Pebrero 10, 2012 – Ang bayan ng Gen. Trias sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Luis A. Ferrer, ay tumanggap ng Seal of Good Housekeeping mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ni Kalihim Jesse M. Roberdo. Ang Seal of Good Housekeeping ay iginagawad sa isang Local Government Unit (LGU) na nagpapakita ng mabuting pamamahala, sound fiscal management, transparency, and accountability.
Kalakip ng karangalang ito ang Local Government Support Fund (LGSF) na nagkakahalaga ng 2 milyong piso na magagamit ng lokal na pamahalaan para sa maayos na pagpapatupad ng mga iba’t-ibang mga proyekto at programa sa hinaharap na makakatulong sa patuloy na pag-unlad ng bayan.
Kasama ni Mayor sa awarding ceremony na ginanap sa Provincial Gym ang mga Sangguniang Bayan Members at mga Department Heads.