Ang taunang pistang bayan bilang parangal kay San Francisco de Asis, Patron ng Gen. Trias ay muling ipinagdiwang noong ika-4 ng Oktubre na may temang “San Francisco: Tingting ng aming pangarap, Gintong bigkis ng aming pagsisikap sa kolektibong pagmamalasakit.”
Naging bahagi ng pagdiriwang ang iba’t ibang patimpalak at palatuntunan tulad ng Videoke Challenge at Tugtugan sa Plaza. Ang karakol na nilahukan ng mga empleyado ng munisipyo at iba pang sector ng komunidad ay ginanap naman noong ika-2 ng Oktubre. Ipinagpatuloy din ang taunang tradisyon ng “Pabialahay”(Pabinyagan ng mga Alagang Hayop) na isa sa joint project ni Mayor Luis A. Ferrer,IV katuwang ang Municipal Agriculture Office bilang pagkakilala kay San Francisco De Asis na mapagmahal sa mga hayop . At ang pinakatampok sa lahat ng kasiyahan ay ang “Grand Pasayo” na nilahukan ng 12 marching band na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan sa Cavite.
Ang matagumpay na pagdiriwang na ito ay sa pagtutulungan nina Cong. Antonio “Ony” Ferrer, Mayor Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, Sangguniang Bayan Members,Tourism Office at Saint Francis Parish Church.