Cong. Jon-Jon Ferrer ay ginunita ang taunang Retired Teacher’s Day bilang bahagi ng National Teachers’s Month alinsunod sa Presidential Proclamation No. 242.

Subalit ang ginawang selebrasyon ngayon ay kakaiba sa mga nakaraang taon. Dahil sa bawal ang pagtitipon-tipon ng maraming tao alinsunod sa patakarang pangkalusugan ng IATF at bilang pagsasaalang-alang na din sa edad ng mga retiradong guro at punong-guro, minabuti ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlungsod na magbahay-bahay at bisitahin sa kani-kanilang tahanan ang mga gurong naglaan ng maraming taon sa mga paaralang pampubliko at pribado sa lungsod.

Bawat miyembro ng Retired Teachers Association of General Trias ay nakatanggap ng dalawang buwang suplay ng Vitamin C, face masks, at face shield. Pinagkalooban din sila ng mga food packs mula Maxim Integrated, at Lola Remedios food supplement mula sa Kino Consumer Philippines, Inc.

Sa ganitong paraan, nawala man ang isang masayang pagsasalu-salo, naipadama pa din sa kanila na sa kabila ng kanilang pagreretiro, ang kanilang kontribusyon sa maraming taong paglilingkod ay patuloy na binibigyang halaga at hindi kailanman nakakalimutan. 






by the Local Communications Group-Gen. Trias

OKTUBRE 2020 – Kaugnay ng papapatupad ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa Lungsod ng Gen. Trias, patuloy pa rin at higit na pinag-igting ang isinasagawang monitoring at enforcement ng mga quarantine and health protocols ng ating mga kapulisan sa mga transport terminal at pamilihan sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayang Gentriseño na namimili ng pang-araw-araw na pangangailangan sa mga pamilihang bayan, gayundin ng mga emplayadong gumagamit ng pampubublikong transportasyon.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagkalat ng virus at paglobo ng mga taong naapektuhan nito. Kaya patuloy pong hiningi ang kooperasyon at pakikiisa ng lagat upang mapanatiling ligtas ang ating komunidad






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Oktubre 12, 2020 – Ginunita ng Pamahalaang Panlungsod ang ika-151 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Heneral Mariano Closas Trias, isa sa magiting na bayani sa panahon ng pananakop ng mga Kastila at kung saan hinango ang pangalan ng ating lungsod.

Si Hen. Mariano C. Trias ay itinuturing bilang Pangalawang Pangulo ng rebolisyunaryong pamahalaan ng Pilipinas ayon sa resulta ng naganap na halalan sa Kumbensiyon ng Tejeros. Ang kaniyang pagiging Pangalawang Pangulo ay kinilala rin sa ginawang Kasunduan sa Biak-na-Bato. Patuloy siyang naglingkod bilang gabinete ng Ministro ng Digmaan at Pananalapi nang maitatag ang Unang Republika ng Pilipinas.

Bilang pag-alaala at pagbibigay-pugay sa kanyang mahalagang kontribusyon sa ating kasaysayan, nag-alay ng bulaklak ang Pamahalaang Panlungsod sa kanyang bantayog. Alinsunod sa patakarang pangkalusugan ng IATF, simple ngunit makabuluhan ang naging pag-alalaa sa mahalagang araw na ito.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Lungsod ng Gen. Trias – Simula noong mapasailalim ang malaking bahagi ng Luzon sa lockdown at quarantine, ang Pamahalaang Panglungsod ay hindi na tumigil sa pag-aabot ng tulong sa mga mamamayang Gentriseño. At ngayon, makalipas ang humigit-kumulang na pitong buwan ay patuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong sa ating mga kababayan.
Ang mga kawani ng Pamahalaang Barangay, gayundin ang mga bumubuo sa mga Home Owners Associations ay binahagian ng mga Personal Protective Equipment tulad ng face masks at face shields ng bilang bahagi parin ng kampanya laban sa COVID-19.
Maging ang mga samahan Persons with Disability (PWD) sa bawat Barangay ay napagkalooban din ng ng mga face shields. Bukod dito inihatid din sa kanila ang donasyong Vitamin C syrup mula San Marino Laboratories na ipapamahagi naman sa mga batang PWD.
Tumanggap din ang mga Persons Deprived of Liberty sa General Trias City Jail ng mga vitamins at antibacterial soaps mula sa Pamahalaang Lungsod, gayundin ng mga banig, kumot at tuwalya mula naman sa General Trias Water Corporation.
At upang masuportahan ang sektor ng agrikultura ngayong panahon ng pandemya, nakipagtulungan ang Office of the City Mayor sa Dyban Farms and Vegetable Supplies ng Mankayan, Benguet para makapag-angkat ng mahigit 16,000 kilos na mga gulay na ipinamahagi sa iba’t-ibang women’s group ng lungsod. Ipinamahagi din ang mga gulay sa mga front liners ng bawat Pamahalaang Barangay. Ang pakikipag-ugnayang ito ay malaking tulong para sa mga kababayan nating magsasaka sa Benguet na kasalukuyang nakakaranas ng oversupply ng kanilang produkto.







by Local Communications Group-Gen. Trias

Tuwing Enero taun-taon, isa sa mga responsibilidad ng mga nagmamay-ari ng negosyo na iparehistro ang kanilang mga negosyo at kumuha ng permit upang legal na mapatakbo ang mga ito. Para sa maayos na pagpo-proseso ng mga business permits, mas pinabilis ang serbisyong hatid ng Business One-Stop Shop (BOSS). Katulad nang nakagawian na, nagsasama-sama sa BOSS ang iba’t ibang tanggapang may kinalaman sa pagkuha ng business permit upang maging mas madali sa mga kliyente ang pagkuha nito. 

Sa taong ito rin nailunsad ang Integrated Business Permit, na first of its kind sa buong bansa.  Pinag-isa d-isa dito ang Barangay Business Clearance, Sanitary Permit, at Mayor’s Permit, kaya’t bukod sa kabawasan sa mga dokumento ay kabawasan din sa oras ng pagpoproseso ang resulta nito.  Nakapaloob na rin sa Integrated Permit na ito ang applicable business tax, fees and charges, kabilang na ang fire safety fee. 

Dahil sa dami ng mga nagnenegosyo sa Lungsod, muling kinailangang i-extend ang BOSS na pangkaraniwan ay hanggang ika-20 lamang ng Enero.  Sa bisa ng isang ordinansa ng Sangguniang Panlungsod na pinagtibay din ng Punong Lungsod, Mayor Ony Ferrer, pinalawig hanggang ika-7 ng Pebrero ang pagre-renew ng business permit nang walang penalty.  Ang BOSS ay naging bukas para sa mga GenTriseño mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa 3rd Floor, Audio-Visual Room, City Hall.

May kabuuang bilang ng 6,521 na permit ang nai-issue sa mga negosyante ng Lungsod, isang indikasyon ng patuloy na pagyabong ng lokal na ekonomiya ng ating One and Only GenTri.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-13 ng Disyembre 2019 — Tampok ang taunang Valenciana Festival at Street Dance Competition, muling naging makulay ang lungsod hindi lamang sa mata kundi lalo sa panlasa.

Sa ika-siyam na taon na ngayon, humalimuyak sa amoy ng nakatatakam na bagong lutong arroz valenciana ang plaza sa ginanap na Valenciana Cooking Competition.  May 33 na grupo ang lumahok mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod at nagpakitang gilas sa paghahanda ng paboritong putahe ng mga GenTriseño.  Bagama’t inani natin ang lutuing ito mula sa paella ng mga Kastila, ang valenciana ay nagkaroon na ng espesyal na mga lahok na tunay na panlasang Pinoy.  Sa huli, hinirang na wagi ang Brgy. Sta. Clara na tumanggap ng 25,000 pesos, pangalawa ang  Brgy. Santiago na tumanggap ng 15,000 at pangatlo ang Brgy. Biclatan na tumanggap naman ng 10,000 pesos.

Habang abala sa tikiman ang iba ay mas pinasigla naman ng mga kabataan ang pagdiriwang ng ika-271 taon ng pagkakatatag sa pamamagitan ng street dancing competition.  Sa saliw ng masasayang tugtugin ay masayang umindak ang mga kalahok sa población at isa-isang nagpakitang gilas sa plaza.  May 10 grupong sumali sa kompetisyon mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan.  Lalo pang nagpatingkad ng selebrasyon ang kanilang makukulay na kasuotan at masasayang mga ngiti, kung saan bakas ang kanilang pag-eenjoy sa isinigawang street dancing.  Hinirang ding panalo mula dito ang CABT (Centennial Academy of  the Blessed Trinity) na tumanggap ng 50,000 ,pangalawa ang cluster ng Gov. Ferrer Memorial National High School na tumanggap ng 30,000 pesos at pangatlo naman ang Luis Y. Ferrer Senior High School na tumanggap naman n g 20,000 pesos  mula kay Mayor Antonio “Ony” Ferrer.

Sa mahigit dalawa’t kalahating siglong edad ng lungsod ng General Trias, kitang kita sa kasaysayan nito ang marami nang pagbabago at patuloy na yumayabong na kultura, turismo at industriya nito.  Sa ipininapakita namang aktibong suporta ng mga mamamayan, siguradong mananatili ang pagkakaisang magdadala pa sa lungsod nang mas inaasam at tuloy-tuloy na pag-unlad.






by the Local Communications Group-Gen. Trias



Isa na sa mga kinagawiang protekto ng Pamahalaang Lungsod ang imbitahan ang Department of Foreign Affairs para sa taunang Passport on Wheels.  Nitong ika-8 ng Nobyembre 2019, may 404 ng mga aplikante ang naserbisyuhan ng mobile passporting service na muling ginanap sa Robinsons Place General Trias.

Bagama’t preferably ay para sa mga GenTriseño ang serbisyo, naging bukas ito para sa lahat sa kondisyon na dapat ay sumailalim muna sa pre-registration ang mga aplikante.  Ang pre-registration ay isinagawa mula ika-30 ng Setyembre hanggang ika-4 ng Oktubre para bigyang panahon ang DFA na masuri muna ang mga aplikante kung qualified sila sa mobile passport application at hindi kabilang sa mga tinatawag na special cases katulad ng mga mayroong discrepancies sa pangunahing mga dokumento kagaya ng birth certificate at iba pa.  Dahil din limitado lamang ang bilang ng maaring mabigyan ng serbisyo, nararapat lamang ang isinagawang pre-registration para masulit at hindi masayang ang mga slots na ibinigay ng DFA.

Napakalaki ng dalang ginhawa ng serbisyong ito lalo na sa mga kababayan nating naghahanda para sa empleyo sa ibang bansa, dahil sa malaking katipiran sa pera at oras ang mobile passporting. 

Ang programang ito ay naging posible sa pagtutulungan ng DFA ng mga tanggapan ng City Civil Registrar’s Office, Local Economic and Investment Promotions Office (LEIPO) at ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa pamumuno ni G. Romel D. Olimpo.  Malugod na inihandog ni Mayor Ony ang plake ng pasasalamat sa  DFA team leader and staff na dumayo sa General Trias para sa serbisyong ito.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Isang buong linggo, ika-7 hanggang ika-12 ng Oktubre 2019, ang inilaan ng Pamahalaang Lungsod para sa paggunita sa ika-150 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Heneral Mariano Closas Trias, ang unang Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.  Bilang pinakakilalang anak ng bayan na kung tawagin noong araw ay San Francisco de Malabon dahil sa kanyang hindi matatawarang kontribusyon bilang aktibong rebolusyunaryo na nagbigay daan sa pagkakamit ng kasarinlan ng Pilipinas, ipinangalan sa kanya ang ating bayan sa pamamagitan Act No. 2889 ng Philippine Assembly noong ika-24 ng Pebrero 1920.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng blessing at pagbubukas ng bagong General Trias Park kung saan tampok ang paghahawi ng tabing sa bagong monumento ng Heneral.  Sa ikalawang araw ay idinaos ang “Huntahan sa GenTri: Isang Sampaksaan tungkol sa Buhay, Gawa, at Kontribusyon ni Heneral Mariano C. Trias at sa mga kilalang kultura ng mga GenTriseño” sa Lyceum of Philippines University auditorium .Nagpakita naman ng kanilang husay sa pagguhit ang mga kabataang GenTriseño sa “Pinta Gilas sa GenTri: On-the-spot Poster Making Contest” sa bulwagang panlungsod noong ikatlong araw, kung saan hinirang na panalo si Angelo Rabadon ng Luis Y. Ferrer Jr. National Highschool-North.  Sinundan ito ng Bamboo Tree Planting sa Pasong Kawayan Elementary School.  Ang mga kawayan ay nagsisilbing simbolo ng pag-alala sa dating pangalan ng lungsod, San Francisco de Malabon, dahilan sa dami ng labong o kawayanan sa lugar noong araw.  Kagaya rin ng kawayan, may taglay na tatag ang bayan na madaling makatugon ano mang unos ang dumating. 

Biyernes ay ginanap naman ang book launching ni Dr. Emmanuel Calairo sa General Trias Medical Center kung saan inilunsad niya ang pinagsikapang buuing talambuhay ni General Mariano Trias na pinamagatang “Gen. Trias-The Story of General Mariano C. Trias (First Vice President of the Philippine Republic)”.  Tinapos ang week-long celebration noong Sabado, mismong araw ng kapanganakan ni General Trias sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulalak sa kanyang monumento na pinangunahan ni MMDA Chairman Danilo Lim at Cong. Luis “Jon-Jon Ferrer IV, paglulunsad ng General Trias memorial postal stamp, misa ng pasasalamat sa Parokya ni San Francisco De Asis, seranata sa plaza bida ang mga bandang Banda Matanda,Banda Kabataan,Community Wind Ensemble,Sta. Cecilia Band 89,Sta. Veronica Band at St. Francis Band at fireworks display.  Apat na araw ding nagkaroon ng photo exhibit sa Robinsons Place General Trias tampok ang iba’t ibang larawan ng sinaunang lungsod.

Ang mga nasabing aktibidad ay matagumpay na naidaos sa pangunguna ng punong lungsod, Mayor Antonio “Ony” Ferrer, at pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod.  Kabilang din sa mga nakiisa sa pagdiriwang ang National Historical Commission of the Philippines at Philippine Postal Corporation (PHLPost).






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Oktubre 4, 2019 – Ang paggunita sa Kapistahan ng patron ng General Trias na si Tata Kiko ngayong taon ay siksik sa mga makabuluhang aktibidad na lalong nagpapakulay ng kultura ng lungsod.

Wala pa man ang buwan ng Oktubre ay may pauna nang karakul ang Parokya sa plaza noong ika-22 ng Setyembre.  Dahil kinikilalang patron ng mga hayop at kapaligiran, may espesyal ding programa para sa pagbibinyag ng mga alagang hayop o Pabialahay, na sinundan ng free anti-rabies vaccination, na lubos na ikinatuwa ng mga pet owners.

Bilang pasimula sa opisyal na pagdiriwang ay umindayog ang buong poblacion sa taunang Karakol noong ika-2 ng Oktubre.  Masiglang ipinakita ng mga mamamayan ang kanilang pakikiisa sa selebrasyon sa pamamagitan ng masayang prusisyong ito.  Lumahok ang buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer, Congressman Jon-Jon Ferrer, Vice Mayor Morit Sison, at mga konsehal; gayundin at mga mga residente ng iba’t ibang mga barangay at mga sector ng pamayanan gaya ng senior citizens, kabataan, at kababaihan.

Kinabukasan ay nanatili ang masayang diwa sa población dahil sa Grand Pasayo marching band competition.  May 19 na mga banda ang nagsilahok at nagpakita ng kanilang talento sa pamamagitan ng pagtugtog ng iba’t ibang mga awit, tradisyonal man at moderno.  Wagi sa patimpalak na ito ang St. Mary Magdalene Band mula sa Kawit, Cavite.

Sa mismong araw ng kapistahan, buhay na buhay ang kasiyahan sa población.  Puno din ang bayan ng mga mamimista mula sa iba’t ibang bayan na duamrayo hindi lamang para maki-salo kundi pati na rin para magnilay sa pagdiriwang ng pag-alaala sa patrong San Francisco.  Lalong nagliwanag ang gabi sa makulay na fireworks display na hatid ng Pamahalaang Lungsod.  Ang pagdiriwang ay isinara kinabukasan sa pamamagitan ng Grand Parish Procession bandang ika-pito ng gabi.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-25 ng Setyembre 2019 – Isa na namang parangal ang iginawad sa Lunsgod ng General Trias na malugod na tinaggap ng ating punong lungsod, Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer.  Ang pagkilala ay mula sa The Manila Times, isa sa mga pangunahing broadsheets at print media company sa bansa.  Nakamit ng General Trias ang First Runner-Up ng titulong Philippine Model City, sumunod sa Bacolod na siyang nagkamit ng top award.  Base sa criteria ng Philippine Model City award, ang mga hinirang na nagwagi ay maituturing na best livable urban centerssa Pilipinas kung saan ang mga residente ay nabibigyan ng maayos na mga serbisyo tulad ng edukasyon, pangkabuhayan, seguridad, disaster preparedness, kalusugan, turismo at iba pa.

Bukod sa pagiging first runner-up sa Philippine Model City ay iginawad din sa General Trias ang Livelihood and Employment Awardpara sa mga epektibong inisyatibo ng Pamahalaang Panlungsod sa mga pangkabuhayang programa at paghahatid ng trabaho sa mga mamamayan.  Ang mga naisagawang job fairs, recruitment activities at livelihood programs at ang dami ng mga indibidwal na matagumpay na nabigyang trabaho at pagkakakitaan ang naging konkretong basehan ng award na ito na nagpapanalo sa General Trias sa tatlumpu’t pitong iba pang mga lungsod.

Sa ilalim ng temang “Building Better Landscapes for the Next Generation,” layunin ng The Manila Times sa pagsasagawa nila ng recognition program na ito na magbigay inspirasyon sa mga local government units (LGUs) sa buong bansa na patuloy na pagyamanin at pagbutihin pa ang iba’t ibang mga programang mag-aangat sa kalidad ng buhay ng mga Pilipino.  Ang awarding ceremonies ay ginanap sa New World Manila Bay Hotel sa Malate, Manila, kung saan kasamang tumanggap ni Mayor Ony ng pagkilala sina Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison, mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod, at iba pang mga opisyal.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Hindi na hadlang ang kawalan ng malaking pondo para hindi magkaroon ng disente at maayos na seremonya ng kasal ang mga magsing-irog. Sa taunang Kasalang Bayan na proyekto ng Pamahalaang Lungsod, malaking tulong ang libreng kasal at kaunting salu-salong inihahanda sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, katuwang ang City Civil Registry na pinamumunuan ni Ms. Arlene Bugtong

Ginanap ang Kasalang Bayan nitong ika-12 ng Hulyo, 2019 sa General Trias Cultural and Convention Center kung saan (number) couples ang pinag-isang dibdib. Katulad ng seremonya ng nakaraang mga taon, naging masaya at memorable ang sabayang kasalan ngayon na kumpleto ang paghahanda. Maging ang photo and video coverage at catering ay pinaglaanan para sa mga bagong mag-asawa. Dahil minsan lamang sa buhay ang pagpapakasal, sinigurado ng Pamahalaang Lungsod na na-capture at talagang espesyal ang mahalagang okasyong ito para sa mga kinasal at sa kanilang mga pamilya.






by Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-23 ng Hunyo, 2019 – Muling nagsama-sama ang buong Team GenTri sa General Trias Cultural and Convention Center para namumpa sa kani-kanilang tungkulin bilang mga bagong halal na mga lider ng Pamahalaang Lungsod. Kabilang sa mga nanumpa, kasama ang kanilang mga pamilya, sina:

Hon. Luis ‘Jon-Jon” A. Ferrer, IV – Representative, 6th District of Cavite
Hon. Antonio “Ony” A. Ferrer – City Mayor
Hon. Maurito “Morit” A. Sison – City Vice Mayor
Hon. Jonas Labuguen – Member, Sangguniang Panglungsod
Hon. Gary Grepo – Member, Sangguniang Panglungsod
Hon. Claire Campaña – Member, Sangguniang Panglungsod
Hon. Jowie Carampot – Member, Sangguniang Panglungsod
Hon. Kristine Jane Perdito – Member, Sangguniang Panglungsod
Hon. Gani Culanding – Member, Sangguniang Panglungsod
Hon. Jay Columna – Member, Sangguniang Panglungsod
Hon. Tey Martinez – Member, Sangguniang Panglungsod
Hon. Florencio Ayos – Member, Sangguniang Panglungsod
Hon. Vivencio Lozares, Jr. – Member, Sangguniang Panglungsod
Hon. Richard Parin – Member, Sangguniang Panglungsod
Hon. Hernando Granados – Member, Sangguniang Panglungsod

Hon. Kerby Salazar – Member, Sangguniang Panlalawigan, 6th District of Cavite
Hon. Jango Grepo – Member, Sangguniang Panlalawigan, 6th District of Cavite

Sa kanyang mensahe, ipinarating ni Mayor Ony ang kanyang pasasalamat sa patuloy na suporta ng mga mamamayan sa kanilang liderato. Inilatag din niya ang mga programang nais niyang tutukan at masolusyunan sa susunod na tatlong taon na bubuo ng kanyang huling termino bilang Punong Lungsod. Kasama dito ang pangangalaga sa kalikasan, kapayapaan at kaayusan, kahandaan sa sakuna, at lalong pagpapayabong ng pagnenegosyo. Para dito, hiniling din niyang muli ang suporta ng Sangguniang Panglungsod para maisakatuparan ang mga naturang programa sa pamamagitan ng mga kaukulang ordinansa.






Nakagawian na ng iba’t ibang sektor ng pamayanang GenTri ang magbayanihan bago magsimula ang pasukan sa mga paaralan sa pamamagitan ng Brigada Eskwela.  Ngayong taon, sa ilalim ng temang Matatag na Bayan Para sa Maunlad na Paaralan, pinangunahang muli ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang pagpapakita ng buong suporta para sa Brigada Eskwela na ginanap mula ika-20 hanggang ika-25 ng Mayo. 

Kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panglungsod at kawani, nag-ikot si Mayor Ony sa iba’t ibang paaralan upang maghatid ng mga donasyon kagaya ng pintura at iba pang kagamitang kinakailangan para sa Brigada. 






Ang opisyal na resulta ng nakaraang May 13 Local Election ay repleksyon ng pagkakaisa ng mga Gentriseño.  Malinaw na ang pulso ng General Trias ay maipagpatuloy ang mga adhikain ng Team GenTri.  Ang pagiging unopposed ng mga pinakamatataas na posisyon sa lokal na pamahalaan na kasalukuyang hawak nina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Vice Mayor Maurito “Morit” A. Sison, maging ang posisyon ng Kinatawan sa Kongreso ng bagong ika-Anim na Distrito ng Cavite (General Trias), Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, ay malinaw na indikasyon ng malaking tiwala ng mga mamamayan sa kakayahan at kalidad ng pamumuno ng Team Gentri.  

Mula naman sa sampu ay nadagdagan ng dalawa pang miyembro ang Sangguniang Panglungsod.  Nanguna sa listahan si Konsehal Jonas Labuguen na sinundan nina Konsehal Gary Grepo, Konsehal Claire Campaña, Konsehal Jowie Carampot, Konsehal Kristine Perdito, Konsehal Gani Culanding, Konsehal Jay Columna, Konsehal Tey Martinez, Konsehal Florencio Ayos, Vivencio Lozares, Jr., Konsehal Richard Parin, at Konsehal Hernando Granados.

Samantala, sa Provincial Level naman ay panalo sa puso ng mga Gentriseño si Governor Juanito Victor “Jonvic” Remulla at Vice Governor Ramon “Jolo” Revilla.  Kinatawan sa Sangguniang Panlalawigan sina Board Member Kerby Salazar at Board Member Jango Grepo.

Inaasahang manunumpa sa kanilang mga katungkulan ang mga bagong halal sa darating na ika-28 ng Hunyo.






Ang mga nakatatanda sa ating komunidad ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa marami nating kababayan.  Hindi lamang sila paalaala na dapat nating pangalagaang mabuting ang ating kalusugan kundi larawan din sila ng biyaya ng Diyos na patuloy na nagbibigay sa kanila ng buhay at kalakasan.  Kaya naman patuloy din ang ating Pamahalaang Lungsod sa pagkilala at pagbibigay ng espesyal na regalo sa ating mga centenarians. 

Nitong ika-20 ng Mayo ay isa na namang senior citizen ang binigyang parangal ng Pamahalaang Lungsod.  Sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, kasama sina Vice Mayor Morit Sison at mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod, hinandugan si Lola Estefania Sareal Monton ng Barangay Bacao II ng tsekeng nagkakahalaga ng Php 100,000.  Sinamahan si Lola Estefania ng kanyang mga kapamilya sa pagtanggap ng pagkilala at regalo sa kinagawiang Monday Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod.






Bilang pagtugon sa patuloy na pag-usad ng teknolohiya at makaagapay sa mga pagbabagong hatid nito, ang mga mamamayan na magtutungo sa General Trias City Hall ay makakagamit na ng libreng WiFi sa loob ng 30 minuto. Ito ay matapos malagdaan ang isang kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias at Smart Communications.

Ang sinumang nagnanais makagamit ng libreng WiFi ay kailangang lamang mag-connect sa # SmartWifi@GenTrias at pagkatapos ay illagay ang numero ng telepono. Wala ng password pa na kailangan; agad na magagamit ang WiFi. Ito ay malaking tulong lalo na sa panahon ngayon na ang mga transaksyon ay maaari ng gawin online, gayundin ang mga dokumento na digital na.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlunsod, sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Smart WiFi at PLDT Enterprise.





by:
 admin

Galing Gentri, Gâling Gentri – Ito ang itinatanghal sa nakagawian ding taunang pagkilala sa husay ng mga kabataang Gentriseño, ang Gawad Parangal.  Sa ika-60 taon nito ngayong 2019, may kabuuang 628 na kabataan ang binigyang karangalan sa naturang programa na ginanap noong ika-25 ng Abril 2019.  Ang pagbibigay ng medalya at plake ay pinangunahan ng ating Kinatawan sa Kongreso, Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV at Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, kasama ang mga bumubuo sa Sangguniang Panglungsod. 

Nagbahagi ng kanyang mensahe siGng. Exelsa C. Tongson,Ph.D, Faculty Member ng Department of Family Life and Child Development, University of the Philippines, Diliman,Quezon,City ang Panauhing Pandangal ngayong taon.  Ibinahagi niya ang kanyang mga naging karanasan upang magsilbing inspirasyon sa mga kabataan na magpatuloy sa kanilang pagsusumikap sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.  Gayundin sa kanilang mga mensahe, abot-abot ang pasasalamat ng magkapatid na lingkod-bayan, Congressman Jon-Jon at Mayor Ony, sa mga pinarangalan na nagiging inspirasyon din sa mga kapwa nila kabataan.  Ayon sa kanila, ang karangalang nakakamit nila sa akademya at sa kani-kanilang mga larangan ay simula pa lamang ng mas marami pang tagumpay.  Bilang tugon sa pagkilalang natatanggap, nagsilbi namang kinatawan ng mga honorees si Bb. Maria Regina C. Tongson,Magna Cum Laude, Bachelor of Arts in Psychology-University of the Philiipines, na nagpahayag ng kaniyang pasasalamat para sa suportang patuloy na ibinibigay ng pamahalaang lokal sa paglinang ng kakayahan at husay ng kabataang Gentriseño.







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Kilala ang Lungsod ng General Trias bilang isa sa mga emerging commercial areas sa lalawigan ng Cavite kung saan kitang kita ang pagsibol ng iba’t ibang establisyimento na lalong nagpapayabong sa ekonomiya at pagnenegosyo.  Dahil ito sa maigting na implementasyon ng pamahalaang lokal ng mga inisyatibong nagsusulong ng ease of doing business, kabilang na ang Business One-Stop Shop at streamlined processes kaugnay nito.  Ang mga negsoyo at mga mamumuhunan ay itinuturing ng Pamahalaang Lungsod bilang isa sa mga key partners for development, kaya naman nitong nakaraang buwan ng Marso 2019, muling ipinagdiwang ng General Trias ang Investors’ Month, kung saan nagdaos ng ilang makabuluhang aktibidad upang lalong mapaunlad ang pagnenegosyo at lalong mapatibay ang LGU-Investors partnership.

Noong ika-18 ng Marso, katuwang ang Department of Trade and Industry sa pamamagitan ng kanilang programang Small and Medium Enterprises (SME) Roving Academy, ay nagsagawa ng libreng Basic Bookkeeping and Effective Management Skills Seminar na dinaluhan ng may 86 entrepreneurs ng Lungsod.  Ito ay ginanap sa Audio-Visual Room ng City Hall at pinangunahan ni Ms. Mary Katherine F. Lesanque, Accredited Competency Assessor for BOOKKEEPING NCIII.  Dahil mahalaga ding maibahagi sa mga nagsidalo ang kaalaman at kamalayan tungkol sa responsableng pagnenegosyo na hindi nakakasira ng kalikasan, matapos ang seminar ay nagkaroon din ng Orientation on Environmental Protection and Manila Bay Rehabilitation na pinangunahan naman ni Engr. EnP Sherwin  B.Valeroso ng CENRO.

Maraming mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Lungsod ng General Trias ang patuloy na lumalaki at tinatangkilik sa lalawigan.  Dahil sa kanila, mas nakikilala din ang GenTri bilang home of quality indigenous products na kayang makipagsabayan sa mga commercial products na kasalukuyang nasa pamilihan.  Itinampok ang ilan sa mga ito sa isang 3-day Trade Fair sa City Hall lobby na binuksan noong ika-19 ng Marso, kasama ang mga panauhing sina Mr. Toby Ferrer at Mr. Noly D. Guevara, Provincial Director ng DTI Cavite.  Kabilang sa mga lumahok sa nasabing aktibidad ang GenTri Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative, Eden’s Pastillas, 3C Natural Food Marketing, Inc., Green Zymo Enterprise, Noraben Food Manufacturing, Largs Trading, Kabute ni Susan, Melgabal’s, at iba pa.

Hindi rin mawawala ang nakagawiang pagkilala o ang taunang Recognition and Awarding of Top 20 Corporate Taxpayers ng Lungsod na ginanap noong ika-27 ng Marso sa Bayleaf Cavite Hotel.  Nagbigay ng kanilang mga mensahe sina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer.  Pinakamalaki ngayong taon sa pagbabayad ng Business Tax ang Analog Devices General Trias, Incorporated, samantalang sa Real Property Tax naman ay nanguna ang ang Property Company of Friends, Incorporated.  Ang kumpletong listahan ng mga kinilalang top corporate taxpayers ay ang mga sumusunod:

 

TOP 20 CORPORATE TAXPAYERS               

(BUSINESS TAX)               

               COMPANIES

1              Analog Devices Gen. Trias, Inc.

2              House Technologies Industries

3              American Power Conversion Corp.

4              Property Company Of Friends, Inc.

5              The Purefoods Hormel Corp.

6              JAE Philippines, Inc.

7              Unilever Philippines, Inc.

8              Maxim Philippines Operating Corp.

9              Antel Holdings (Gen. Trias) Inc.

10           HRD Singapore Pte., Ltd.

11           Analog Devices Phils., Inc.

12           Enomoto Phils., Mfg. Corp.

13           San Technology Inc.

14           Cithomes Builders & Dev’t., Inc.

15           Magnolia Inc.

16           Cypress Mfg. Ltd. Inc.

17           Lyceum of the Philippines University, Inc.-Cavite Campus

18           Iriso Electronics Phils., Inc.

19           Shimadzu Phils., Mfg. Inc

20           Phils. Advanced Processing Tech., Inc.

 

TOP 20 CORPORATE TAXPAYERS               

(REAL PROPERTY TAX)     

               COMPANIES

1              Property Company Of Friends, Inc.

2              Unilever Philippines, Inc.

3              The Purefoods Hormel Corp.

4              Can Asia Inc.

5              Banco De Oro-Epci, Inc.

6              Monterey Farms Corporation

7              Sta. Lucia Realty & Dev’t. Corp.

8              Majestic Technical Skills Dev’t. & Landscape Corp.

9              San Miguel Yamamura Fuso Mold Corp.

10           GBPLEN Corporation

11           Erly Packaging Corporation

12           Magnolia Inc.

13           Coca-Cola Beverages Phils.

14           Empire East Landholdings, Inc.

15           Greenkraft Corporation

16           Telford Property Management

17           8990 Luzon Housing Dev’t., Corp.

18           Gateway Property Holdings, Inc.

19           Antel Development Corp.

20           Omni Composite Packaging Corp.







by the Local Communications Group-Gen. Trias

Sa pinakahuling kabuuang tala ng Department of Trade and Industry (DTI), 99.6% ng mga negosyo sa buong bansa ay mula sa kategoryang micro enterprises o mga negosyong may puhunang 3 milyong piso pababa. Sumasalamin ang datos na ito sa sigla ng lokal na ekonomiya ng mga bayan at lungsod sa Pilipinas, kabilang na ang sa General Trias. Kaya gaya ng nakagawian, full force muli ang buong Pamahalaang Lungsod sa unang buwan ng 2019 para Business One-Stop Shop (BOSS) kung saan pinoproseso ang aplikasyon para sa permit ng mga bagong negosyo at renewal naman para sa mga nagpapatuloy na mga negosyo.

Bukod sa isa sa mga pangunahing serbisyo ng Pamahalaang Lungsod, ang BOSS ay isa ring patunay ng maayos na pamamalakad at pagtutulungan ng iba’t ibang sangay ng Pamahalaang Lungsod. Sa pangunguna ng Business Permits and Licenses Office (BPLO), ang mga tanggapang nangangasiwa ng mga business requirements kabilang na ang mga barangay, Bureau of Fire Protection, City Health Office, Treasurer’s Office, at iba pa, ay taon-taong bumubuo ng isang sistemang nagiging mas kumbinyente para sa mga negosyante.

Sa taong ito ay may naitalang kabuuang 5,082 ng mga negosyo ang nabigyan ng kani-kanilang mga permit. 448 sa mga ito ay mga bagong negosyo samantalang ang 4,634 ay renewed permits o mga dati nang negosyong patuloy na nag-ooperate. Mula sa mga numerong ito, makikitang ang ekonomiya ng General Trias ay patuloy pa ring umuunlad at nagsisilbing kabuhayan sa ating mga mamamayan. Ang BOSS ay muling na-extend hanggang ika-8 ng Pebrero para magbigay konsiderasyon sa dami ng bilang ng mga negosyong kumukuha ng permit. Isa ang BOSS sa mga programang ipinatutupad patungkol sa ease of doing business, na aspeto ring tinitingnan para sa competitiveness ng isang bayan. Kaya naman hindi nakapagtatakang nananatili ang General Trias, sa pamumuno ni Mayor Antonio “Ony” Ferrer, na isa sa mga top competitive cities sa bansa.







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa pagkain at pagluluto.  Dahil sa pagiging malikhain din nating mga Pinoy, hindi na maiialis sa ating kultura ang pagbibigay ng Pinoy touch sa iba’t ibang mga putaheng minana natin sa mga naunang henerasyon, maging sa mga mananakop.  Kabilang na dito ang isa sa mga pinakapaborito nating espesyal na luto ng kanin, ang Arroz Valenciana.  Hindi nawawala sa handaan ang Valenciana lalo na tuwing fiesta.  Halo-halong linamnam ng iba’t ibang lahok ng karne, gulay, at mga spices ang lalong nagpapasarap sa malagkit na kanin kaya’t literal na kanin pa lang ay ulam na rin. 

Kilala ang General Trias, o Malabon sa mga taal na Caviteño, na isa sa mga bayan kung saan masarap ang luto ng arroz valenciana.  Bilang isa sa mga pinakamatatandang bayan sa lalawigan, hindi nakapagtatakang ang tradisyon ng pagluluto ng valenciana ay talagang na-in-in sa Malabon.  Kung kaya naman, anim na taon na ang nakararaan, kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng General Trias o ng Founding Anniversary, ay ipinanganak din ang pagdiriwang ng Valenciana Festival.

Ngayong 2018, kagaya ng masarap na Valenciana, ay siksik din sa sahog ang dalawang araw na pagdiriwang ng Valenciana Festival.  Napuno ng halimuyak at katakamtakam na amoy ng ginisa ang hapon ng ika-12 ng Disyembre kung kailan nagpaligsahan sa pagluluto ng Valenciana ang mga kalahok sa ibat’ ibng barangay ng General Trias.  Sa huli ay nangibabaw ang linamnam ng luto ng taga Barangay Buenavista III.  Ang ikalawang araw ng Valenciana Festival naman ay sinimulan sa pamamagitan ng wreath laying sa bantayog ni General Mariano Trias sa pangunguna nina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Vice Mayor Maurito “Morit” Sison, Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer, IV, mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod, at mga kawani mula sa iba’t ibang departamento.  Nang hapon naman ay idinaos ang nakagawian na ring street dancing and field demo kung saan nagpakitang gilas at talento ang pitong grupo mula sa iba’t ibang paaralan, suot ang kanilang makukulay na costumes.  Dahil kasabay rin ng pagdiriwang ang panahon ng Kapaskuhan, nagkaroon ng Giant Parol Making Contest sa na lalong nagpatingkad at nagbigay ng festive ambiance sa plaza.  Mula sa 13 barangay na nakilahok, nagwagi sa patimpalak ang Barangay Prinza na nangibabaw ang disenyo sa iba pang mga parol na gawa din mula sa mga recycled at indigenous materials.

 Ang mga programa at pasayang ginanap ay idinaos bilang pasasalamat at paggunita sa ika-270 taon ng pagkakatatag at ika-3 taon ng pagiging lungsod ng General Trias.  Ang Lungsod ay opisyal na ring nagkaroon ng sarili nitong distrito sa lalawigan at nanatili bilang nagiisang bayan sa Ika-Anim ng Distrito ng Cavite, sa bisa ng Batas Pambansa o Republic Act 11069.

Photo by: Dennis Abrina







by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-8 ng Nobyembre 2018 – Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias at ng Department of Foreign Affairs (DFA), muling matagumpay na naisagawa ang Passport on Wheels sa Robinsons Place GenTri. May 696 aplikante ang na-approve at mabilis na naiproseso ang pasaporte sa naturang programa.

Malaking tulong ang programang ito lalo na para sa mga kakabayan nating mangingibang-bansa para maghanap-buhay na nangangailangan ng agarang pagpoproseso o renewal ng kanilang mga pasaporte dahil hindi rin biro ang makakuha ng appointment sa Passport Application System ng DFA sa taas ng demand para sa serbisyong ito. Malaking katipiran din ang hatid ng Passport on Wheels, hindi lamang sa gastos kundi maging sa oras at pagod ng mga aplikante, dahil sa halip na magsadya pa sa DFA Consular Affairs Office sa Pasay ay mas nailapit ang serbisyo sa mga mamamayan.

Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga benepisyong mula sa Passport on Wheels; kung kaya naman taun-taong sinisikap ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer, na maihatid ang ganitong klase ng mga serbisyo sa mga GenTriseño. Ang programang ito ay naging posible sa pagtutulungan ng DFA at ng mga tanggapan ng City Civil Registrar’s Office, Local Economic and Investment Promotions Office (LEIPO) at ng Business Process and Licensing Office (BPLO).

 

 

 







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-20 ng Agosto,2018- Muling tumanggap ang Lungsod ng General Trias ng Seal of Child-Friendly Local Governance mula sa Council for the Welfare of Children (CWC).

Nagtutulong-tulong ang mga tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Interior and Local Government (DILG) at Council for the Welfare of Children sa pagsalâ ng mga bibigyan ng pagkilalang ito. Ang mga local government units (LGU) ay sinsuri batay sa labindalawang (12) pamantayan o criteria ng CWC kabilang na ang mga sumusunod: pagpapababa ng bilang ng mga batang edad lima pababa na namamatay, kulang sa timbang, nagtatrabaho, naa-abuso o napapabayaan; pagpapataas ng bilang ng mga batang nakakapasok sa day care center at nagtatapos ng elementarya; implementasyon ng iba’t ibang polisiyang pangkaligtasan sa mga komunidad at paaralan, kabilang na ang pagkakaroon ng violence against women and children (VAWC) desks sa mga barangay; pagtataguyod ng children’s rights to survival, development, protection and participation sa core development agenda ng lokal na pamahalaan; Philhealth accreditation para sa mga ospital o iba pang health facility lalo na sa pangangalaga ng mga buntis at musmos; at pitumpung porsyentong implementasyon ng Local School Board (LSB) Plan na katugon ng School Improvement Plan (SIP) ng LGU.

Base sa mga pamantayang ito, nakikita kung tunay bang nakakatugon sa mga pangangailangan ng mga kabataan ang mga programa ng lokal na pamahalaan patungkol sa kanila. Mapapansin din na ang implementasyon ng mga naturang programa ay nangangailangan ng pakikiisa ng iba’t ibang sangay ng pamahalang lokal katulad ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), City Health Office, DepEd, local stations ng PNP sa pamamagitan ng kanilang women and children protection unit, mga barangay, at maging mga non-government youth-oriented organizations. Isa sa mga maipagmamalaki ng General Trias ay ang suportang naibibigay nito sa limampu’t apat (54) daycare workers na tumatanggap ng regular na benepisyo bilang mga permanenteng empleyado ng Pamahalaang Lungsod.

Ang ikalimang Seal of Child-Friendly Local Governance na ito ay masasabing isa sa mga patunay na ang Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Antonio “Ony” Ferrer, ay lubos na nangangalaga at nagtataguyod ng kapakanan at paglinang ng kabataang GenTriseño na sila namang kinabuksan ng ating One and Only GenTri.







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Oktubre 2018 – Tulad ng nakagawian, muling ginunita ngayong taon ang Kapistahan ng Patron ng Lungsod na si San Francisco De Assisi na mas kilala ng mga Caviteño bilang San Francisco De Malabon o Tata Kiko.  Bagama’t ika-4 ng Oktubre ang mismong araw ng pagdiriwang, ang buong linggo nito ay pinuno ng Pamahalaang Lungsod ng iba’t ibang makabuluhang aktibidad na hindi lamang nagpatingkad ng tradisyon kundi naghatid rin ng serbisyo at saya sa buong lungsod.

Agosto pa lamang ay binuksan na ang fiesta baratillo kung saan nabigyang pagkakaon ang mga micro entrepreneurs na magbenta, gayundin naman ang mga mamamayan na makapamili, ng mga murang de-kalidad na produkto tulad ng mga damit, kagamitang pambahay, accessories, at iba pa.  Ika-30 ng Setyembre idinaos muli ang Pabialahay o ang Pagbibinyag ng mga Alagang Hayop na tradisyunal nang ginagawa sa tuwing sasapit ang kapistahan ni Tata Kiko bilang pagkilala sa kanyang pagka-patron ng mga hayop.

Sa unang araw ng Oktubre, sa pangangasiwa ng City PESO, ay nagsagawa ng Mega Jobs Fair sa Robinsons Place na nagbukas ng maraming oportunidad pang-empleyo sa mga GenTriseño.  May 7 kumpanya ang nakilahok samantalang nasa 134 naman ang kabuuang bilang ng mga aplikanteng dumalo.  Tinatayang nasa 98% ang bilang ng mga pinalad na matanggap iba’t ibang kumpanyang naroon at ngayon ay nagsisimula na sa kani-kanilang mga trabaho.

Hindi mawawala sa pagdiriwang ang misa na nagsilbing pambungad para sa taunang Karakol noong ika-2 ng Oktubre.  Muling naging makulay at masaya ang street dancing dahil sa partisipasyon ng iba’t ibang barangay at sektor ng Lungsod.  Bagama’t inulan ay hindi natinag sa pakikisaya ang lahat.  Maging ang lahat ng opisyales ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno nina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer, IV, ay full force na nakiindak sa Karakol 2018.  Kinagabihan ay napuno naman ng musika ang plaza sa pagpapakitang gilas ng ating mga talentadong kababayan sa Tugutugan sa GenTri.

Isa rin sa mga inaabangang tradisyon ang Grand Pasayo Marching Band Competition sa bayan na ginanap noong ika-3 ng Oktubre.  May labing-siyam (19) na mga banda mula sa iba’t ibang bayan ng Cavite ang nagsilahok at nagpamalas ng kanilang husay sa pagtugtog at pag-indak sa saliw ng mga inareglong awitin gamit ang percussions, brass, and wind instruments. 

Ang mismong araw ng kapistahan ni Tata Kiko noong Oktubre 4 ay ginunita sa pamamagitan ng Concelebrated Mass sa Parokya. Bukod sa mga namumuno sa ating Pamahalaang Lungsod, nakiisa din sa pagdiriwang ang mga residente, mga deboto ni Tata Kiko, at mga mamimista mula sa mga kalapit-bayan.

Bilang pang-wakas sa isang linggong pasaya, iprinusisyon ang patron sa bayan noong gabi ng ika-5 ng Oktubre.  Matapos mailibot sa población ang prusisyon at maibalik sa simbahan, nagsilbing grand finale ang fireworks display sa plaza na naghatid saya sa mga nakidalo.

Muli ay naging hitik sa kulay at saya ang pagdiriwang ng Pista ni Tata Kiko ngayong 2018.  Damang-dama rin ang pagkakaisa ng mga mamamayan, maging ang buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod, na walang pag-aalilangang nakilahok sa bawat programa na lalong nagpapayabong sa turismo at kultura ng ating One and Only GenTri.

Photo by: Dennis Abrina







by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-3 ng Hulyo 2018 – Binuksan ang isang bagong Satellite Office ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Lingkod Pinoy Center sa Robinsons Place General Trias sa pangunguna nina NBI Director Dante Gierran, Mayor Antonio “Ony” Ferrer, Congressman Luis “Jon-Jon” Ferrer IV, Vice Mayor Morit Sison at Coun. Vivencio Lozares  Jr.

Mula nang buksan ang Robinsons Place noong 2016 ay nagpahayag na ang pamunuan nito na magbukas din ng Lingkod Pinoy Center kung saan ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan, lalo na mula sa mga national government agencies, ay naihahatid sa mga mamamayan.  Agad namang tumalima ang tanggapan ng ng Punong Lungsod at nagsimulang makipag-ugnayan sa NBI noong Pebrero ng nakaraang taon para magkaroon ng satellite office sa naturang mall at ngayon nga ay agad na naisakatuparan ito.

Inaasahang lubos itong magiging kapakipakinabang hindi lamang sa mga GenTriseño, kundi maging sa maraming Caviteño na mangangailangan ng kanilang mga NBI clearances.  Bilang tulong ng Pamahalaang Lokal sa NBI ay nag-deploy ng ilang empleyado sa satellite office upang magsilbing karagdagang operation staff doon.







by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-28 ng Hunyo 2018 – Matapos ang Barangay and SK Elections nitong nakaraang Mayo at bago magsimula ang kani-kanilang mga termino, nagsama-sama ang may 528 mga bagong opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa panunumpa sa kanilang tungkulin. Ang seremonya ay ginanap sa General Trias Covention/Cultural Center sa pangunguna nina Mayor Antonio “Ony” Ferrer at Congressman Luis “Jon-Jon” Ferrer, IV. 

Sa kanyang pagbati at mensahe, binigyang-diin ni Mayor Ony ang kahalagahan ng matapat na pagganap sa tungkulin at paghahatid ng de-kalidad na serbisyo sa bawat GenTriseño.  Sa pamamagitan ng matatag na pagkakaisa ng mga lingkod-bayan sa General Trias, na naipakita sa pagtitipong ito, tiyak na epektibong makakaabot ang mga serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa mga lubos na nangangailangan.







by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-22 ng Hunyo 2018 – Apatnapu’t walong pares ang nagisang-dibdib sa taunang Sabayang Kasalan na ginanap sa General Trias Covention/Cultural Center sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” Ferrer. 

Ayon kay Mayor Ony, ang pangunahing layunin ng Sabayang Kasalan ay lalo pang pagtibayin ang pagsasama, hind lamang ng mga magsing-irog kundi ng kanilang mga pamilya na nagsisilbing pundasyon ng maunlad na pamayanan. 

Lubos namang ikinatuwa ng mga bagong kasal ang naganap sa seremonya.  Ayon sa kanila, malaking probilehiyo ang makabilang sa napakaganda at eleganteng Kasalan ngayong taon.  Bukod sa pormal nang nabasbasan ang kanilang pagsasama ay nakatipid din sila sa mga gastusin sa pagpapakasal.  Malaki din ang pasasalamat nila sa mga payo at mensaheng kanilang natanggap mula sa mga lingkod-bayan ng General Trias.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika- 1 ng Hunyo 2018 – May isandaang kabataan ang naidadagdag sa kabuang bilang ng mga nagsipagtapos sa Life Skills Training (LST) sa ilalim ng Jobstart Philippines Program.  Ang graduation rites ay isinagawa sa pangunguna ng Public Employment Services Office (PESO) ng Pamahalaang Lungsod, na nangunguna rin sa implementasyon ng nasabing programa kabalikat ng Department of Labor and Employment.  Ang palatuntunan ay dinaluhan ng mga panauhin mula sa DOLE kabilang na ang Keynote Speaker na si Atty. Evelyn Ramos, OIC Regional Director ng DOLE IV-A at si Bb. Amuerfina Reyes, Assistant Secretary for Employment, Legal, International and Media Affairs Cluster.

Sa kanyang mensahe, ipinarating ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer sa pamamagitan ng kanyang kinatawan, Atty. Kristine Perdito, ang kanyang pagbati sa mga nagsipagtapos.  Ipinaabot din niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga ahensyang katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias sa implementasyon ng JobStart Philippines Program: ang Asian Development Bank (ADB), Government of Canada, DOLE, at mga partner employers.







by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-28 ng Mayo 2018 – Bago muling mag-umpisa ang pasukan ngayong taon, muling nakiisa sa nakagawiang Brigada Eskwela sina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Vice Mayor Maurito “Morit” Sison, at mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod, sa Diego Mojica Memorial Elementary School. Namahagi ng mga pintura at kagamitang panglinis, at nakiisa sa paglilinis at pag-aayos ng mga silid-aralan, mga upuan at kapaligiran ang ating mga lingkod-bayan bilang pakikibahagi sa paghahanda para sa pagbabalik-eskwela ng mga kabataang GenTriseño. 

Bukod sa pagiging taunang general cleaning and beautification ng mga pampublikong paaralan, ang Brigada Eskwela ay nagsisilbi ding pagkakataon para ang iba’t ibang sektor ng pamayanan ay magkasama-sama para sa iisang layunin.  Napapanatili nitong buhay ang diwa ng bayanihan sa pagitan ng pamahalaan, ng mga guro, ng mga magulang, maging ng mga mag-aaral.  Taun-taon ay lalong gumaganda ang kolaborasyon ng iba’t ibang grupong nabanggit at mas marami pang organisasyon ang nakikibahagi para maging mas kaayaya ang mga paaralang sasalubong sa mga mag-aaral pagdating ng unang araw ng pasukan.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

 

Ika-10 ng Abril 2018 – Muling kinilala ngayong taon ang mga malalaking negosyo sa General Trias para sa kanilang kontribusyon sa patuloy na pag-unlad ng lungsod. Ang simpleng seremonya ay ginanap sa The Bayleaf Cavite at dinaluhan ng pamunuan ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, at ng nasa apatnapung mga kumpanya.

Kinilala bilang Top 10 Real Property Taxpayers ang mga sumusunod: Unilever Philippines Inc., Property Company of Friends Inc., The Purefoods Hormel Corporation, CAN Asia Inc., Banco De Oro-EPCI Inc., Monterey Farms Corporation, Sta. Lucia Realty & Development Corporation, Robinsons Land Corporation, 8990 Luzon Housing Development Corporation, at SMC Yamamura Fuso Molds Corporation. Samantalang Top 10 Business Taxpayers naman ang House Technology Industries, Analog Devices Gen. Trias Inc., Property Company of Friends Inc., American Power Conversion Corporation, The Purefoods Hormel Corporation, Unilever Philippines Inc., Maxim Philippines Operating Corporation, JAE Philippines Inc., Antel Holdings (Gen. Trias) Inc., at Enomoto Philippines Manufacturing Corporation. Silang lahat ay tumanggap ng plake ng pagkilala mula sa pamunuan ng Pamahalaang Lungsod.

Nakagawian na ang programang ito bilang pasasalamat sa mga investors sa pagpili nila sa General Trias na maging tahanan ng kanilang mga negosyo. Dahil sa tiwala nila, nagkakaroon ng mas maraming oportunidad pang-hanap-buhay at nagpapatuloy ang pagyabong ng lungsod sa aspeto ng land development at komersyo. Bukod pa rito, ang kanilang mga buwis ay malaking kontribusyon din sa income ng Lungsod na nagagamit sa iba’t ibang proyektong pang-imprastraktura at makabuluhang serbisyo para sa mga GenTriseño.

Kaya naman simula sa taong ito, sa bisa ng Ordinansang Panlungsod Blg. 17-16 na nilagdaan noong Setyembre noong nakaraang taon, ang pagdaraos ng Investors’ Month ay taun-taon nang gagawin tuwing buwan ng Marso. Ang dating isang araw na pagkilala ay magiging month-long celebration na upang bigyang-daan ang iba pang programang lalong mas magpapatatag ng investor relations ng lungsod. Pagtitibayin din nito ang katayuan ng General Trias bilang isa sa Most Competitive Local Government Units sa bansa na maaring magbigay-daan sa lalo pang pagdami ng mamumuhunan.







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Sa panahon ngayon kung kalian ang average life expectancy ng mga Pilipino ay nakatala sa edad na 68, isang malaking biyaya at pagpapala ang umabot ng isandaang taon. Kaya naman nitong ika-15 ng Enero 2018, si Ginang Gorgonia “Lola Gonying” Barbuco ay binigyan ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias, sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” Ferrer, Vice Mayor Maurito “Morit” Sison at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Si Lola Gonying ng Brgy. San Francisco ay nagdiwang ng kanyang ika-100 taong kaarawan noong ika-9 ng Disyembre 2017. Bilang isa sa natatanging mamamayan, hindi lamang ng Lungsod kundi ng bansa, ginawaran si Lola Gonying ng plake ng pagkilala para sa pagpapanatili ng kanyang kalusugan sapat upang umabot siya ng edad isandaang taon. Siya ang pang-siyam na centenarian ng Lungsod na kinilala bilang mga huwaran ng healthy lifestyle and longevity.

Sa bisa ng Kautusang Pambayan 15-07, si Lola Gonying ay tumanggap ng limampung libong piso (Php 50,000) mula sa Pamahalaang Lungsod. Ito ay bukod sa isandaang libong pisong kanyang matatanggap mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na itinalaga ng Batas Pambansa Blg. 10868 o ang “Centenarians Act of 2016.” Bilang pagkilala at paggalang kay Lola Gonying ay nagpaabot din ng kanyang pagbati at regalo si Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer, IV.

Ang maikling seremonya ng pagkilala ay ginanap kasunod ng lingguhang flag raising ceremony ng Pamahalaang Lungsod sa city plaza, kung saan si Lola Gonying ay sinamahan ng kanyang anak at apo.







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ang buwan ng Enero bawat taon ang isa sa mga pinaka-abalang panahon para sa Pamahalaang Lungsod, partikular na sa Business Permits and Licenses Office (BPLO) at iba pang tanggapan dahil sa buwang ito, dumadagsa ang mga negosyante sa city hall para magparehistro at kumuha ng permit para sa kanilang mga negosyo. Dahil sa iba’t ibang mga dokumento at clearances na kailangan para makapagparehistro o makapag-renew ng permit, malaking kaalwanan ang dala ng Business One-Stop Shop o BOSS para sa mga kliyente. Hindi na kailangan pang magpalipat-lipat ng tanggapan, gumastos nang higit sa kinakailangan at magtagal sa pagpoproseso dahil nasa iisang lugar na ang lahat ng pagkukuhanan ng requirements.

Sa kabila nito at sa patuloy na pagdami ng mga negosyo sa Lungsod, hindi sapat ang dalawampu’t tatlong araw ng Enero para matugunan ang serbisyong kailangan ng mga nagnenegosyo. Kaya’t sa bisa ng City Revenue Ordinance No. 18-01 na nilagdaan noong ika-24 ng Enero, inextend ng Pamahalaang Lungsod ang panahon para sa business permit registration and renewal upang hindi mapatawan ng penalty at iba pang charges ang mga magpaparehistro at magre-renew ng kanilang mga permits hanggang ika-9 ng Pebrero.

Sa nakaraang tatlong taon, base sa obesrbasyon at karanasan ng lokal na pamahalaan ay kinakailangan na talaga ang dagdag na panahon para dito tuwing Enero at Pebrero. Isa itong indikasyon ng patuloy na pagyabong ng ekonomiya ng Lungsod gayundin ang dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod na makapaghatid ng dekalidad na serbisyong tumutugon at karapatdapat para sa mga mamamayan. Sa taong ito, mula noong ika-3 ng Enero hanggang sa huling araw ng business permit application and renewal noong ika-9 ng Pebrero ay may naitalang kabuuang 4,936 na mga negosyong nagparehistro at nagbayad ng kanilang business fees and taxes. Ang 403 sa mga ito ay mga bagong negosyo, samantalang 4,533 ang renewal.







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Disyembre 18, 2017 – Sa pamamagitan ng muling pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias at ng Department of Trade and Industry Cavite Provincial Office ay nagdaos ng Financing Forum, Introduction to Data Privacy Act of 2012 at Mini Trade Fair para sa 140 Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa Robinsons Place General Trias.  Ito ay bahagi ng programa ng DTI SME Roving Academy (DTI-SMERA) kung saan ang mga maliliit na negosyo ay tinutulungang lumago at umunlad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagong kaalaman na naangkop sa kanilang mga pangangailangan.

Sa Financing Forum ay inimbitahan ang dalawang microfinancing institutions (MFIs), ang One Puhunan na kinatawan ni Bb. Claudine Tapawan at ang Inter-Asia Development Bank na kinatawan naman ni Bb. Gileth Grace Castillo, upang maibahagi ang kanilang mga produkto at serbisyo na makakatulong nang malaki sa pagpapalago ng negosyo.  Madalas na ayaw ng mga maliliit na negosyanteng mag-loan sa mga bangko at iba pang financial institutions dahil sa dami ng mga papeles na kailangan at mataas na interes lalo na sa mga business loans; ngunit sa pamamagitan ng forum ay nabuksan ang mga bagong oportunidad para sa mga negosyante na magkaroon ng dagdag-puhunan sa mas madaling paraan at mas mababang interes. 

Dumalo rin sa forum ang Department of Interior and Local Government Cluster Head para sa Cavite na si Bb. Belinda Valenzuela para ibahagi ang Business Permits and Licensing System (BPLS) Streamlining Program.  Naglalayon ang programang ito na mas pagaanin ang proseso at gawing mas madali at abot-kaya ang pagnenegosyo sa mga lokalidad.  Sa ganitong paraan ay mas mapapataas ang competitiveness ng bansa.

Sa huling bahagi ay tinalakay naman ng speaker mula sa PLDT/SMART ang Data Privacy Act of 2012 at kung paano ito nakakatulong para mas mapabilis ang mga business transactions sa pamamagitan ng internet at teknolohiya.  Ayon sa kanya, sa bisa rin ng naturang batas ay mayroong sapat na security and privacy measures ang mga online transactions upang maprotektahan ang mga mamimili at mga negosyanteng gumagamit nito.

Isa ring pagkakataon ang araw na ito para maitaguyod at maipakilala ang mga produktong Kabitenyo mula sa General Trias.May tatlong entrepreneurs ang lumahok sa mini trade fair na nakatulong upang sila ay magkaroon ng dagdag kita sa kanilang mga regular na operasyon.

Batid ng Pamahalaang Lungsod ang malaking kontribusyon ng mga MSMEs sa paglago ng ekonomiya ng buong bansa, kaya naman sa kanyang mensahe ay binigyang-diin ni Mayor Antonio “Ony” Ferrer ang kanyang suporta sa mga ito.  Para sa kanya, isang malakas na katuwang ang mga MSMEs para sa patuloy na pag-unlad ng ating One and Only GenTri.

 






 

by the Local Communications Group-Gen.Trias

Disyembre 2017 – Kasabay ng pagdiriwang at kasiyahang hatid ng Kapaskuhan ay puno rin ng mga makabuluhan programa at aktibidad ang buwan ng Disyembre para sa mga GenTriseño.  Ang General Trias ay kilala bilang isa sa mga older towns ng Cavite na may makulay na kasaysayan at mayamang kultura, kaya naman sa kanilang paggunita ng ika-269 taon ng pagkakatatag nito ay saya at serbisyo ang hatid ng Pamahalaang Lungsod para sa lahat.

Mga naggagandahang mga lakambini ang nagbukas ng week-long celebration noong ika-7 ng Disyembre.  Dalawampu’t pitong mga dilag mula sa iba’t ibang barangay ng Lungsod ang nagpamalas ng kanilang angking ganda, talento at talino sa Binibining General Trias Coronation Night.   Hinirang na 3rd Runner Up si Bb. Jerline Ardoña ng Brgy. Tejero, 2nd Runner Up si Bb. Jamaica Trias ng Brgy. Bagumbayan, at 1st Runner Up si Bb. Kathleen Dela Cruz ng Brgy. San Francisco; samantalang iniuwi naman ni Ms. Angelika Margareth James ng Brgy. Prinza ang titulo bilang Binibining General Trias.

Sa pamamagitan naman ng Public Employment Services Office (PESO) ay idinaos ang My One and Only Job Fair sa Robinsons Place noong ika-8 ng Disyembre.  Dito ay nagbukas ng maraming oportunidad pang-empleyo para sa mga GenTriseño at taga-kalapit bayan na hindi lamang pang-lokal kundi maging pang-overseas.  Tinatayang may 1,590 mga jobseekers ang nabigyan ng tulong para magkaroon ng bagong trabaho sa natapos na job fair.

 Napuno ng musika ng kilalang OPM band na Aegis ang gabi ng ika-10 ng Disyembre dahil sa free concert na inihandog ni Cong. Jon-Jon Ferrer.  Sinabayan ng mga GenTriseño ang banda sa kanilang pagbirit ng mga Aegis hits kabilang na ang “Ulan,” “Luha,” at “Sayang na Sayang” sa General Trias Convention Center.

Dahil itinuturing silang mga katuwang sa pag-unlad ng Lungsod, muling hinandugan ng pagkilala ang mga mamumuhunan ng General Trias sa idinaos na Investors’ Day sa Bayleaf Hotel noong ika-11 ng Disyembre.  Kabilang sa Top Ten Real Property Taxpayers ang mga sumusunod: Analog Devices, Gateway Property Holdings, Steniel Cavite Packaging Corporation, Telford Property Management, Inc., Magnolia Inc, SMC Yamamura Fuso Molds, Can Asia, Unilever Philippines, Purefoods Hormel, at Property Company of Friends, Inc.  Samantalang ang mga sumusunod naman ang kinilalang Top Ten Business Taxpayers ng Lungsod: Analog Devices Gen. Trias, Inc.House Technology Industries,The Purefoods Hormel Corp.,Property Company Of Friends, Inc.,Schneider Electric(American Power Conversion),Jae Philippines Inc.,Maxim Phils. Operating Corp.,Cypress Mfg. Limited, Inc.,Unilever Philippines Inc. at Antel Holdings (Gen. Trias), Inc.

Hinandugan naman ng mga regalo ang mga kababayan nating diffently-abled o may kapansanan sa isang espesyal na programang inihanda rin ng Pamahalaang Lungsod sa Convention Center.  Masayang palaro, kantahan at sayawan ang nagsilibing highlight ng programa kung saan dumalo rin ang Punong Lungsod, Mayor Ony Ferrer, at kanyang mga kasama para personal na maibigay sa mga beneficiaries ang kanilang mga regalo.

Sa mismong araw ng pagkakatag ng Lungsod, ika-12 ng Disyembre, ay nagdaos ng isang Misa ng Pasasalamat sa St. Francis of Assisi Parish Church ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna nina Congressman Jon-Jon, Mayor Ony, Vice Mayor Morit at mga konsehal.  Maging ang mga kawani ay naglaan din ng oras para manalangin at makiisa sa pasasalamat. 

Opisyal ding binuksan ang pagdiriwang ng pinaghandaang Valenciana Festival sa ganap ng 1:00 ng hapon sa pamamagitan ng masiglang Street Dancing contest at Grand Parade of Floats.  Kitang kitang puno ng talento ang General Trias sa mga naghuhusayang pag-indak ng iba’t ibang grupo kung saan nagwagi ang Colegio De San Francisco.

Sa huling araw ng pagdiriwang noong ika-13 ng Disyembre at ika-269 anibersaryo ng pagkatkatatag ng General Trias bilang San Francisco de Malabon ay inalayan ng bulaklak ang monumento ni General Mariano Trias bilang pagbibigay-pugay sa Heneral at bayani ng kasaysayan kung kanino isinunod ang pangalan ng Lungsod. 

Kilala din ang GenTri sa masarap na luto ng arroz valenciana kaya’t sa ganap na 1:00 ng hapon, sinimulan ang isa sa mga pinakahihintay ng lahat, ang Valenciana Cooking Competition, na bumusog sa mga GenTriseño.  Bukod kina Cong. Jon-Jon, Mayor Ony, at mga kasama, isa sa mga naimbitahang hurado ang kilalang chef at model na si Chef Gerick Manalo.  Mula sa tatlumpu’t tatlong kalahok ay nagwagi ang luto ng taga Brgy. Sta. Clara.

Nagsilbi namang exhibit ng pagiging malikhain ng mga GenTriseño ang plaza dahil sa 16 na mga parol na gawa sa iba’t ibang recyclable materials sa Parol Making Contest.  Matapos ang masusing pagpili ay hinirang na panalo ang Brgy. Javalera na gawa sa diyaryo.  Sinundan ito ng isa na namang espesyal na programa para sa mga kabataan na inihanda ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang JCI General Trias Katipunan, ang Pick a Name, Bless a Child Gift Giving Project.  Bilang pagtatapos ng selebrasyon ay sama-sama ang lahat sa town plaza para pailawan ang giant Christmas Tree na naging hudyat ng pagidiriwang ng Kapaskuhan ng Lungsod bilang isang malaking pamilyang nabubuklod sa diwa ng pagtutulungan, malasakit at pag-ibig para sa ating One and Only GenTri.

 







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-11 ng Nobyembre 2017 – General Trias, Cavite. Sa pakikipagtulungan sa Department of Foreign Affairs (DFA), muling nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Antonio “Ony” Ferrer, ng mobile passporting service para sa mga GenTriseño at mga mamamayan ng kalapit bayan.

Nasa mahigit 600 mga aplikante ang nabigyan ng serbisyo sa nasabing aktibidad sa Robinsons Place General Trias sa Barangay Tejero. Malaking tulong ito para sa kanila lalo na para sa mga naghahanap o naghahanda para sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Sa halip na dumayo pa sa Consular Affairs Office ng DFA sa Pasay ay malaking tipid rin ang kanilang nakuha dahil ang mismong serbisyo na ang nailalapit sa mga mamamayan. Bukod dito, hindi na rin kakailanganing kuhanin pa ng mga aplikante ang kanilang mga bagong pasaporte sa DFA dahil ang mga ito ay ide-deliver na sa kanilang mga mismong tirahan.






 

by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-27 ng Oktubre 2017 – Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlungsod ng General Trias sa pamumuno ni Mayor Antonio A. Ferrer, tanggapan ni Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV ng Ika-6 na Distrito ng Cavite at ng JCI Katipunan, matagumpay na muling idinaos ang Youth Leaders’ Summit (YLS) sa General Trias Convention Center. Sa ilalim ng temang “Young Caviteños, Partners in Fulfilling Change,” kinilala ang kakayahan at mahalagang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pagpapatupad ng mga pagbabagong lalong magpapaunlad sa lipunan. Layunin ng summit na palalimin pa ang kamalayan ng mga kabataan tungkol sa mga napapanahong isyu at ihanda sila para sa matapat at epektibong pamumuno ng susunod na henerasyon.

Sa unang taon ng summit, mga kabataang Gentriseño lamang ang naging kalahok nito; ngunit habang tumatagal ay lumalawak ang saklaw nito at sa ika-anim na taon nga ng pagdaraos ay kabahagi na rin ng summit hindi lamang ang mga kabataan mula sa mga bayan ng Ika-anim na Distrito ng Cavite, kundi mula sa iba’t ibang bayan pa ng buong lalawigan. Humigit-kumulang sa isang libong youth leaders ang nagkatipon-tipon, natuto at nakilahok sa makabuluhang diskusyong hatid ng limang primyadong tagapagsalita.

Bilang panimula ay mainit na tinaggap ni Mayor Ony Ferrer ang mga kabataang nagsidalo sa summit. Binigyang-diin niyang ang ganitong tipo ng mga programa ay inilalaan talaga nilang mga lingkod-bayan sa mga kabataan sa paniniwalang malaki ang maitutulong nito para sa kinabukasan hindi lamang nila kundi ng buong bansa. Nagbigay din ng kanilang mga mensahe sina Congressman Jon-Jon Ferrer at Vice Mayor Morit Sison na nagpahayag ng kanilang buong suporta para sa ikauunlad ng mga kabataang Caviteño.

Umpisa pa lamang ng summit ay puno na ng inspirasyon at wise advise mula kay Ginoong Francis Kong na sa isa sa mga pinaka-respetadong business speakers sa bansa ngayon. Ayon sa kanya, ang mga desisyon at mga bagay na ginagawa natin sa kasalukuyan ang magiging daan kung ano ang haharapin bukas.

Sinundan ito ng pagbabahagi ng karanasan ni Bb. Ma. Ana Theresa Cruzate, na mas kilala sa kanyang penname na The Lady in Black. Bilang isang batang nobelista, hinimok ni Bb. Cruzate ang mga kabataan na huwag hayaang maging hadlang ang mga hamon sa buhay at pagsumikapang abutin ang kanilang mga pangarap.

Ganito rin ang tema ng mensahe ni Ginoong Billy Dela Fuente, CEO ng marketing group XTRM1-11. Ayon sa kanya, kailangan ng tamang pasensya at tiyaga sa bawat aspeto ng buhay, maging sa pagnenegosyo; dahil hindi laging mabilis ang pag-ani sa pamumuhunan ng pagod at lakas. Dagdag na lakas ng loob ang binahagi n’ya sa mga kabataan sa pamamagitan ng kanyang success story.

Hindi rin nagpaliban si Vice Governor Ramon “Jolo” B. Revilla III sa pagkakataong makadaupang-palad ang mga kabataang Caviteño. Bilang isa sa mga pinakabatang lingkod-bayan sa lalawigan, hinikayat ni Vice Governor Jolo na patuloy na makilahok sa paghahatid ng serbisyo sa kani-kanilang mga komunidad. “Okay lang pumorma, basta’t kasama ka sa reporma,” ayon pa sa kanya.

Sa huling bahagi ng programa, lalo pang pinasigla ng tagapangulo ng YesPH na si Dingdong Dantes ang mga kabataan, na sa kabila ng kasikatan niya bilang artista ay sinisiguradong may panahon din siya para makibahagi sa pagpapaunlad ng lipunan. “Diamonds are made under strong pressure. Kaya ang inyong persistence at resourcefulness, ang inyong resilience that you developed along the way will not only allow you to thrive in spite of challenges but also make you a better and strong person,” aniya.
Bilang pagtatapos, nag-iwan si Provincial Board Member Kerby Salazar ng hamon sa mga kabataan. Huwag sanang matapos sa pakikinig ang kanilang pagkatuto kundi sa pagdadala ng pagbabago sa kani-kanilang mga komunidad na kinabibilangan.







by the Local Communications Group-Gen.Trias

16 Oktubre 2017 – Pinangunahan nina Mayor Antonio “Ony” Ferrer at Congressman Luis “Jon-Jon” Ferrer, kasama ang lahat ng bumubuo ng Sangguniang Panlungsod, ang pagdiriwang ng Elderly Week sa General Trias Convention Center.  Puno ng kasiyahan at mga regalo para sa may tinatayang 1,020 mga senior GenTriseños ang programa.  Bukod sa pagsasama-sama ay pagkakataon din ang pagdiriwang taun-taon na bigyang kasiyahan ang mga nakakatanda sa lungsod na aktibo pa ring sumusuporta at nakikilahok sa mga programang pangkaunlaran sa kani-kanilang mga komunidad.

Dala ang temang Pagkilala sa Kakayahan, Ambag at Paglahok ng Nakatatanda sa Lipunan, binigyang diin ng ating mga lingkod bayan sa kanilang mga mensahe ang mahalagang papel na ginagampanan ng ating mga nakatatanda.  Silang mga naunang henerasyon ang naging daan at gabay ng kasalukuyang mamamayan at patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa marami, lalo na sa mga kabataan.  Sa patuloy nilang pakikiisa sa mga proyekto ng pamahalaang lokal ay gayun din naman ang patuloy na suporta ng ating pamunuan sa kanilang mga pangangailangan.  Tinitiyak ng ating mga lider na ang kanilang mga benepisyo bilang mga naunang nagtaguyod ng ekonomiya ay kanilang matatamasa.

Suot ang kanilang mga cowboy costumes, tumanggap ng mga gift packs at grocery items ang ating mga lolo at lola.  Masaya din silang nagindakan at sumali sa mga palaro.Sa pamamagitan ng selebrasyong ito ay lalo pang napatatag ang pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga senior citizens ng General Trias.

 Ang matagumpay na pagdiriwang ng Elderly Week ay inihanda at pinangasiwaan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).

 







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Isa sa mga pinakaaasam na parangal para sa isang lokal na pamahalaan ang mapabilang sa Most Business Friendly Local Government Unit Award na iginagawad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).  Dahil sa masinsing criteria na ginagamit ng PCCI, nagsisilbi itong batayan ng hindi lamang magandang serbisyo ng pamahalaang lokal sa mga mamamayan kundi lalo na ng kaangkupan ng isang lokalidad para sa pagyabong ng mga negosyo. 

Ang naturang award ay kikilala ang mga lokal na pamahalaan na epektibong nagpapatupad ng mga reporma sa mabuting pamamahala na nakakatulong nang malaki sa progreso ng kani-kanilang mga bayan.  Kabilang sa mga aspetong siniyasat ng PCCI ang insiyatibo ng mga LGU sa kalakalan, pamumuhunan at turismo, suporta sa paglago ng mga maliliit na negosyante o micro, small and medium enterprises (MSMEs), public-private partnerships (PPP), quality management systems (QMS), maayos na pamamalakad at dekalidad na serbisyo sa mga mamamayan.

Nitong ika-9 ng Oktubre 2017, tinanggap ng General Trias ang pagkilala bilang isa sa mga finalist para sa nasabing parangal sa ilalim ng kategoryang City Level 2.  Matapos ang masusing pagpili,  isa ang General Trias sa mga siyudad sa buong Pilipinas na lumahok sa search, na pumasa sa huling bahagi at bumalik para sa final presentation at panel interview ng PCCI.  Matapos ito ay pipili ang PCCI ng tatlong siyudad (Levels 1,2, and 3), at isang lalawigan para kilalaning Most Business Friendly LGU sa kani-kanilang kategorya.

Ang mapabilang sa mga finalists ay isang malaking karangalan para sa Lungsod ng General Trias.  Ang isang award na iginawad ng pinakamalaking samahan ng mga negosyante sa bansa ay isang patunay na ang pagsusumikap ng ating Pamahalaang Lungsod ay lubos na nagiging kapakipakinabang sa mga mamamayan at mga mamumuhunan, na kabalikat sa lalo pang pag-unlad ng ating One and Only GenTri.

 







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ang kahandaan sa panahon ng pangangailangan, sakuna at emergency ay isang mahalagang aspetong dapat pinananatili ng isang lokalidad habang ito ay patuloy na umuunlad.  Para dito kinakailangan ng sapat na kagamitang pang-transportasyon at at pang-seguridad na lubos ding kapakipakinabang sa araw-araw na kalakaran sa lungsod.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ay buo ang suporta para ang bawat bayan sa Cavite ay magkaroon ng sapat na kakayahan para maging handa sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.  Kaya’t nitong nakaraang Setyembre 18,2017, kasunod ng kinagawiang flag raising ceremony sa city hall, ay nagkaroon ng ceremonial turnover ng dalawang bagong ambulansya at limampung closed circuit television (CCTV) cameras sa Lungsod ng General Trias, na personal na dinaluhan ni GovernorBoying Remulla.  Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ang mga donasyon, sa pamamagitan ni Mayor Ony Ferrer na lubos na nagpasalamat sa gobernador.

Ang dalawang ambulansya ay iistasyon sa Brgy. Tejero at Brgy. Santiago, samantalang ang mga CCTV cameras naman ay inaasahang ilalagay sa public schools at subdivisions na lubos na makakatulong sa pagpapanatili ng seguridad at crime prevention sa lugar. Dumalo rin sa nasabing turn over sina dating Gobernador Jonvic Remulla,Cong. Jon-Jon Ferrer, Board Member Jango Grepo,Vice Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Panlungsod Members.






by the Local Communications Group-Gen.Trias 

Setyembre 7, 2017 – Nilagdaan nina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Governor Jesus Crispin “Boying” C. Remulla ang kasunduan o Memorandum of Agreement na pinagtitibay ang paglilipat ng buong pamamahala ng General Trias Medicare Hospital mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite patungo sa Pamahalaang Lungsod ng General Trias.

Ang General Trias Medicare Hospital na isang primary health care facility ang nag-iisang pampublikong ospital sa lungsod na pangunahing nagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga Gentriseño, lalo sa mga lubos na nangangailangan. Ito ay naitatag sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan bilang isa sa mga satellite hospitals ng Provincial Health Office (PHO), kung kaya’t ang pangangasiwa at operasyon nito nasa ilalim din ng PHO.

Ang pagpapahayag ng lokal na pamahalaan ng General Trias ng kanilang insiyatibong pamahalaan ang Medicare at patakbuhin ito gamit ang pondo ng lungsod ay kinilala ng Gobernador at matapos ang ilang pag-aaral ay inapubrahan ang turnover process. Kabilang sa kasunduan ang paglilipat ng pagmamay-ari ng Medicare sa lungsod, ang pangkalahatang pangangasiwa nito, ang staffing at operations.

Bagama’t hindi naman nagkaroon ng problema sa operasyon ng Medicare, ang dati nitong katayuan bilang isang satellite hospital ay nagtatakda ng ilang limitasyon sa saklaw ng pamahalaang lungsod sa pagpapatakbo nito. Sa magandang pagbabagong ito, aasahang mas magiging epektibo at mahusay ang paghahatid ng serbisyo sa mga Gentriseño dahil maari na rin nitong ipatupad ang mga programang pangkalusugan ng Pamahalaang Lungsod.

 

Photo by: Grace Solis






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Isang malaking tulong sa pagnenegosyo sa panahon ngayon ang internet. Hindi tulad noong mga nakaraang panahon na kakailanganin pa ng isang negosyante na dalahin sa pamilihan o personal na ilako ang produkto para makilala at mabili ito, basta mayroon kang internet at social network account ngayon ay mas mabilis nang makikilala ang produkto o serbisyong iyong nais pagkakitaan.

Pero ang tamang paggamit ng internet para sa pagnenegosyo ay kailangan ding matutunan, kasama na ang mga iba’t ibang paraan o strategies para maabot ng mga nagnenegosyo ang kanilang target market. Kaya naman sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias, sa pamumuno ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, sa Department of Trade and Industry Cavite Provincial Office (DTI Cavite), ay naimbitahan si Bb. Jolly Ventura, Marketing Head ng Gardenia Philippines, para magbigay ng dagdag kaalaman sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs). Ang Introduction to Online Marketing ay ginanap noong ika-25 ng Agosto 2017, 1:00 – 5:30 ng hapon sa Robinsons Place General Trias activity center at dinaluhan ng 49 na MSMEs. Ito ay bahagi din ng SME Roving Academy (SMERA) ng DTI.

Sa kanyang presentation, ibinahagi ni Bb. Ventura kung anu-ano ang mga platform na maaring gamitin sa lalong mapalawak ang abot ng produkto, kabilang na ang social media tulad ng Facebook at Instagram. Ang personal branding o paraan ng pagbuo ng image ng isang masipag, pursigido at mapagkakatiwalaang entrepreneur sa katauhan ng nagnenegosyo ay isa ring mahalang sangkap para mas medaling maibenta ang serbisyo o produkto. Kasama rin sa strategies ang Search Engine Optimization (SEO) at Content Marketing tulad ng blogging at video blogs.

Sa modernong panahon, tama lamang na pag-aaralan ang iba’t ibang paraan kung paano makakasunod sa pagbabago at teknolohiya ang pagnenegosyo. Hindi dapat ito maging hadlang kundi dapat na gamitin para sa lalong ikauunlad ng hanapbuhay o mga pinagkakakitaan. At para dito, hindi rin naman magsasawa ang lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa mga MSMEs na kabilang sa mga pangunahing bumubuhay sa ekonomiya ng bansa at ng ating One and Only GenTri.







by the Local Communication Group-Gen.Trias

August 16, 2017, PICC, Pasay City — Bagama’t unang sabak pa lamang sa kategorya ng Component Cities bilang isang bagong lungsod, hinirang agad bilang 1ST Place ang General Trias sa Economic Dynamism at 3rd Place sa Resilience, dalawa sa apat na batayan ng Overall Competitiveness Rating ng National Competitiveness Council (NCC) ngayong taon. Nanguna ang GenTri sa may 112 kabuuang bilang ng mga component cities sa bansa.  Samantala nasa ika-11 naman ang Lungsod sa Overall Competitiveness Rating sa Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) 2017. 

Dumalo sa Regional Competitiveness Committees (RCC) Summit upang tanggapin ang plake ng pagkilala sina Mr. Romel D. Olimpo,BPLO at LEIPO, Engr. Jemie Cubillo,CPDO at Atty. Kristine Jane Barison,OIC City Legal bilang kinatawan ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Vice Mayor Maurito  “Morit” C. Sison at Sangguniang Panlungsod Members. Kasamang nagbigay ng pagkilala sina DTI Secretary Ramon M. Lopez na tagapamuno ng NCC at Co-chairman Guillermo M. Luz.

Sa taong ito ay idinagdag sa naunang tatlong Pillars of Competitiveness (Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure) ang Resilience.  Kumakatawan ito sa kakayanan ng lokal na pamahalaan na magpatuloy ng serbisyo at normal na operasyon nito para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan, lalo na ng mahihirap, sa panahon ng sakuna.  Ang inilatag na kahandaan ng Pamahalaang Lungsod ay malinaw at sapat para masungkit nito ang ikatlong karangalan para sa bagong pamantayang ito ng CMCI.

Matatandaang magmula sa unang RCC Summit noong 2013 ay palagian ding napapabilang ang GenTri nang hindi bababa sa Top 5 Overall Competitiveness Rating.  Taong 2015 nang makuha nito ang 1st Place para sa Overall Rating at 1st Place din para sa Economic Dynamism sa kategorya ng First and Second Class Municipalities.  Tatlong taon nang hawak ng General Trias ang top spot sa Economic Dynamism hanggang sa makabilang na nga ito sa kategorya ng Component Cities.

Sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod upang mas mapaunlad ang GenTri at ang maitaas pa ang kalidad ng pamumuhay ng mga GenTriseño, hindi malayong maabot ang mas mataas na rating sa CMCI sa mga susunod pang taon habang sumasabay ito sa pagunlad ng mga kapwa component cities sa bansa.  Sa mga pagkilalang natanggap at patuloy na inaani ng Lungsod, tunay nating maipagmamalaki ang Galing Gentri, GalÍng Gentri!

 







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Hindi lamang isa sa mga pinakakilalang mall companies sa bansa, kilala din ang Robinsons Malls sa pagsuporta nito sa iba’t ibang mga serbisyo publiko sa pamamagitan ng kanilang Lingkod Pinoy Centers. Nitong nakaraang ika-31 Hulyo 2017, dagdag sa kasalukuyang limang opisina sa lalawigan, ay binuksan sa ikatlong palapag ng Robinsons Mall General Trias ang ika-anim na Driver’s License Renewal Office (DLRO) ng Land Transportation Office (LTO).

Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ng mga opisyal mula sa LTO na sina Regional Director para sa CALABARZON Eric Leonard Cabaldo, Assistant Regional Director Francis Raches, Jr., mga kinatawan ng Pamahalaang Lungsod na sina Gng Anne Ferrer, butihing maybahay ng Punong Lungsod Ony Ferrer, Pangalawang Punong Lungsod Maurito Sison,mga Sangguniang Panlungsod Members at mga kinatawan ng Robinson Land Corporation, Operations Director for Luzon G. Irving Wu at Bb. Cheryl Prudente Basa,Medical Investor.

Ang pagbubukas ng bagong DLRO sa General Trias ay mula sa pagtutulungan at paguugnayan ng tatlong organisasyong nabanggit para mapalapit ang serbisyo sa mga mamamayan. Inaasahang ang DLRO sa General Trias ay magiging puntahan ng mga kliyente hindi lamang mula sa Lungsod ng General Trias kundi maging mula sa mga kalapit bayan tulad ng Rosario, Tanza, Trece Martires, Naic, Margondon, atbp.

Photo by: Dennis Abrina






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-28 ng Hulyo 2017 –Sa ika-apat pagkakataon ay pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias, sa ilalim ng pamumuno ng Punong Lungsod Antonio “Ony” A. Ferrer, ang graduation ceremony ng 295 kabataang nagsipagtapos ng Life Skills Training (LST) sa ilalim ng JobStart Philippines Program. Ang programang ito na bunga ng pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Asian Development Bank (ADB), Canadian Government, at ng Pamahalaang Lungsod at ng General Trias sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ay naglalayong pataasin ang employment rate ng lungsod at matulungan ang mga mamamayan, lalo na ang mga kabataan, na makahanap ng maayos at pangmatagalang trabaho.

Dumalo bilang panauhing pandangal sa seremonya na ginanap sa Robinsons Place General Trias si Kgg. Karlo Alexei B. Nograles, Kinatawan sa Kongreso ng Unang Distrito ng Lungsod ng Davao. Sa kanyang talumpati ay malugod na binati ni Congressman Nograles ang mga nagsipagtapos, maging ang Pamahalaang Lungsod sa pagkakaroon nito ng mababang unemployment rate. Dumalo rin sa programa ang mga kinatawan mula sa DOLE, G. Alex V. Avila, Assistant Secretary for Employment and Policy Support, Bb. Zenaida A. Angara-Campita, Regional Director for CALABARZON, at Engr. Ignacio S. Sanqui, Jr.; G. Brian Post, First Secretary (Development) ng Embahada ng Canada; G. Robert Boothe, Public Management Specialist ng ADB; G. Ariel M. Mugol, PESO Manager ng General Trias; at Gng. Anne Ferrer, na kumatawan sa kanyang asawa, Mayor Ony Ferrer. Naroon din para makiisa ang iba’t ibang partner employers kabilang ang Scope Global PTY. LTD., ASTI Telford Svc. Philippines, Inc., CS Garment, Inc., Se Fung Apparel, Inc. at Mistuba Philippines Corporation.

Ang lahat ng mga nagsipagtapos ay binubuo ng walong grupo na sumailalim sa sampung araw ng Life Skills Training sa iba’t ibang training centers kung saan sila ay binigyan ng karagdagang kaalaman tungkol sa iba’t ibang praktikal na kasanyang magagamit nila hindi lamang para sa kanilang magiging trabaho kundi maging sa pang-araw-araw na buhay. Sa bawat grupo ay may tumanggap ng mga special awards tulad ng Model Jobseeker, Leadership Award, Most Improve Jobseeker, Perfect Attendance at No Tardiness.

Matatandaang isa ang Lungsod ng General Trias na hinirang maging pilot implementer ng naturang programa noong 2014 at sa kasalukuyan nga ay patuloy ito sa pagsisilbi bilang tulay ng empleyo para sa marami. Aasahang marami pang kabataan, GenTriseño at mula sa mga karatig bayan, ang makikinabang sa pagtutuloy-tuloy ng JobStart Philippines Program.







by Local Communications Group-Gen.Trias

Sa bisa ng isang Resolusyong ng Sangguniang Panglungsod Blg 15-07, ay binigyang pagkilala ang isa na namang centenarian ng Lungsod na si Gng. Jacinta Salinas Aspuria ng Barangay Buenavista III na nagdiwang ng kanyang ika-100 taong kaarawan noong ika-2 ng Hulyo 2017. Matatandaang sa bisa ng Kautusang Pambayan Blg 15-07 ay itinakdang bigyang parangal ang mga kababayan nating centenarians o silang mga aabot nang isandaang taon ang gulang. Sila ay itinuturing na natatanging mamamayan hindi lamang dahil sa kanilang edad kundi dahil sa sila ay nagsisilbi ring huwaran at inspirasyon ng kanilang mga kababayan sa pangangalaga ng kanilang kalusugan, sapat upang malampasan nila ang karaniwang haba ng buhay sa kasalukyang panahon.

Si Gng. Aspuria o Lola Jacinta ay taal na taga General Trias at panganay sa pitong anak ng mag-asawang Raymundo Genuino Salinas at Ignacia Quion Santor. Siya ay naging asawa ni G. Dionisio Aspuria at biniyayaan ng anim na anak. Tatlo sa mga ito ay napagtapos nila ng kolehiyo sa pamamagitan ng kanilang pagsusumikap sa pagsasaka at pagtitinda. Ayon kay Lola Jacinta, ang pagkain nang tama at nang may moderasyon, gayundin ang pagiging abala sa iba’t ibang gawain ang naging susi ng kanyang mahabang buhay.

Si Gng. Aspuria ay tumanggap ng plake ng pagkilala at tseke sa halagang Php 50,000.00 mula sa Pamahalaang Lungsod sa lingguhang flag raising ceremony noong ika-24 ng Hulyo. Siya ay sinamahan ng kanyang mga anak at apo na silang patuloy na nangangalaga sa Ginang.

Photo by: Dennis Abrina






 

by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-30 ng Hunyo 2017 – Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias sa pamumuno ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Office of the Honorable Luis “Jon-Jon” A. Ferrer, IV, ng ika-6 na Distrito ng Cavite, at ng City Agriculture Office, ay muling ginanap ang taunang awarding of loans na kaakibat ng Plant Now, Pay Later Program para sa mga magsasakang GenTriseño.

Ika-14 na taon na ngayon ng programang ito sa lungsod na layuning patuloy na mabigyan ng suporta ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapahiram ng puhunan nang walang interes. May 117 na magsasaka ng lungsod ang hinandugan ng tulong-puhunan na maari nilang magamit na pambili ng punla, pataba, pambayad sa mga manggagawa at para sa iba pang gastusin kaugnay ng kanilang pagsasaka. Tinatayang umabot sa PHP 702,000 ang kabuuang halaga ng naipahiram na tiyak na magagamit sa makabuluhang mga gawaing makakatulong hindi lamang para sa kabuhayan ng mga magsasaka kundi para na rin sa pagpapanatili ng sapat na supply ng pagkain sa lungsod.

Sa kanyang maikling mensahe, ipinahayag ni Cong. Jon-Jon Ferrer na, katuwang ang Punong Lungsod ay, patuloy silang magsusumikap para madagdagan pa ang halagang ipahihiram sa mga magsasaka sa susunod na taon mula sa anim na libo upang maging walong libo para sa bawat magsasaka.

Kasabay ng pag-a-award ng tulong-puhunan ay tumanggap din ng organic fertilizer ang mga magsasaka upang masimulan at maisulong din sa pamamagitan nila ang sistema ng organic farming sa lungsod. Sa paraan ng organic farming, mas makakatiyak tayo na ligtas at dekalidad ang mga produkto at aning magmumula sa mga taniman ng mga magsasakang GenTriseño.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-21 ng Hunyo 2017, Amanda’s Resort, Tanza, Cavite – May mahigit sa 600 na kawani na kinabibilangan ng mga barangay health officers, barangay health workers, nutrition scholars, barangay service point officers, Children and Women’s Desk officers, at day care workers ang hinandugan ng pagkilala at pasaya ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Konsehal Kerby Salazar, tagapangulo ng Committee on Health, Nutrition and Population ng Sangguniang Panglungsod.

Sa isang buong maghapon ng kasiyahan at relaxation, hangarin ng mga lider ng lokal na pamahalaan na bigyang pugay ang mga tinaguriang frontliners natin sa social and health services. Bilang mga kawani na direktang nakikipag-ugnayan sa mamamayan, ang mga serbisyo ng pamahalaan ay naihahatid sa mga komunidad sa pamamagitan nila. Umulan o umaraw, maging ang pinakasulok ng lungsod ay sinisikap nilang marating upang tiyaking ang lahat ng GenTriseño ay naaabot ng mga serbisyong panlipunan at pangkaunlaran.

Nag-enjoy ang lahat sa programa, palaro, zumba, at raffle na inihanda ng Team GenTri. Masayang nakihalubilo sina Congressman Jon-Jon Ferrer, Mayor Ony Ferrer, Vice Mayor Morit Sison at Konsehal Kerby Salazar sa ating mga huwarang workers. Sa kanilang mga mensahe, abot-abot ang pagsaludo nila at buong pusong pasasalamat sa mga kawani para sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at serbisyo. Dagdag pa nila, ang pagdaraos ng workers’ day ay isang munting handog lamang upang mabigyan ang ating mga workers, na tinaguiran ni Cong. Jon-Jon na makabagong bayani ng lungsod, ng well-deserved break mula sa araw-araw nilang gawain. Ayon pa kay Mayor Ony, bukod tanging GenTri lamang ang natatanging lungsod sa Pilipinas na may ganitong programa at maasahan ng ating mga workers na ito ay ipagpapatuloy pa sa mga darating na taon.

Taos-pusong pasasalamat din ang isinukli ng mga nagsidalo sa ating Pamahalaang Lungsod. Ayon sa kanila, nakakataba ng puso ang natanggap nilang pagkilala ng mga lider ng lungsod sa kanilang mga efforts. Bukod sa nakapag-relax sila ay nagkaroon din sila ng pagkakataong makahalubilo at makipagtawanan sa mga kapwa nila kawani mula sa iba’t ibang komunidad ng GenTri.

Tiyak na isa na naman ang proyekto ito sa mga magiging tradisyon ng pagkilala sa GalÍng GenTri, Galing Gentri.






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ika-12 ng Hunyo 2017 – Sa ganap na ika-walo ng umaga sa pangunguna ng General Trias City Component Police Station, ay ginunita ang kabayanihan ni General Mariano Trias kaugnay ng pagdiriwang ng ika-119 Taon ng Kasarinlan ng Pilipinas. Nagkaroon ng maikling seremonya ng wreath laying sa bantayog ng Heneral sa sentro ng lungsod matapos ang special flag raising ceremony.
Si Heneral Trias ang kinikilalang Bise Presidente o Pangalawang Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyunaryo na itinatag sa Tejeros Convention noong 1897 (at pinagtibay ng Kasunduan ng Biak na Bato) na tumayo bilang pamunuan ng kilusan laban sa Pamahalaang Kolonyal ng Espanya. Nang maitatag ang Unang Republika ng Pilipinas kung saan naging Pangulo si Heneral Emilio Aguinaldo, nagsilbi si Heneral Trias bilang Kalihim ng Pananalapi at nang malaon ay Kalihim ng Digmaan. Hindi maikakailang naging malaki ang ambag ng Heneral sa kasaysayan at kalayaan ng bansa.
Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ng kapulisan ng General Trias CPS sa ilalim ng pamumuno ni Police Chief Inspector Brian Merino at Police Superintendent Sandro Jay DC Tafalla. Nakiisa din ang mga lingkod bayan ng Sangguniang Panlungsod kabilang sina Konsehal Kerby Salazar, Konsehal Jonas Labuguen, Konsehal Christopher Custodio, Konsehal Florencio Ayos,Konsehal Mario Amante, Konsehal Vivencio Lozares at Konsehal Hernando Granados, mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at mga volunteer civic groups.






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ika-29 ng Mayo 2017 – Kasabay ng Monday Flag-raising Ceremony ng Pamahalaang Panlungsod ay binigyan ng pagkilala ang tatlong natatanging kabataang Gentriseño na nagpamalas ng kanilang husay sa larangan ng sports.

Kabilang sa mga pinarangalan sina Davyn Mission Cervantes ng Cavite Patriots Football Team na nakabilang sa koponang nag-Champion sa Southern Tagalog CALABARZON Athletic Association (STCAA) 2017 Meet; John Bert D. Reyes, Silver Medalist sa Palarong Pambansa 2017 Teakwondo Elementary Event; at Elizha Joy I. Bandoy, Bronze Medalist sa Palarong Pambansa 2017 Teakwondo Elementary Event Level 6 na ginanap sa San Jose, Antique.

Matapos ang pagpaparangal sa mga kabataan ay kinilala din ang ilang City Hall Loyalty Awardees, mga kawani ng Pamahalaang Panglungsod na may eksaktong 10,15,20,25,30,35 at 40 taon na sa serbisyo. Kabilang sa mga awardees sina (Insert names here). Sila ay tumanggap ng Certificates of Recognition at cash incentives handog ni Mayor Ony Ferrer at ng buong pamunuan ng lokal na pamahalaan ng General Trias.

Photo by: Dennis Abrina







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Isa sa pinakamaganda at maipagmamalaking kaugalian ng mga Pilipino ang bayanihan. Hango sa mga salitang-ugat nitong bayan at bayani, nakasentro ito sa pagtutulungan ng marami nang walang hinihintay na kapalit.

Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan hanggang sa ngayon. Mula sa larawan ng mga mamamayang sama-samang nagbubuhat ng isang bahay kubo tulad ng gawi noong araw, nagkaroon na ng iba’t ibang anyo ang pagbabayanihan nating mga Pilipino. Isa sa modernong mukha nito ngayon ang Brigada Eskwela o Bayanihan para sa Paaralan.

Ang konsepto ng Brigada Eskwela ay mula sa 1998 Adopt-A-School Program ng noo’y Department of Education, Culture and Sports (DECS) kung saan binuksan ng pamahalaan ang oportunidad na makatulong sa pagpapaganda ng mga paaralan para sa mga pribadong indibidwal at grupo, maging mga kumpanya. Dahil sa tagumpay ng programa at para na rin makahikayat nang mas marami pang kababayan na makiisa sa layunin, pormal na inilunsad noong 2003 ang Brigada Eskwela ng DepEd.

Noong ika-15 ng Mayo sa Governor Ferrer Memorial National High School, nagdaos ng kick-off ceremony para sa Brigada Eskwela 2017. Dala ang temang “Isang DepEd, Isang Pamayanan, Isang Bayanihan para sa Handa at Ligtas na Paaralan,” nagsama-sama ang iba’t ibang sector ng pamayanan para makibahagi sa paghahanda ng paaralan at mga kagamitan para sa darating na pasukan. Kaisa ang mga pamunuan ng DepEd at mga guro, dinaluhan ito ng ating mga lingkod bayan Congressman Jon-Jon Ferrer, Mayor Ony Ferrer, Vice Mayor Morit Sison at mga kasamahan sa Sangguniang Panlungsod. Nakilahok din ang mga estudyante, mga magulang, mga kasamahan mula Philippine Army, at mga volunteers mula sa iba pang sangay ng pamahalaan,

Matapos ang opening program ay nagtoka-toka na ang mga nakilahok sa iba’t ibang mga gawain tulad ng paglilinis, pagkukumpuni, pagpipintura, at pagsasa-ayos ng mga kagamitan. Hindi rin pinalampas ng mga kinauukulan ang pagkakataon para masiyasat ang mga gusali at kapaligiran upang tiyaking magiging ligtas ang mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik-eskwela ngayong Hunyo.

Bunga ng buong-pusong pagbabayanihan sa natapos na Brigada Eskwela, siguradong maayos, maaliwalas at conducive to learning ang dadatnang paaralan ng mga kabataan ngayong pasukan.

Photo by: Dennis Abrina







by the Local Communications Group-Gen. Trias

Halos taon-taon ay gumagawa ng hakbang ang ating Pamahalaang Lungsod para mailapit sa ating mga GenTriseño ang mga serbisyo ng national government. Napapabilis ang proseso, nababawasan ang gastos at nagiging mas convenient para sa marami. Isa sa mga serbisyong ito ang NBI Clearance Issuance.

Ilang buwan pa bago isagawa ang serbisyo ay nakikipag-ugnayan ang tanggapan ng Punong Lungsod Mayor Ony Ferrer sa National Bureau of Investigation para alamin ang mga kakailanganing ihanda at isagawa ng lokal na pamahalaan para sa nasabing programa. Kaya’t nitong nakaraang ika-3 hanggang ika-5 ng Mayo 2017, matagumpay na nakakuha ng kanilang mga NBI Clearances ang limang daan at labing anim (516) na aplikante. Ang serbisyo ay isinagawa sa Robinsons Place General Trias.

Para sa mga aplikante, laking ginhawa ang serbisyong ito na tiyak na nakatulong upang madali nilang makumpleto ang mga dokumentong kinakailangan nila sa paghahanap ng bagong trabaho maging lokal man o pang-ibang bansa. Asahang patuloy ang ating mga lingkod bayan sa pagdadala ng makabuluhan at dekalidad na serbisyo para lahat dahil ang produktibong mga Gentriseño ang tunay na bumubuhay at lalong nagpapaunlad sa ating One and Only GenTri.







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Sa ika-58 pagkakataon ay muling ginanap ang taunang pagkilala sa husay ng kabataang GenTriseño.  Noong ika-6 ng Mayo 2017 ay umakyat sa entablado ng General Trias Convention Center ang tatlong daan at tatlumpung (333) kabataan.  Nagmula sa iba’t ibang antas pang-akademiko, silang lahat ay tumanggap ng medalya at sertipiko mula sa ating mga lingkod bayan sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” Ferrer at Congressman Luis “Jon-Jon” Ferrer.  Kumpleto din ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan na kinabibilangan nina Vice Mayor Maurito “Morit” Sison at mga Konsehal ng Lungsod.

Sa kanyang panimulang pagbati ay binigyang pansin ng Punong Lungsod na bukod sa pagkilala sa mga natatanging mag-aaral, ang Gawad Parangal ay isa ring paraan para maipadama sa mga kabataan na sila ay mga ipinagmamalaking anak ng Lungsod at mapaigting ang kanilang sense of belongingness para sa gayon, kahit saan man sila mapunta, hindi nila malilimutan ang bayang kanilang kinalakhan.  Samantala, ipinaabot naman ni Congressman Jon-Jon Ferrer ang kanyang pagsaludo at malugod na pagbati sa mga kabataan na patuloy na itinataguyod ang husay at talino ng mga kabataang Gentriseño.

Sinundan ito ng talumpati ng panauhing pandangal na si Dr. Ireneo Grepo Lumubos na syang Chairman of the Board ng GenTri Medical Center.  Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Dr. Lumubos ang kanyang mga naging karanasan bilang isang kabataan hanggang sa siya’y maging propesyunal at ngayon nga’y isa nang matagumpay na manggagamot.  Nagbigay naman ng pagtugon ang kinatawan ng mga kabataang pinarangalan na si Bb. Coleen Bianca Tiglao na nagtapos bilang Magna Cum Laude sa kanyang kursong Bachelor in Secondary Education sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.  Ayon sa kanya, malaki ang pasasalamat nilang mga kabataan sa pagkilalang ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod.  Nagbibigay din ito ng panibagong inspirasyon sa kanilang mga kabataan para lalo pang magsumikap sa kanilang pag-aaral at sa kanilang mga napiling propesyon.

Ang mga pinarangalan ay tumanggap ng pagkilala nang naaayon sa limang kategorya:  Gawad Grepo para sa mga nakapasa ng Bar exams, board exams, licensure exams at iba pang pambansang pagsusulit;  Gawad Labong para sa mga nagsipagtapos sa kolehiyo nang Summa Cum Laude, Magna Cum Laude, at Cum Laude, gayundin ang mga nakasama sa Top 20 ng Board/Bar exams, at nagtamo ng academic distinction/excellence awards mula sa kani-kanilang mga unibersidad; Gawad Vibora para sa mga nagkamit ng unang karangalan at hinirang na Valedictorian sa mga paaralang elementarya at sekundarya; Gawad Salgado para sa mga nagkamit ng ikalawang karangalan at hinirang na Salutatorian sa mga paaralang elementarya at sekundarya; at Gawad Mojica para sa mga nagkamit ng ikatlo hanggang ikalimang karangalan sa mga paaralang elementarya at sekundarya.

Kasama din ng ating mga lingkod bayan sa pagbibigay ng parangal ang mga kaanak nina Heneral Trias, Ricarte, Salgado, Mojica at Grepo.

Tunay na naging tradisyon na ng Lungsod ang Gawad Parangal na nagsisilbing taunang okasyon kung saan patuloy nating ipagmalaki ang GalÍng GenTri, Galing GenTri!


Photo by: Grace Solis

 






by the Local Communications-Gen.Trias

Ang pagsisimula ng sariling negosyo ay hindi biro. Bukod sa produkto o serbisyo, pwesto, manggagawa, at puhunan, napakarami pang kailangang pagplanuhan ng isang taong gustong magbukas ng kanyang pagkakakitaan.  Kung kaya naman talagang napapasaludo ang ating pamahalaan sa mga indibidwal na may innovative ideas at lakas ng loob na makipagsapalaran sa pagnenegosyo.  Sa pamamagitan kasi ng mga micro, small, medium enterprises o MSMEs, lumalakas ang ekonomiya hindi lamang ng lungsod kundi maging ng buong bansa.

Isa sa mga challenging tasks ng pagiging isang entrepreneur ay ang accounting ng kanilang pananalapi.  Para sa mga MSMEs, lalo na sa mga nagsisimula pa lamang at wala pang sapat na kinikita para kumuha ng dagdag na tauhan para sa aspetong pinansyal, ang mismong may-ari ng negosyo ang nagsisilbing bookkeeper and accountant.  Mahalagang ang pananalaping ginagamit sa pagnenegosyo ay sumasailalim sa proper accounting para malaman kung ang negosyo ba ay kumikita nang sapat at nagiging makabuluhan para ipagpatuloy.  Ang aspetong ito ng pagnenegosyo ay hindi dapat ipinagwawalang-bahala dahil sa pamamagitan nito, may tamang recording system kung saan makikita ng negosyante kung saan napupunta ang puhunan at kita ng kanyang negosyo.

Kaya naman noong nakaraang ika-25 ng Abril 2017, sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod at Department of Trade and Industry Cavite Provincial Office, isinagawa ang seminar na Accounting For Non-Accountants and BIR Reportorial Requirements sa pamamagitan ng DTI SME Roving Academy (DTI SMERA) sa Audio-Visual Room ng bulwagang lungsod.  Ito ay dinaluhan ng 60 MSMEs ng General Trias kung saan tinuruan sila ng mga tamang techniques at dapat tandaan sa basic bookkeeping and preparation of basic financial statements.  Nagsilbing resource speaker ng seminar sina Mr. Sonny Boy Lamabarte, CPA mula sa Bureau Internal revenue at Ms. regina Fabian-Ramirez, CPA mula sa De La Salle University.

Sa panimulang programa ay ibinahagi din ng mga kasamahan natin sa BIR ang mga dokumentong kinakailangang ipasa sa Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang mga negosyanteng nagbabayad ng tamang buwis.  Dinaluhan din ang programa nina Konsehal Florencio P. Ayos, Committee Chair for Commerce, Trade and Industry ng Sangguniang Panglunsod, Mayor Ony Ferrer at Vice Mayor Morit Sison na kapwa nagbigay ng kanilang mga mensahe para sa mga participants. 

 Sa pagtatapos ng seminar, nag-iwan ng words of challenge ang si Ms. Julieta Salvacion – Trade and Industry Specialist, DTI-Cavite para sa mga nagsidalo.  Nagpasalamat din siya sa ginawang pagkakataon ng Pamahalaang Lungsod para sa pagkakataong makatulong sa mga MSMEs ng General Trias.

Tunay na naging produktibo ang ginawang seminar at inaasahang magagamit nang husto at magiging kapakipakinabang para sa mga nagsidalo ang kanilang mga natutunan mula dito.  Gayundin, mananatiling maigting ang suporta ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer, para sa mga negosyanteng Gentriseño patungo sa lalong pag-unlad hindi lamang ng kanilang mga negosyo kundi ng buong lungsod.

 






by the Local Communications Group-Gen.Trias

Isang buong linggo ang inilaan ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias para sa pag-alaala sa mga war veterans sa pagdiriwang nito ng ika-75 Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week noong ika-5 hanggang ika-11 ng Abril 2017.

Dala ang temang “Tungo sa Bayan na nararapat para sa Pilipino, mga Pilipinong nararapat sa Bayan,” muling binigyan ng pagkilala ang mga Beteranong Gentriseño kabilang sina Brig. Heneral Magno S. Iruguin, Bataan USAFFE Defenders at Toledo Bus Drivers na naghatid ng mga sundalo. Sila ang mga lolo’t lola na noong araw ay naging aktibong kabahagi sa miltanteng pakikibaka ng mga Pilipino sa iba’t ibang resistance movements na kinailangan ng Bayan. Dahil sa kanilang tapang at paninindigan, tinatamasa natin ngayon ang kasarinlan at mapayapang pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa.

Nagkaroon din ng wreath laying noong ika-10 ng Abril 2017 sa Bantayog ng mga Bayani at magigiting na Gentriseño sa city plaza sa city plaza bilang pag-alala sa mga naunang mga beterano sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer, Vice Mayor Maurito Sison,mga konsehal ng Lungsod at P/Supt. Zandro Jay Tafalla-OIC,Chief of Police.

Ang tradisyong ito ay mananatiling buhay na tanda ng malaking respeto at pagtanaw ng utang na loob ng Lungsod sa mga magigiting nating beterano na naglaan ng kanilang oras, dedikasyon at buhay para kapakanan nating mga sumunod na henerasyon.

 

Photo by: Dennis Abrina






by the Local Communications Group-Gen. Trias

Hudyat ng simula ng summer at dry season ang buwan ng Marso, kung saan din madalas na nagtatala ng maraming insidente ng sunog dahil sa init ng panahon.  Kung kaya naman noong panahon ng Pangulong Marcos noong 1966, sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 115, idineklara ang Marso bilang Fire Prevention Month na hanggang ngayon ay nakagawian na ng marami at naging taunan nang pinaka-aktibong kampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa ilalim ng temang “Buhay at Ari-arian ay Pahalagahan, Ibayong Pag-iingat sa Sunog ay sa Sariling Pamayanan Simulan,” punong-puno ng activities ang kampanya ngayong taon sa pangunguna ng General Trias City Fire Station (GTCFS) na pinamumunuan ni F/Senior Insp. Ariel C. Avilla.  Buong-buo naman ang suporta ng ating Punong Lungsod, Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Vice Mayor Maurito “Morit” Sison at mga kasapi ng Sangguninang Panglungsod.

Ang kahandaan at kaalaman laban sa sunog ay napakahalaga para sa prevention at pagsugpo nito.  Kaya’t bago pa man magsimula ang Marso ay nagkaroon na ng Fire Brigade Refresher & Training sa mga Barangay ng GenTri.

Aktibong lumahok ang GTCFS sa provincial kick off ceremony noong March 2, at sa iba’t iba pang aktibidad ng mga bumbero sa buong lalawigan kabilang na ang zumba run, at BFP fun bike na pinangunahan ng Dasma Fire Station na isinagawa sa ikalawang linggo ng Marso.

Para naman mapaigting ang kampanya sa mga paaralan ay naglunsad noong February 26 ng poster making, essay writing and drawing contests ang GTCFS.  Nagwagi sa city level sina Heron Shazzar Diño ng Pasong Camachile Elementary School at Russel Jobsdher Glorioso ng Manggahan Elementary School na sumali at nagwagi rin sa provincial level ng mga nasabing contests. 

 March 6 isinagawa ang kick-off ceremony para sa selebrasyon ng fire prevention month sa General Trias.  Kasabay nito ng pagtanggap ng GTCFS ng plake ng pasasalamat mula sa HTI na matatandaang napinsala ng malaking sunog noong nakaraang buwan.  Nagkaroon din ng awareness campaign kasama ang fire marshall mascot na si Berong Bumbero sa Diego Mojica Memorial School.

Buong buwang rumonda ang fire trucks ng city fire station sa lungsod kasabay ang mga house-to-house fire safety inspections, pamimigay ng info leaflets at mga ugnayan sa barangay.   Nagsagawa din sila ng Barangay and Industrial Fire Brigade Competition kung saan may simulation ng pagsugpo ng sunog at iba’t ibang palaro kaugnay nito.

Nakilahok din sila sa selebrasyon ng Women’s Month bilang suporta sa mga kababaihan at nagsagawa ng Gender Awareness and Development: Firefighting Skills Refresher and Training noong March 18.

Sa sipag at sigasig ng ating mga bumbero sa kanilang propesyon, tunay na mapapanatiling ligtas ang ating One and Only Gentri!







by the Local Communications Group-Gen. Trias

Ang unang buwan ng taon ay sumisimbolo ng bagong simula para sa marami, pero para sa ating mga negosyante, panahon ito para i-renew o irehistro ang kanilang mga sari-sariling negosyo. Bukod sa pagkuha ng iba’t ibang dokumento bilang requirements para sa permit, kakambal din nito ang gastos dahil kasama ng renewal o registration ang pagbabayad ng mga buwis at fees para makapagnaegosyo sa isang lokalidad.

Nakikita ng Lokal na Pamahalaan ang kahalagahan ng mga negosyo sa ekonomiya at kung paanong ang mga ito ay nakakatulong nang malaki sa pagpapalago ng komersyo at pagbubukas ng oportunidad panghanap-buhay sa marami. Kaya naman ang mga LGUs ay patuloy sa paghahanap ng paraan kung paano gagawing business friendly ang kani-kanilang mga bayan.

Bagama’t ang Pamahalaang Lungsod ay patuloy sa implementasyon ng Business One-Stop Shop (BOSS) para dito, hindi pa rin maiiwasan ng ilang mga negosyante na mahuli sa kanilang pagbabayad ng business taxes and fees. Hindi madali ang maging negosyante lalo na para sa ating mga micro entrepreneurs na kadalasan ay mag-isa lamang o syang gumagawa ng halos lahat sa kanyang negosyo kabilang na ang production, marketing, accounting at iba pa. All around, ‘ika nga. Ang mga malalaking negosyo naman ay natatambakan din ng mga gawain bilang sagot sa kanilang mga kliyente at compliance din sa iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng BIR.

Bilang konsiderayon sa ating mga mamumuhunan at negosyante ng General Trias, nilagdaan noong Enero ang City Revenue Ordinance No. 17-01 na nagtatakdang i-extend ang palugit para sa pagbabayad ng business taxes and fees. Nauunawaan ng Pamahalaang Lungsod ang iba’t ibang concerns ng mga negosyante kung kaya’t sa halip na sa IKA-20 ng buwan ng Enero, ay sa ika-10 ng Pebrero ang itinakdang bagong huling araw ng pagbabayad nang walang pataw na penalty and surcharges sa mga magrerenew ng business permit.

Malaking bagay ang karagdagang araw na ito para sa mga mamumuhunan at mga negosyante na nakaiwas sa karagdagang gastos at kapos na panahon. Dahil sa pinapakitang suporta ng Pamahalaang Lungsod, inaasahang lalo pang yayabong ang pagnenegosyo sa Lungsod ng General Trias.

Photo by: Grace Solis







by the Local Communications Group-Gen. Trias

27 January 2017 –  Sa pagkakaisa ng mga ahensya ng Department of Labor and Employment (DOLE), Asian Development Bank (ADB), Canadian Government, Public Employment Service Office (PESO) at Pamahalaang Lungsod at ng General Trias, ginanap sa Robinson’s Place General Trias ang Graduation Day para sa mga Life Skills Trainees sa ilalim ng Job Start Philippines Program.

Ang Job Start Philippines ay sinimulan sa General Trias noong 2014 nang mapili ito bilang isa sa mga pilot LGU implementers ng programa dahil sa maayos at epektibong implementasyon ng livelihood and employment programs ng Lungsod sa pamamagitan ng GenTri PESO.  Mula noon ay marami nang kabataan at jobseekers na nakinabang sa serbisyong hatid ng programang ito.

Para sa batch na ito, may 75 na kabataan ang sumailalim sa Life Skills Training (LST) na layuning mapataas ang kumpiyansa at madagdadagan ang kapasidad ng mga jobseekers sa paghahanap ng trabaho.  Kasama rin sa mga natutunan ng mga trainees sa LST ang mga praktikal na kakayahang mapapakinabangan nila hindi lamang sa pagkuha ng disente at maasahang hanap-buhay kundi sa mismong mga karera na kanilang haharapin.

Ang graduation ceremony ay dinaluhan ni City Administrator Winifred Jarin na kinatawan ng ating Punong Bayan, Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison, mga kasapi ng Sangguniang Panglungsod, at ang Public Employment Services Office na pinamumunuan ni PESO Manager, Ariel M. Mugol.

Dumalo rin ang mga kasamahan natin sa proyekto mula sa Department of Labor of Employment (DOLE) sa pamumuno ni Assistant Secretary Alex V. Avila, na nagsilbing guest speaker sa programa, IV-A Regional Director Zenaida Angara-Campita, Ruth Rodriguez ng Bureau of Local Employment, at Cavite Provicial Director Engr. Ignacio S. Sanqui, Jr.

Bukod sa kani-kanilang mga certificates of completion, ang mga graduates na nahahati sa tatlong grupo ay tumanggap din ng mga special awards tulad ng Most Improved Jobseeker, Leadership Award, Model JobStarter, Perfect Attendance and Punctuality Award.  Sa dagdag na competencies, disiplina at kaalaman, inaasahang ang mga nagsipagtapos sa Life Skills Training ay magiging mas handa na sa pagharap sa hamon ng kani-kanilang mga pinaplanong career at propesyon.

Photo by: Dennis Abrina







by the Local Communications Group-Gen.Trias

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang micro, small and medium enterprises o MSMEs ay 99.6% ng mga negosyante sa Pilipinas.  Sila ang maituturing na bumubuhay sa ekonomiya dahil sa pamamagitan nila, patuloy na nagagamit at natatangkilik ang mga indigenous resources, nakapagbubukas ng maraming trabaho para sa mga mamamayan, at nakapagdadala ng pag-unlad kahit sa mga lugar na malayo sa sentro ng kalakalan.

Ang isang entrepreneur ay kilala bilang isang taong nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran para kumita sa kanyang sariling negosyo.  Nakakakita siya ng mga oportunidad mula sa mga pang-araw-araw na suliranin at nakapagbibigay ng mga makabago at epektibong solusyon na hindi lamang kapakipakinabang kundi maari pang pagkakitaan.

At para lalo pang mapalakas ang mga MSMEs sa General Trias, ang Pamahalaang Lungsod sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) Cavite Provincial Office, ay nagsagawa ng isang forum  noong ika-14 ng Disyembre ng nakaraang taon.  Dito tinalakay ang kahalagahan at bentahe ng pagkakaroon ng entrepreneurial mindset o kaisipang pangnegosyo. Kabilang sa mga nagsilbing mentors sa forum sina  Sherill R. Quintana ng Oryspa Spa Solutions para sa “The Right Mindset & Values of an Entrepreneur,” Carlo Edmund C. Calimon ng Let’s Go Foundation para sa “Winning Strategies for MSMEs,” at si Mico David ng Globe Telecom para sa “How Technology can help MSMEs grow their Business.”  Matapos ang mga presentations ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga nagsidalong entrepreneurs para magtanong sa kanilang mga mentors tungkol sa mga karagdagang paraan para lalong mapalago ang kani-kanilang mga negosyo.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, nagdaragdagan ang kaalaman ng mga MSMEs at nakakakuha rin sila ng mga bagong ideya na maari din nilang magamit sa mas epektibong pamamalakad at pagpapaunlad ng kanilang mga nasimulan.  Kasabay ng kanilang paglaki, siguradong madadagdagan din ang oportunidad para sa lahat.  Ang mga entrepreneur ay nagsisilbing inspirasyon sa marami.  Sila ay mga testimonya na ang pagnenegosyo ay hindi lamang bunga ng kagustuhang kumita ngunit mas higit ng pagsisikap, disiplina at puso para sa makatulong sa kapwa at sa komunidad.

 

 






16237436_1433213190022815_422424770_n
by the Local Communications Group-Gen.Trias

DISYEMBRE 21, 2016 – Nilagdaan na ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Gen. Trias, sa pangunguna ni Antonio ‘Ony’ Ferrer at Robinsons Place Gen.Trias, na kinatawan ni  Ms. Arlene Magtibay,  SVP-General Manager ng Robinsons Land Corporation, ang isang kasunduaan na  magbibigay ng libreng movie pass sa lahat ng mga rehistradong Senior Citizen ng nasasakupang siyudad. Ginanap ang paglagda sa Memorandum of Agreement noong Disyembre 21, 2016 sa Gerry’s Grill,Robinson’s Place General Trias. Inaasahang makapaglalabas ng panuntunan ang lokal na pamahalaan kaugnay ng pagpapatupad ng nasabing kasunduan sa susunod na taon.

Gayundin, kasama sa kasunduang nilagdaan ang paglalagay ng isang Public Transport Station kung saan maaaring ng humimpil ang mga pampasaherong sasakyan at maging sentro ng sakayan at babaan ng mga pasahero. Sa ganitong paraan, mas magiging madali at ligtas ang pagbibiyahe ng mga mamamayang pumupunta sa mall.

Nakiisa din sa ginawang pagpirma ng kasunduan sina Vice Mayor Morit Sison, Senior Citizen Federation President Purisima Arcega, at Mr. Irving Wu, Operations Director-Luzon Malls, Robinsons Malls.

 

Photo by: Dennis Abrina






15391199_10208374689113360_8202578625351859390_n

by the Local Communications Group-Gen.Trias

December 12, 2016 – Pormal na kinilala sa Monday Flag Raising Ceremony  ang bagong sagisag ng Lungsod ng General Trias.  Kasunod ng watawat ng Pilipinas, itinaas at iwinagayway ang bagong sagisag bilang pagpapasinaya dito bilang Official Seal of the City of General Trias.

Kung ikukumpara sa lumang sagisag, ang mga sumusunod ang mga bagong element, na itinuturing na distinguishing features ng Lungsod at ang kanilang mga kahulugan:

General Mariano Closas Trias – ang unang Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas kung kanino isinunod ang pangalan ng Bayang ito;

Buildings in the background – sumisimbolo sa kahandaan ng General Trias sa industriyalisasyon at patuloy na pag-unlad patungo sa pagiging isang First Class Component City ng bansa;

General Trias City Hall – tahanan ng Lokal na Pamahalaan kung saan maasahan ang maayos at dekalidad na serbisyo para sa mga mamamayan;

St. Francis of Assisi Parish Church – ang unang simbahang katoliko sa lungsod kung saan isinunod ang dating pangalan nitong “San Francisco De Malabon,” at isa sa mga pinakamatandang simabahan sa lalawigan;

1748 – Taon ng pagkakatatag bilang Bayan ng San Francisco De Malabon

 145 – posisyon ng Lungsod bilang ika-145 na siyudad sa Pilipinas

MMXV – Roman numerals for 2015 – Taon ng pagkakatatag ng Bayan bilang Lungsod

33 Stars – sumasagisag sa 33 barangay na bumubuo sa Lungsod

Sa bagong sagisag ay nandoon pa rin ang palay, labong (bamboo shoots) kung saan hango ang “Malabon”, ang coat of arms na dala ang kulay ng watawat ng Pilipinas, at ang Casa Hacienda De Tejeros na itinuturing na isa sa mga pinakamahalagang lugar sa kasaysayan ng bansa kung saan naitatag ang Pamahalaang Rebolusyunaryo noong 1897.

Sa pagpapatibay ng City Ordinance 16-15, ang new official seal na ang gagamitin para sa mga official documents, stationeries, poster, at iba pang mga katulad na gamit at material ng Pamahalaang Lungsod.

 

Photo by: Dennis Abrina

 




instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy