by the Local Communications Group-Gen. Trias
Oktubre 4, 2016 – Ang pista ng bayan ay muli na namang ginanap noong ika-4 ng Oktubre na punong-puno ng kasiyahan at iba’t ibang patimpalak. Ito ay isang taunang selebrasyon bilang paggunita at pasasalamat sa patron ng bayan na si San Francisco de Asis. Para sa taong ito, ang temang “ San Francisco Huwaran sa Pagiging Dukha at Mapagmalasakit” ay nagsilbing inspirasyon upang gawing makulay at masaya ang pagdiriwiang.
Sinimulan ang pagdiriwang sa pagbubukas ng Fiesta Baratillo noong Setyembre na inabangan ng maraming Gentriseño. Sinundan ito ng isang Costume Parade noon ika-30 ng Setyemre sa pangunguna ng Nagkakaisang Kababaihan ng Gen. Trias (NKGT). May 35 kandidato mula sa iba’t ibang barangay ang lumahok sa patimpalak at nagpakita ng mga naggagandahang kasuotang yari sa sako at iba pang recycled materials. Binigyan ng Certificate of Participation ang lahat ng sumali ngunit ang mga nanalo ay napagkalooban ng cash prize. Nakuha ng Brgy. Pasong Kawayan II ang ikatlong pwesto at premyong Php 7,000, ng Brgy. Bacao I ang ikalawang pwesto at premyong Php 10, 000 at ng Brgy. San Juan II ang unang gantimpala at premyong Php 15, 000.
Ginanap naman noong ika-1 ng Oktubre ang Marching Band Competition upang iparining ang mga mahuhusay na banda mula sa iba’t ibang bahagi ng Cavite. Sa taong ito, may sampung banda ang nakilahok at lalong nagpasaya sa pagdiriwang. Umikot sa bayan ang mga banda bago nagpakita ng kanilang exhibition. Tinanghal ang Sta. Monica Band ng Tanza bilang pinakamahusay sa lahat.
Gayundin, hindi mawawala ang tradisyunal na Karakol na ginanap noong ika-2 ng Oktubre na nilahukan ng iba’t ibang sector ny bayan. Nakiindak at nakisaya ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan, ihan, mga miyembro ng iba’t ibang organisasyon tulad ng Senior Citizens at Nagkakaisang Kababaihan, at maging ang mga guro at mag-aaral ng iba’t ibang paaralan. Napuno ang kalsada ng masasayang tugtugin at makukulay na kasuotan.
At dahil kilala si San Francisco bilang Patron ng mga Hayop, hindi mawawala ang Pabialahay (Pagbibinyag sa mga Alagang Hayop) na ginanap noong ika-3 ng Oktubre. Marami ang nagdala ng kanilang mga alagang hayop sa simbahan upang mabinyagan.
Sa mismong ika-4 ng Oktubre ginanap ang Town Fiesta kung kalian binuksan ng mga Gentriseño ang kanilang tahanan sa mga kamag-anak, kakilala, at iba pang bisita upang ipatikim hindi lamang ng masasarap na pagkaing matitikman lamang sa Gen. Trias kundi na rin ipadama ang pagigi magiliw sa panauhin ng mga Gentriseño
Nagtapos ang kasihayan sa isang makulay, maingay, at magandang firework display sa plaza.
Ang matagumpay na pagdiriwang na ito ay sa pagtutulungan nina Cong. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, Mayor Antonio “Ony” Ferrer, Sangguniang Bayan Members, Tourism Office at Saint Francis of Assisi Parish Church.