May 18, 2012, Gen. Trias – Isang farm tractor and ipinagkaloob ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala sa bayan ng General Trias na tinanggap ni Mayor Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV sa isang turnover ceremonies sa Gen. Trias Dairy Processing Center, Brgy. Santiago. Ang katuwang na pondo ng proyekto ay nagmula kay Cavite 6th District Cong. Antonio “Ony” A. Ferrer na dumalo rin sa ginawang seremonya.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Sec. Alcala ang kanyang adhikain na palakasin at patatagin ang pagtutulungan sa pagitan ng Department of Agriculture at lokal na pamahalaan ng Gen. Trias sa pamamagitan ng iba’t ibang proyektong naglalayong paunlarin ang pagsasaka sa ating bayan lalo’t na’t malaki ang potensyal nito dahil sa malawak na lupang pangsaka at malapit na distansya sa Maynila. Ipinaalam rin niya ang nalalapit na pagbibigay ng 25 kalabaw mula sa Philippine Carabao Center.
Ipinarating naman ni Congressman Ony Ferrer ang kanyang suporta sa lokal na magsasaka at sinabi na may 38 pang kalabaw ang bibilhin mula sa tulong pinansyal na kayang nakuha sa Department of Agriculture at ito’y ipagkakaloob rin sa mga magsasakang Gentriseño.
Samantala, malugod na tinanggap ni Mayor Jon-Jon Ferrer ang mga suportang ito at ipinabatid ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Sec. Alcala at Congressman Ferrer.
Nakilahok din sa ginanap na seremonya sina Regional Exec. Director Vilma Dumaculangan – Dept. of Agriculture Region 4-A, AMAS Agribusiness & Marketing Services Director Engr. Leandro Gazmin, National Dairy Authority Administrator Grace Cenas, Philippine Carabao Center Exec. Director Libertado Cruz, Livestock Dev’t. Council Exec. Director Manuel Jarmin, Nat’l. Corn Program Coordinator Asec. Ed De Luna, Director for Regional Engagement Joaquin Abejar, Provincial Agriculturist Engr. Mario Silan, Provincial Administrator for External Affairs Efren Nazareno at iba pang opisyal ng agriculture department at ng Provincial Government of Cavite, gayundin ang mga Sangguniang Bayan Members, Barangay Officials at mga tagapamahala ng dairy cooperative at mga lokal na magsasaka.
by Local Communications Group-Gen.Trias