PPP (Public-Private Partnership) para sa TB-Free GenTri

PPP (Public-Private Partnership) para sa TB-Free GenTri

by Local Communications Group-Gen. Trias

Sa kasalukuyan, ang tuberculosis ay ika-anim sa mga leading causes of death sa ating bansa ayon sa DOH.  Tinatayang may 107 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa sakit na ito kung kaya’t ang ating pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga hakbang upang malunasan ang ating mga mamamayang mayroon nito, mapigil ang pagkalat nito, at tuluyang masugpo ang TB.  Alinsunod sa National Tuberculosis Program (NTP) ng Department of Health, ang bawat lokal na pamahalaan ay nararapat magkaroon ng kaukulang programa laban sa TB.  Sa General Trias, bukod sa aktibong pagkilos ng Rural Health Unit (RHU) at ng mga Directly Observed Treatment Shortcourse (TB-DOTS) Centers, epektibong napababa ang insidente ng TB sa buong bayan.  Dahil dito, ginawaran ng Culion Foundation, Incorporated ang General Trias RHU ng pagkilala sa kanilang kontribusyon at epektibong Anti-TB Program.

Sa pakikiisa ng bayan ng General Trias sa pagdiriwang ng World Tuberculosis Day nitong March 25, mas pinaigting pa ng pamahalaang bayan, kasama ang Culion Foundation, Incorporated, ang kampanya laban sa TB.  Kasunod ng regular flag raising ceremony, kinilala at nanumpa ang mga bagong community based volunteers na magiging katuwang sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagsugpo sa tuberculosis sa mga komunidad at barangay.  Pinangunahan ni Konsehal Kerby Salazar, Chairman of Committee on Health and Sanitation ng ating Sangguniang Bayan, at Municipal Administrator Hernando Granados ang pagkilala sa mga volunteers mula sa iba’t ibang mga barangay.

Ginawaran din ng pagkilala at plaque of appreciation ang Culion Foundation, Incorporated para sa kanilang suporta at pakikipagtulungan sa pamahalaang bayan para sa layuning mapanatili ang kalusugan ng bawat mamamayan at maging TB-free Municipality.

Samantala, tinalakay ni Ms. Melinda D. Buñag, CFI Project Team Leader, ang mga detalye ng naturang partnership project sa pagitan ng Bayan ng General Trias at ng Culion Foundation, Incorporated.  Ang TB Control Program ay isa na namang halimbawa ng mahusay na pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor o Public-Private Partnership (PPP).

Nagbahagi naman ng kanilang mga mensahe sina Ms. Minda Lingan, ang ating Provincial NTP Coordinator, at Dr. Ma. Corazon S. Ariosa, ang Executive Director ng Culion Foundation, Incorporated.  Nagpasalamat sila sa epektibong pagpapatupad ng Bayan ng General Trias ng mga hakbang upang patuloy na mabawasan ang insidente ng TB at sapat na malunasan ang sakit.

Taliwas sa paniniwala ng marami, ang TB ay sakit na nagagamot at naiiwasan.  Hindi dapat mahiya kung mayroon nang sintomas nito, bagkus ay dapat na komunsulta agad sa doktor upang mabigyan ng karampatang lunas.  Sa pamamagitan ng sapat na kaalaman, pagkakaisa at pagtutulungan, ang katuparan ng mas malusog at TB-Free General Trias ay madali nating makakamtan.

instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy