
Ang opisyal na resulta ng nakaraang May 13 Local Election ay repleksyon ng pagkakaisa ng mga Gentriseño. Malinaw na ang pulso ng General Trias ay maipagpatuloy ang mga adhikain ng Team GenTri. Ang pagiging unopposed ng mga pinakamatataas na posisyon sa lokal na pamahalaan na kasalukuyang hawak nina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Vice Mayor Maurito “Morit” A. Sison, maging ang posisyon ng Kinatawan sa Kongreso ng bagong ika-Anim na Distrito ng Cavite (General Trias), Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, ay malinaw na indikasyon ng malaking tiwala ng mga mamamayan sa kakayahan at kalidad ng pamumuno ng Team Gentri.
Mula naman sa sampu ay nadagdagan ng dalawa pang miyembro ang Sangguniang Panglungsod. Nanguna sa listahan si Konsehal Jonas Labuguen na sinundan nina Konsehal Gary Grepo, Konsehal Claire Campaña, Konsehal Jowie Carampot, Konsehal Kristine Perdito, Konsehal Gani Culanding, Konsehal Jay Columna, Konsehal Tey Martinez, Konsehal Florencio Ayos, Vivencio Lozares, Jr., Konsehal Richard Parin, at Konsehal Hernando Granados.
Samantala, sa Provincial Level naman ay panalo sa puso ng mga Gentriseño si Governor Juanito Victor “Jonvic” Remulla at Vice Governor Ramon “Jolo” Revilla. Kinatawan sa Sangguniang Panlalawigan sina Board Member Kerby Salazar at Board Member Jango Grepo.
Inaasahang manunumpa sa kanilang mga katungkulan ang mga bagong halal sa darating na ika-28 ng Hunyo.