by Local Communications Group-Gen. Trias
July 17, 2013. Katuwang ang Pisces International Placement Corporation, nagsagawa ng recruitment activity para sa overseas employment ang Public Employment Service Office bilang panimula sa marami pang nakalatag na aktibidad at proyekto sa ilalim ng pamamalakad ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer.
Nagbukas ang Pisces International Placement Corporation ng oportunidad para sa ating mga kababayan na maghanapbuhay sa Saudi Arabia (KSA) bilang domestic helper para sa mga kababaihan at construction worker naman para sa mga kalalakihan. Sa tala ng Municipal PESO, may 73 katao ang nagparehistro para sa nasabing recruitment activity kung saan 60 ay kalalakihan at 13 ang kababaihan. Sa mga nagparehistro, dalawang kababaihan ang agarang naaprubahan ang aplikasyon at nakatakdang umalis patungong KSA sa lalong madaling panahon. Samantala, ang natitirang 71 ay sasailalim pa sa ilang interviews.
Hindi pa man nagtatagal ay nagbubukas na ang maraming oportunidad para sa mga Gentriseño. Tiyak na maasahan natin ang mas marami pang positibong pagbabago para sa Bayan ng General Trias sa darating na mga araw dala ng masigasig na paglilingkod ng Team Gentri.