by the Local Communications Group-Gen.Trias
September 8, 2014 (General Trias, Cavite) –May 40 residente ng bayan ng General Trias ang tumanggap ng pang-negosyong food carts mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang sina Cong. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV at Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer. Bukod rito, nakatanggap din ang mga beneficiaries ng P1,000 tulong puhunan mula sa DOLE. Ito’y bahagi ng P1.5 million livelihood project na ibinaba ng nasabing ahensya sa ika-6 na Distrito ng Cavite.
Sa turn over ceremony na ginanap sa Brgy. Pinagtipunan nitong September 8, kinilala ni DOLE Provincial Director Engr. Ignacio S. Sanqui, Jr.,ang magandang pamamahala ng magkapatid na Ferrer sa General Trias at sa distrito, gayundin ang kanilang pagsusumikap mabigyan ng maayos na ikabubuhay ang . Samantala, sa kanilang mensahe, pinasalamatan nila Cong. Jon-Jon at Mayor Ony ang DOLE para sa patuloy na suporta ng ibinibigay nito. Hinikayat din nila ang mga beneficiaries na pangalagaan at pagyamanin ang tulong pangkabuhayan na ibinigay sa kanila.
Tuwang-tuwa namang tinanggap ng mga beneficiaries ang kani-kanilang food carts na may kasama nang kaldero, stove, bike at sidecar. Marami sa mga na biniyayaan ay indigents na umaasa lamang sa maliit na negosyo upang tustusan ang kanilang pangangailangan sa pamilya.
Photo Credits to: Ryan Richard Padua