Plaza Rizal: Convergence of Tradition and Modernization

Plaza Rizal: Convergence of Tradition and Modernization

13663525_10207145094654267_2046475708_o

by the Local Communications Group-Gen. Trias ~Lyssa Limbo-Rodriguez

Sa loob ng mahigit tatlong daang taon ng pamamalagi ng mga Kastila sa Pilipinas, napakaraming mga bagay at gawi ang maituturing na impluwensya nila sa ating mga Pilipino.  Ilan sa mga ito ay dala natin hanggang sa kasalukuyan at naging bahagi na ng ating kultura.  Isa na dito ay ang “plaza complex” na para sa karamihan ay isa lamang place of interest, ngunit kung susumahin, ang plaza ay napakahalagang bahagi ng isang komunidad.  Hindi lamang ito lugar ng pagtitipon at recreational space para sa marami ngunit isa rin sa mga nagiging dausan ng mga pangyayaring naitatala sa kasaysayan ng isang bayan, maging sa mga alaala ng mga mamamayan.  Dahil sa papel na ginagampanan nito sa isang bayan, importanteng mapanatili ang ganda nito at tiyaking nakakasabay ito sa nagbabagong panahon upang mas maging kapaki-pakinabang sa lahat – bagay na sinigurado ni Mayor Ony at ng Pamahalaang Lungsod.

Nitong nakaraang taon, ang Plaza Rizal ng GenTri ay sumailalim sa improvement and renovation at nito ngang nagdaang Hunyo 28 ay muli itong binuksan para sa lahat sa pamamagitan ng Ribbon-cutting Ceremony sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Antonio A. Ferrer,Cong. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV,Vice Mayor Maurito C. Sison, Sangguniang Panlungsod at ng mga kasapi ng Sangguniang Panglungsod, na sinundan ng Blessing na pinangunahan naman ni Rev. Fr. Inocencio B. Poblete Jr.

Ang bagong Plaza Rizal ay may basketball court, musical lighting fountains, historical markers, park benches, stage and leisure grounds.  Mainit na tinanggap ng mga GenTriseño ang muling pagbubukas ng Plaza Rizal at hindi nagdaan ang mga sumunod na araw na walang bumibisita at naglalagi dito.  Malinaw na appreciation ito ng mga hakbang na isinasagawa ng Pamahalaang Bayan patungkol sa pagsuporta sa mga pangangailangan ng mga mamamayan ng balanse sa pagitan ng modernisasyon at pagpapanatili ng tradisyon.

Sa gitna ng patuloy na paglago ng urbanisasyon sa lungsod, malaking bagay na mapanatili ang presensya ng plaza complex kung saan nagtatagpo ang iba’t ibang aspeto ng ating kultura – ang pamahalaan, ang simbahan, at ang sari-saring pagtitipon ng mga mamamayan na patuloy na humuhulma sa kultura ng isang bayan.   Hindi na lamang isang simpleng pasyalan, ang Plaza Rizal ngayon ay magandang simbolo na rin ng pagkakaisa ng lahat sa ating One and Only GenTri.

 

Photo by: Dennis Abrina

instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy