Hunyo 17, 2011 — Sa ika-12 pagkakataon, ginanap ang taunang Kasalang Bayan sa Gen. Trias Convention and Cultural Center sa ilalim ng pamahalaang bayan ng Gen. Trias.
Sa ilalim ng programang ito, 72 pares na mga magkasintahan at nagsasama nang hindi kasal ang dumalo upang gawing legal ang kanilang pagsasama. Ang seremonya ng kasal ay pinangunahan ni Kgg. Luis A. Ferrer IV, butihing alkalde ng bayan na pinagkalooban ng Republika ng Pilipinas ng kapangyarihang bigyang bisa ang isang kasal.
Sinaksihan ang seremonya nina 6th District Congressman Antonio”Ony” Ferrer, Cavite Mayor’s League(CCL) Federation President and General Trias topnotch Councilor Maurito Sision, Sangguniang Bayan Members at mga Brgy. Captains.
Naisakatuparan ang programa sa pagtutulungan ng mga kawani ng Municipal Civil Registrar sa pangunguna ni G. Alfredo Villalobos kaagapay ang Tanggapan ng Punongbayan.