by the Local Communications Group-Gen. Trias
Ika-5 ng Pebrero – Bandang 8:00 ng umaga nang magsimula ang programa para sa pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga magsasakang GenTriseño as pamamagitan ng Plant Now, Pay Later Program ng Munisipyo, sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer. Ang malugod na pagbati ng pagtanggap ni Konsehal Walter “Tey” C. Martinez, Committee Chairman for Agriculture, ang nagbukas ng naturang programa. Sinundan ito ng mensahe mula kay Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison na nagbigay-diin sa kahalagahan ng lalong pagpapayabong ng agrikultura sa ating bayan.
May kabuuang 103 magsasaka ang naabot ng nasabing tulong pinansyal na magsisilbing puhunan nila para sa darating na mga araw kung kailan magsisimula silang magpunla at magtanim. Ang Plant Now, Pay Later Program ng Lokal na Pamahalaan ay inaasahang muling magiging mabisang paraan para maximize ang paggamit at productivity ng agricultural areas ng bayan at mabawasan ang mga itinuturing na idle lands o mga hindi napapakinabangang lupain. Tinatayang nasa 1,117,500 piso na ang naipapahiram ng lokal na pamahalaan sa mga magsasaka sa 6,000 bawat ektaryang taniman. Ito ay ika-9 na beses na ng pamamahagi sa ilalim ng nasabing programa.