by the Local Communications Group-Gen. Trias
July 21, 2015 (General Trias, Cavite) – Mahigit 2,400 daycare students ang inaasahang makikinabang sa P3.8 milyong pondo mula sa Department of Social Work and Development (DSWD), para sa supplemental feeding program sa bayan ng General Trias na tatagal sa loob ng isang-daan at dalawangpung (120) araw. Opisyal na tinurnover ni MSWD Head, Rebecca Generoso at Nutritionist, Ms. Leonavie Baylen ang ceremonial cheque kina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison at mga Sangguniang Bayan Members, nitong Lunes, July 20, 2015, matapos ang flag raising ceremony sa liwasang bayan.
Ayon kay Mayor Ferrer, malaking tulong ang pondo galing DSWD upang patuloy na mabigyan ng masustansyang pagkain ang mga mag-aaral ng 56 daycare centers sa General Trias. Dagdag pa ng alkalde, very timely din ito dahil ngayong buwan ay ipinagdiriwang ang Nutrition Month, kung saan binibigyang diin ang wastong pagkain at ehersisyo. Nilatag din ni Mayor Ferrer ang planong pagpapatayo ng mga bagong daycare centers upang matugunan ang pangangailangan ng lumalaking pamayanan.
Photo by: Grace Solis