
by the Local Communications Group-Gen. Trias
Ika-24 ng Marso 2022 — Muling tumanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng General Trias, sa pamumuno si Mayor Ony A. Ferrer, para sa City Anti-Drug Abuse Council (CADAC). Kinilalang may Progressive Functionality ang GenTri CADAC dahil sa aktibo nitong pagganap at pagsasagawa ng mga hakbang para masugpo ang droga sa Lungsod. Kabilang dito ang pagkakaroon ng Anti-Drug Abuse Councils sa mga barangay na nasasakupan, pagsasagawa o pagsuporta para sa matagumpay na drug clearing operations, at paglulunsad ng mga aktibidad para mapigilan ang paglaganap pa ng droga sa mag komunidad.
Ang ADAC performance audit ay isinagawa ng DILG at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, sa pamamagitan ng Provincial Anti-Drug Abuse Council.