
by the Local Communications Group – Gen. Trias
Ika-27 ng Mayo 2021 — Dinaluhan ni Myor Antonio “Ony” A. Ferrer ang turn-over ceremony para sa pagpapalit ng liderato ng General Trias Component City Police Station na ginanap sa Cavite Police Provincial Officer sa Imus. Ang nasabing programa ay pinangunahan ni PNP Cavite Provincial Director PCOL Marlon Santos sa pagitan ng outgoing officer-in-charge ng GenTri CCPS na si PMAJ Fernand Venancio Segundo at ng bagong magiging hepe ng istasyon na si PLTCOL Norman Tablado Rañon. Si PMAJ Segundo ay nagsilbi ng may halos isang buwan sa GenTri at naging pangunahing katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod. Ang bagong OIC na si PLTCOL Rañon naman ay nagserbisyo sa mga lalawigan ng Quezon at Rizal bago ito madestino sa GenTri. Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Mayor Ony sa paglilingkod ng ni PMAJ Segundo sa lungsod at ipinarating din ang kanyang malugod na pagtanggap sa magiging bagong hepe ng local police.