Bilang bahagi ng Women’s Month Celebration, isang fun run na pinamagatang “Takbo ng Makabagong Kababaihang Gentriseno” ang ginanap noong ika -18 ng Marso 2012 mula South Square Village, Pasong Kawayan II hanggang General Cultural and Convention Center grounds sa Brgy. Sampalucan.
Nilahukan ito ng mga miyembro ng Nagkakaisang Kababaihan,mga mag-aaral ng Lyceum of the Philippines – Cavite Campus, at Gov. Ferrer National Highschool, gayundin ng mga youth sectors at mga runner enthusiasts.
Sa pagwawakas ng 5K fun run, nakuha ni Davien Caroz ang unang puwesto, ni Armin Columna ang pangalawang puwesto at AJ Beronio ang ikatlong puwesto para sa men’s division. Samantalang sa women’s division, nakamit ni Janice Marquez ang tagumpay. Nakatanggap ang bawat isa ng cash at gift packs.
Ang programang ito’y pinangunahan at nilahukan din ng ating butihing Mayor Luis A. Ferrer IV katuwang ang kanyang may bahay na si Ms. Monette Ferrer,Cong.Antonio Ferrer at Ms.Anne Ferrer, 7th District Board Member Irene Bencito,Board Member Morit Sison, Kon. Christopher Custodio- Chair,Committee on Women and Family Affairs. Gayundin ang iba pang Sangguniang Bayan Members na sina Kon. Lamberto Carampot, Kon. Mario Amante,Kon. Richard Parin,Kon. Kerby Salazar, LNB President Walter Martinez, SKF Jim Dominic Culanding. Kasama rin sa naturang fun run ang mga miyembro ng Gen. Trias Katipunan Jaycees.